DB THIRTY TWO

497 28 1
                                    

"Wala parin ba si Lianne?" Tanong ko sa katrabaho ko ng mapansin kong hindi pa siya pumapasok. Nag-aalala na kase ako, baka ma behind din siya sa mga lessons nila.

"Wala pa eh." Sagot niya kaya nagpasalamat nalang ako.

Bumalik din agad ako sa trabaho ko, pagkatapos kong mag meryenda.

"Heto daw yung order ng #21 at #13." Dinikit ko ang post-it note sa tabi ng magluluto, pagkatapos ay uminom ng tubig.

"Reign, pasuyo naman oh. Pakibigay naman muna to kay Miss Juday." Binigay niya sa akin ang isang tray na may lamang dalawang platito na may tig-iisang slice ng cake, at dalawang basong juice. May kausap siguro si Miss Juday o kayay bisita.

"Saan po ba ilalagay? Sa office niya po?"

"Oo, sige na. Ako na munang bahala dito. Baka gutom na mga yun."

"Sige sige po."

Bitbit ang tray, naglakad ako papunta sa office ni Miss Juday. Kakatok na sana ako ng may narinig akong nag-uusap sa loob. Hindi ko naman sana papansinin it, kung hindi lang pamilyar ang boses ng kausap ni Miss Juday.

"So how is he?"

"Okay na daw po siya Sir." Napakunot ang noon ko. Pamilyar talaga. Mas lalo ko pang inilapit ang tenga ko.

"How 'about--" nanlaki ang mata ko ng bumukas bigla ang pintuan kaya napaatras ako.

"Oh? Reign? Bakit?" Tanong ng lalaki sa harap ko na hindi ko alam ang pangalan. Pero siya ang bodyguard sa labas ng restaurant nato.

"I..ibibigay ko lang po sana ang meryenda sa loob." Awkward na sagot ko sa kanya. Baka kase napaghalataan niyang nakikinig akonsa usapan sa loob kanina, mapagkamalan pa akong chissmosa.

Eh! Na curious lang naman ako.

"Ah yan bang hawak mo? Naku! Kukunin ko na sana yan kase antagal daw dumating eh, buti naman andito na." Napapakamot na sabi niya kaya nahiya ako. Inuna ko pa kase pakikinig, kung sana diniretso ko nalang sana eh no? Para walang problema.

"Sorry po." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"Okay lang. Sige na ako na magdadala nito. Salamat ah?" Sumilip muna ako sa loob pero hindi ko naman sila makita, bago tumango kay-- sa nasa harap ko.

"Sige po."

Isinawalang bahala ko nalang ang mga narinig ko kanina, at bumalik na sa pwesto ko kanina.

"Anong sabi?" Bungad na tanong sa akin ni Melany, yung nagpahatid ng meryenda sa akin kanin.

"Wala naman po." Ngumiti ako sa kanya. Wala naman talaga silang sinabi diba?

"Oh siya. Kinakabahan lang ako, nalaman ko kase kani kanina lang na yung may-ari ng restaurant pala dito ang kausap niya. So anong hitsura?" Hinawakan niya pa ako at niyugyog sa balikat. Nagulat din ako sa sinabi niya.

So ang kausap ni Miss Juday ang may-ari nito? Sayaaaang! Bat di agad ako pumasok para nakita ko na?

Umiling ako kay Melany.

"H..Hindi eh." Nanghihinayang na napabuntong hininga siya.

"Sayang naman. O siya sige, kunin mo na tong mga order nila." Binigay niya sa akin yung mga orders, kaya kinuha ko agad tong mga to.

Tinignan ko ang relo ko bago ko buksan ang pinto ng unit ko, 9 na pala? Ang sakit ng katawan ko. Pero kailangan ko pang magreview ngayon, kase malapit matapos ang first semester. Malapit na din pala practicum namin.

Haaay!!

Dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Siguro hindi muna ako pupunta kay Seven ngayon. Pagdating ko sa kusina. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Seven, na nagluluto.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon