Chapter 59

195 4 0
                                    

TULONG

Unti-unti na akong nilalamon ng mga bagay na wala akong kontrol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unti-unti na akong nilalamon ng mga bagay na wala akong kontrol. Tulong ang sigaw ko sana ay rinig mo.


DYLAN'S POV

NAPAPAKAMOT na lang ako sa ulo dahil sa mga nalalaman ko ngayon. Nandito kami ngayon sa condo ni Sophie dahil nung tinawagan ako ni Rock agad na rin akong sumunod dito. Sigurado akong papagalitan ako ni Tita kapag nalaman niya ito.

How can she be this careless? Paano kapag maka-encounter siya ng gagong lalaki sa bar na iyon? Sinong tutulong kanya kung hindi siya nakita ni Rock?

Palagi na lang ba kaming magpapakalma ng mga taong nagwawala sa bar?

Lumabas na ako sa kwarto ni Sophie nang makita kong tulog pa rin siya. It is already 10AM but she's still asleep. I need to go already but I can't because I want to give her a word when she wakes up. Sinara ko na ang pinto at ang unang bumungad sa akin ay ang nakaupong si Rock sa sofa.

"Love messaged me. She's asking if we have an update about Uno," Napahinga na lang ng malalim si Rock habang nilalapag niya sa front table yung phone niya, "This is so messed up," he added as he leaned on the sofa.

"She also messaged me earlier. I also want to help but kahit tayo walang balita kay Uno. Yung phone niya, can't be reached na talaga," gusto man naming tumulong, ang huling balita lang namin kay Uno ay yung gabing nag-text siya sa amin na pupunta siya ng Masbate para alukin ng kasal si Great Love. Sound crazy at first but we understand. Ayon ang tanging paraan na naisip niya para wala nang magawa yung Lolo niya once maikasal na sila.

And now, I don't think hindi gumana yung plano niya base sa message kanina sa amin ni Love. I am sure na sasaluhin na naman ni Uno ang lahat.

"Do you think pumayag si Great Love na ikasal sila?" Tanong ni Rock na ngayon ay napabangon mula sa pagkakasandal.

"I don't think so. Hindi naman magte-text si Great Love sa atin para hanapin si Uno diba? And also, pumunta doon yung guards nila para lang sunduin si Uno. Dude that's..... worst," Hindi ko na napigilan dahil maski kami problemado. "Mr. Haime Fillimon is really taking a step. Ayoko na isipin yung iba pa niyang kayang gawin kapag nagmatigas pa si Uno." Ang hirap.

"Nasabi kaya niya?" Rock.

"Sana nasabi niya. I'm afraid he wants to solve things alone," I answered.

Uno is really a hard headed person. Kung ano yung nasa isip niya, sarado na yung ibang opinyon ng iba. If he thinks he can fix something alone, he will fix it alone. Lalo pa ngayon na nagmahal siya. Kung pwede lang saluhin niya yung pagbaksak ng bulalakaw sa lupa, sasaluhin niya. Huwag lang matamaan yung mahal niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon