DB FIFTY THREE

396 15 0
                                    


"Wala kayong dapat ipag-paumanhin S..sir Chi wala po kayong kasalanan. Naiintindihan ko po." Ngumiti ako ng tipid sakanya, at isang mahabang buntong hininga lang ang tanging isinagot niya.

Pagkatapos ay nag-usap na sila ni Attorney. Alam kong tungkol sa'kin ang pinag-uusapan nila, pero kahit ni isa sa mga 'yon ay hindi na pumasok sa utak ko. Nawala sa kanila ang attention ko, at tanging si Seven lang at ang lahat ng ginawa niya ang nasa isip ko.

Pumikit ako ng ilang saglit para damahin kung ano ang nararamdaman ko ngayon, pero kahit ni isang emosyon ay wala akong maramdaman. Ang galit na inaasahan kong mararamdaman ko ngayon, ay hindi ko maramdaman. Ni saya, lungkot, o kahit ano.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ito o hinde.

"Reign anak, let's go." Natuon agad ang atensiyon ko kay Mr Chi, ng maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. Doon ko lang napagtanto, na tapos na silang mag-usap ni Attorney dahil hindi ko na siya makita.

"Umalis na si Attorney, nag-paalam siya sa'yo kanina pero parang wala ka sa sarili kaya hinayaan ka nalang niya."

"S..sorry po, hindi ko sinadya."

Wala ako sa katinuan kanina

Tinitigan niya ako ng mariin, pagkatapos ay hinila niya ako para yakapin.

"Anak, I'm so sorry. It's all my fault." Hinging paumanhin niya nanaman. Ilang ulit na niyang sinabi 'yan sa'kin, pero kagaya ng sinasabi ko. Wala siyag kasalanan. Biktima lang din siya, at wala na kaming magagawa doon. Ang mahalaga okay na kami ngayon, at nalaman ko nadin lahat ng kailangan kong malaman.

"Gusto kang makita ng Lola mo." Nakangiting saad niya saakin makalipas ang ilang segundong pagkatahimik namin. Nasa sasakyan na kami, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Gusto ko din po siyang mameet."

"Don't worry, kukunin ko na 'yong passport mo mamaya, at bukas na bukas din aalis na tayo." Excited na sabi niya na nakapagpawala ng ngiti ko.

"P.. passport?"

"Yes Reign. We're going to Canada. Doon kami nakabase ni Mom, even thou my Dad your lolo is a Chinese, nandoon parin yung totoong bahay natin sa Canada kase doon siya nagbase ng business niya."

"P.pero--"

"Everything will be fine. Alam na ng nanay nanayan mo na nasa akin kana. Pina handle ko na lahat kay Attorney. Ang gusto ko, hindi mona poproblemahin ang mga ito okay? Ang mahalaga, magkakasama na ulit tayong lahat. Isosorprise natin ang Lola mo, Reign." Nakangiting pahayag niya, kaya hindi ko magawang tumanggi. May part sa'kin, na sobrang bilis ng pangyayari.

Na aalis agad ako, at.. at---

Umiling ako, at ngumiti kay Mr. Chi.

"S..sige po."

"Can you do me a favor?"

"A..ano po 'yon?" He sighed and hold my hand.

"Can you call me dad? Please anak. I've been longing to my child to call me dad, bata ka pa noong kinuha ka sa'min. Kaya hindi ko naranasan na tawagin mo akong dad, o papa." Pinisil ko ang kamay niya, at nakangiting tumango.

"O...okay po. D..dad." Naluluha siyang ngumiti pabalik, at ganoon din ako. Hindi nagtagal napatawa nalang kami sa hitsura namin.

Andami niyang kinuwento saakin, tungkol kay Lola. Nasasabik nadin tuloy akong mameet siya, at sorpresahin. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita na kami?

"We're here."

Hindi ganoon kalaki ang bahay na nabungaran ko. May dalawang palapag lang siya pero mahahalata mo na agad na mayaman ang may-ari dahil sa hitsura niya. Medyo malaki din ang gate, at may parking lot sa harap.Nandito siya sa isang subdivision, at medyo magkakalayo ang agwat ng mga bahay.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon