Chapter 57

160 6 2
                                    

PAPARATING

Gaano kahirap labanan ang isang kalaban na may dalang bagyong hindi kita ng mga mata?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gaano kahirap labanan ang isang kalaban na may dalang bagyong hindi kita ng mga mata?


GREAT LOVE'S POV

MATAPOS mangyari ang pag-amin ni Akin sa akin ng nararamdaman niya, naramdaman ko na ang pagiging ilap niya. Minsa'y babati siya kapag nadaan sa tapat ng bahay namin pero hindi na katulad ng dati na pupunta pa siya dito para mangamusta sa amin.

"Just give him time and stop giving glances," sambit ni Uno sa akin nang makita niyang sinundan ko pa ng tingin si Akin na kakadaan lang sa tapat ng bahay namin, "Magseselos na ako," dagdag niya kaya napatingin naman ako sa kanya.

Kasalukuyan niyang pinuputol ang sobrang dahon sa ilan naming mga halaman sa bakuran. Pinipilit ko na nga kanina na ako na lang dahil wala naman siyang alam sa pagtatabas pero nagpumilit siyang sa na daw ang gagawa dahil iyon daw ang bilin ni Papa.

"Selos? Uno, syempre kaibigan ko si Akin ng ilang taon. Naging parte na rin siya ng buhay ko at hindi ko basta-basta kayang itapon yung pagkakaibigan namin nang dahil lang sa nangyare," dahilan ko kay Uno. Kahit ilang man na malaman na may gusto sa akin si Akin, nangingibabaw pa rin yung mga ala-ala ko sa kanya bilang kaibigan ko. Hindi ko naman pwedeng itaboy yung kaibigan ko nang dahil lang sa nalaman ko diba? "Sana pagdumating na yung time na tanggap na niya yung nangyayare ngayon, bumalik pa kami sa dati," dagdag ko.

Tinignan ko ang reaksyon ni Uno sa sinabi ko at nakita kong napangisi lang ito at saka nagpatuloy sa pagpuputol ng mga sobrang dahon.

"Atsaka si Trisha, hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa kanya. Hindi niya kasi sinasagot ang mga message ko sa kanya," kwento ko pa kay Uno.

"Maybe she's also taking time to process everything," Uno habang patuloy sa pagpuputol ng mga dahon.

Hindi na ako nagsalita pa at tinignan na lang si Uno sa ginagawa niya, "Gusto mo tulungan na kita diyan?" Tanong ko sa kanya ulit. Halata kasing hindi siya marunong base sa pagdadalawang isip niya kung puputulin niya ba yung dahon o hindi.

"I can do this, Love."

"Bakit ba kase ikaw ang gumagawa niyan?"

"May usapan kasi kami ng Papa mo kaninang umaga."

"Anong usapan?"

"He will let me date you tomorrow kapag nagawa ko ito," Halata na nahihiya pa siya nang sabihin iyon.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ko ang pagtawa. Ang cute ni Uno sa bagay na ginagawa niya ito dahil may kapalit yung pag-aya niya ng date sa akin bukas.

THE STARS CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon