DB FOURTY SIX

431 21 0
                                    

W A R N I N G!
SPG.

---

"Oh? Bat kapa hindi umaalis? Wala akong maipapabaong pera!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay, at bahagyang napabuntong hininga. Hindi naman  ako hihingi ng pera, magpapaalam lang sana ako ng mabuti.

Binitbit ko ang bag ko, at naglakad papalapit sa kanya.

"Aalis na po ako." He didn't answered, but he wave his hands. Parang nananaboy. Napailing ako at humalik sa pisngi niya bago naglakad paalis.

I felt her stiffened when I kissed her cheeks. Hindi ko siya masisisi, unang beses ko yung gawin sa kanya eh, hindi ko nga rin alam kung bakit ko yun ginawa. Aalis nanaman akong hindi manlang siya naka bonding ng mabuti.

Well, hindi naman masamang umasa diba?

Sumakay ako agad ng Jeep pagka stop niya sa harap ko. Buti nalang may extra money ako, dagdag mo pa ang perang naipon ko sa pagtitinda at ang nautang ko sa kapatid ni Nanay. Hindi ako mamomroblema ng pamasahe.

Nang makasakay ako ng bus, iidlip na sana ako ng sumagi nanaman ang imahe ni Li na nagmakaawa sa harapan ko.

--

"Please, forgive me. Is this about that phone? I can give you another one." Kumunot ang noo ko, at sinamaan siya ng tingin.  Ilang araw ko na siyang hindi pinapansin ah! Hindi pa ba siya napapagod?

"Talk to me Reign. O galit ka dahil sa Seven nayun?"

I didn't answer.

His jaw clenched, and his fist folds. Tinitigan niya ako ng matiim, and I almost  look away but I shouldn't. Kailangan kong ipakita na seryoso din ako at hindi natutuwa sa presensiya niya.

Lumapit siya sa akin. The sadness, tired and anger are visible in his bloodshot eyes. Halos mapaatras ako dahil sa mga nakikita ko sa mga mata niya.

"Come to me Reign. Please don't go with that scumbug. Don't..."

---

Hindi ko alam pero--  kahit papaano awang-awa ako sa hitsura niya noon. Pero kase mali talaga yung ginawa niya.

Hindi ko din alam kung bakit napaka bigdeal ng pakikipaglapit ko kay Seven sa kanya. He's not my father! Not even my boyfriend, and my friend but he's acting like one. Naiinis ako dahil ganun din ang tingin niya sa akin noon, pero siya din naman ang ganyan sa akin.

--

Antok na antok kong binaba ang bag ko sa taxi pagkatapos kong magbayad. Nang makaapak ako sa Seige Condominium ay bahagya akong kinabahan, kaya napahinga ako ng malalim.

"Kalma, wala pa si Seven." I tried to calm myself, pero hindi ko parin talaga maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung paano siya haharapin, at ayokong pag-awayan namin yun.

Sana naman pakinggan na niya ang explanation ko ngayon.

Nginitian ko si Manong Guard, at dumeretso na sa elevator. Pinagkiskis ko ang dalawang palad ko, at palakad lakad. Buti nalang ako lang tao dito.

*Ting*

Napalunok ako ng bumukas ang pinto ng elevator. Dahan dahan akong lumabas, pero bumagsak ang balikat ko ng wala si Seven sa labas ng pinto. Napatawa ako ng pagak.

Bat ba ako nag-eexpect?

Pero hindi naman masama diba?

Bumuntong hininga ako ulit at matamlay na dumeretso sa pinto ko. Tinignan ko pa ng matagal ang pinto ni Seven na baka bubukas nalang yun bigla, at makikita ko siyang magulong magulo ang buhok habang nakatitig sa akin ng masama. Pero--wala siya, kaya pumasok nalang ako loob.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon