DB THREE

1.6K 71 4
                                    

"She lost her consciousness bec--"

Nagising ako ng may narinig akong masinsinang nag-uusap.

T..teka sino ba sila?

"S..sino po kayo? a..nong nangyari?"
pagtatanong ko, babangon na sana ako ang kaso nahihilo ako.

"Oh? Gising na pala ang pasyente. Hello, Miss Sue I'm Doctor Mickey Perez Personal doctor of this Seige Condominium High Building. Nawalan kayo ng malay kase sobrang taas ng lagnat niyo and besides-- "

"Wa--it doc, a..nong sabi niyo Co..condominium?"

Paanong naging condominium? Sa pagkakaalam ko apartment 'to?

Teka! Sumasakit lalo yung ulo ko sa pag-iisip.

"What do you mean Miss Sue?" parang naguguluhan ding tanong ni Doc sakin.

Nagtataka ba siyang hindi ko alam na isang condominium building itong inuukupahan ko?

Magsasalita pa sana ako ng may sumabat.

"U..h sige salamat nalang doc. Okey naman na siguro siya, tatawagan ko nalang kayo ulit kapag napansin kong lumalala ulit ang lagnat niya."

Si...

Miss Juday! Siya nga pala iyong tumulong sa akin kagabi. Naalala ko nanaman yung mukha niyang iyon.

Nag-aalala ba siya?

Pero hindi kami close eh.

"Okey then, aalis na ako. Anyway Miss Sue don't stress yourself too much"

"I will doc"

Pag-kaalis ni doc, tumingin agad ako ng may pagtataka kay Miss Juday at nagtanong.

"a..no pong ibig sabihin ni doc miss juday? p..pano? b..a kit? ba..bat d..di niyo agad sinabi?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Sue. A..kala ko kase alam mo ng isang condominium tong pinasukan mo" ani niya kaya hindi ko na napigilang mainis.

"Miss juday! ang sabi ko po mag rerent ako ng isang room at babayaran ko kada buwan. Alam kong hindi kayo tanga para hindi maintindihan yun, ang condominium hindi nirerentahan! posibleng di niyo po yun napansin! Ang sabi niyo pa 10,000 ang bayad! So anong ibig sabihin nun? hah?! Miss Juday naman! Pi.nag.muk.ha. niyo kong tanga!" Nanggigigil at naiiyak ng sabi ko. Hindi porket mahirap lang ako hindi na nila pwedeng i-take advantage 'yon.

"Ma'am Sue, Manager lang ako di--"

"Manager? akala ko ba staff ka?" naguguluhang tanong ko. Ano ba kase ang totoo?!

"Staff? wala akong sinabing ganun ako Sue." paglilinaw niya.

Oo nga naman Reign ! Wala siyang sinabing staff siya dito nor janitor, pero wala ring manager!

Nahihiyang napatingin ako sa kanya.

Pero no! Ba't ako mahihiya? Hindi niya pa nasasagot yung tanong ko.

"Pero ba't hindi niyo nalang ako sinabihan? Bakit 'di niyo nalang sinabing condominium ito?"

"Sue, As what you've said kahapon mahirap kalang, and napansin kong kailangan na kailangan mo talaga ng matitirahan that's why I offered you this room. Naaawa ako sa'yo. Ano bang masama dun? And about the 10,000 thingy, hindi ko iyon gawa-gawa. Mahal at kompleto ang gamit ng every rooms dito, including the stocks of foods pero dahil sa ni-rent mo lang itong room na'to, inalis na yung TV, foods at iba pang gamit.May isang dormitory building pa kami but sad to say okupado na lahat yun. H..hindi ka narin pwedeng umalis kase nakapangalan na sa'yo itong room na ito"

Mahabang litanya niya. So iyon pala! Ang hirap naman kaseng maging mahirap.

Bakit ang tanga ko? Ba't di ko agad napansin na iba itong tinutuluyan kong building? Mga katangahan mo Reign! tsk tsk!

"Ano pong ibig niyong sabihin?"
pagtatanong ko ng narealize ko yung huling sinabi niya. Bakit nakapangalan saakin?

"Diba Condominium ito? At sayo narin mismo nanggaling na hindi narerentahan ang condominium, that's why sinabi ko sayong kailangan buwan buwan magbabayad ka ng ten thousand, at kapag naabot mo na ang pagbabayad ng 10,000 in ten months ,This room will be now officially yours. So bale parang nabili mo narin tong condo pag nagkataon" nakangiting pag-eexplain niya sakin.

"This room will be now officially yours"

"This room will be now officially yours"

Seryoso?! yay! pero 10,000 kada month! Saan ako kukuha ng pera nito?

Plus the fact na estudyante lang ako.

Ano kaba naman kase Reign? Masyado ka kaseng ilusyunada para mag condo!

Pero wala natong urungan.

"Pero masyado pong malaki ang 10,000 sa isang buwan lang Miss Juday. H..hindi ko po yata yun kakayanin, atsaka wala pa po akong trabaho. Estudyante palang po kase ako eh"  pagkasabi ko niyan napaisip siya, kung sakali mang wala akong maipambabayad siguro babalik nalang ako sa dati kong apartment.

Sayang nga lang itong condo na'to kapag nagkataon.

"Manager rin ako sa restaurant nitong SCHB kung gusto mo ipapasok kita bilang waiter, sakto k..kaaalis lang nung isang waiter"

Napangiti agad ako pagkasabi niya nun, wala namang problema para sakin yun eh.

"S..sge sge po, payag ho ako. Kaya ko namang maging working student eh, tsaka para narin pangdagdag sa bayarin ko" nakangiting tugon ko.

"O sge, sa Lunes ka nalang magsisimula baka lalala yang lagnat mo pag bukas kana agad magsisimula"

"Sge Miss juday, maraming salamat  po talaga"

"Walang anuman, aalis na ako may trabaho pa kase ako eh. Nga pala Reign" napatingin agad ako kay Miss Juday ng sabihin niya ang pangalan ko.

"Sa susunod ingatan mo na yang sarili mo. May iniwan nga pala akong konting pagkain jan sa kusina mo. Yang mga gamot mo inumin mo" pagkaalis ni Miss Juday,humiga agad ako.

Parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang lagnat ko, lalo na sa mga nalaman ko kanina mas lalo yatang sumasakit ang ulo ko pag inaalala ko yun.

Hayy!

Naalala ko nanaman si Miss Juday.

Bumait yata siya, pero sabagay looks can be deceiving ika nga nila.

Yung itsura kase ni Miss Juday ay parang isang terror na dalagitang teacher. Base sa hitsura niya parang nasa 25 pa siya. Hindi rin halatang manager lang siya dito kase ang ganda niya, matangkad at medyo maputi.

Pero sabagay bat ko ba yun pinapansin?

Ang mahalaga, mukhang magiging kaibigan ko siya dito kahit masyado siyang weird.

Linggo na bukas, sa Lunes na rin ang simula ng pasukan at simula ng trabaho ko sa restaurant dito.

Sana lang magiging maganda ang takbo ng college life ko dito.

Bukas nalang ako bibili ng mga pangangailan ko, dahil bukas na ang simula ng bago kong buhay dito sa SCHB.

•••••••••••••••••
••••••••••

to be continue...


-adorableG

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon