PROPOSAL
— Now that I am happy why they want to take you away from me?
THIRD PERSON'S POV
HALOS mapiga na ni Leticia ang kamay niya dahil sa hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang kilalang pinakamayamang business man na Lolo ng nobyo ng anak niya.
Inabot niya ang kape na in-order pa para sa kanya ng matanda atsaka ito ininom. Ang swerte-swerte talaga ng anak ko ang sambit niya sa isip niya.
"Leticia, can you share me something about your daughter?" Tanong ng matanda nang matapos niyang mainom ang kape niya.
Ngumiti siya at excited na binanggit ang tungkol sa anak niya, "Ah si Great Love po ay napakagandang bata. Masipag at mabait. Napakaresponsableng ate sa mga anak ko na nasa probinsya. Doon rin po siya nagaaral sa university na pagma-may--"
"Tell me something interesting" pagputol ng matanda sa kwento niya.
Saglit siyang nagtaka sa tinutukoy ng matanda pero agad ring dinugtungan ng matanda ang sinabi nito para bigyang linaw ang nasa isip niya.
"Hindi ako naparito para malaman ang mga bagay na obvious namang alam ko na dahil simula palang nang marinig kong may namamagitan sa apo ko at sa anak mo ay nagpa-background check na ako," pagmamalaki ng matanda, "I saw something there. She was born in Batanes, how come na doon siya pinanganak when you are working in Manila and your husband is in Masbate?" Tanong niya.
Napatigil si Leticia sa tinanong ng matanda. Hindi sumagi sa isipan niya na pati iyon ay tatanungin ng matanda. Matagal na niyang kinalimutan ang nakaraan pero bakit kailangan pang ungkatin ang nangyare kung mas importante naman ang future ng mga bata.
"Hindi na ho ata importante ang nakaraan, Sir. Ang mas importante po ngayon ay ang kinabukasan ng mga bata," alangang sagot niya.
Natawa ang matanda.
"Sabagay, hindi ko na rin naman kailangang alamin 'yun. I was just curious that time," sarkastikong sambit ng matanda, "Anyway, parehas pala nating iniisip ang future ng mga bata. It's good to know na parehas tayo ng iniisip. Ayoko ng patagalin pa ang usapan natin. 3 million para iwanan ng anak mo ang anak ko. Wala akong pakealam kung papaano niyo gagamitin ang pera. Ang gusto kong mangyare mawala ang pamilya niyo sa buhay ni Uno." seryoso at matapang na sambit ng matanda.
Bakas sa mukha ni Leticia ang pagkabigla sa inasal ng matanda.
Buong akala niya ay nagkita sila para mas formal na makilala ng matanda ang nanay ng nobya ng apo niya pero unti-unti itong gumuho nang makita niyang nilalabas na ng matanda ang isang bag na naglalaman ng mga pera sa harap niya.
BINABASA MO ANG
THE STARS CRY
Teen FictionA story of a girl named GREAT LOVE FERNANDEZ. A girl with a broken mirror of herself. A human product of all her experiences in life. A girl that we can compare to a broken glass. Entering college is what she fears the most. NEW PEOPLE and NEW PLACE...