DB EIGHT

952 62 4
                                    

Nag aayos ako ng buhok ng naalala ko nanaman, kung tama ba yung ginawa ko kahapon. Naaalala ko nanaman yung sinabi ko kay Severn.

Pumayag akong maging dormmate buddy niya in a one condition.

Sinabi kong kailangan...

Ipakita niya sakin kung karapat-dapat ba talaga siyang pagkatiwalaan.

Trust. Sobra kaseng importante yan sakin eh.

Lunes na nga pala ngayon. Kailangan ko ng pumasok kase magka catch up pa ako sa mga subjects ko.

Pagkasara ko ng pinto, nagulat ako kase andun si Severn. Nakasandal sa pinto niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nung nakita niya ako, tumayo siya ng tuwid.

Anong ginagawa niya jan?

"A..anong ginagawa mo jan?" ngumiti siya sakin, tsaka niya pinakita ang bag pack niyang nasa likod niya. Di ko napansin kanina.

"I was about to go to school, pero naalala kita. Gusto ko sanang sabay na tayong pumasok. You know get to know each other." Sabi niya ng seryoso, habang papalapit sakin. Huminto siya sa harap ko.

"Hm sge sge"

Pagkatuntong namin sa elevator, luminga muna ako bago pumasok. Nagtataka ako, kung bakit wala akong nakikitang ibang tao dito sa floor nato. Noon ko pato napapansin eh. Itanong ko kaya kay Severn?

"Seven" natigilan siya sa pag-aayos ng bag niya ng sabihin ko ang pangalan niya.

Seven nga pala ang itinawag ko sa kanya. Baka nagtaka...

"H---huh?"

"S...seven nalang tawag ko sayo. Wala namang masama dun diba?"

"U..uh yeah w..why? You're asking somethin' right?"

"Ah that. Nagtataka lang ako kung bakit wala akong nakikitang ibang nakaroom, dito sa floor nato" Tinitigan niya muna ako,pagkaraan ay tumawa siya ng mahina.

"You didn't know? Reign tayo lang ang nakaroom sa floor nato"

A....no?!!!!

T..teka bat di ko yata alam? Tsaka sa laki ng floor nato. Dadalawa lang talaga kame?

Tsk!! Ang hirap naman kaseng maging mahirappp!! Anong magagawa ko? Eh sa ngayon na nga lang ako nag condo, utang pa. Ayan tuloy p..para akong I..ignorante.

"Don't worry kahit tayong dalawa lang ang nandito. I'll assure you that you will be safe here. I told ya to trust me right?" he said sincerely habang nakatingin sa mga mata ko.

"Uh a..lam ko nam----"

"Excuse me?! Padaan nakaharang ka oh?!" Napatigil ako sa pagsasalita ng may nagsalitang babae, sa likod ni Seven. Nakaharang naman kase siya sa pinto ng elevator, kaya hindi sila makapasok. Hindi rin naman sila kita ni Seven dahil nakaharap siya sakin.

"Sir! Nakaharang ka sa pinto. Hindi sayo tong elevator kaya wag kang umas----- O________O S.....s...sir!" Salubong na salubong ang kilay ni Seven, ng lumingon siya sa kanila.

Nakanganga yung lalakeng sumigaw kanina na naka unipormeng guard, at napayuko naman yung iba.

"You saying something?" maangas na tanong sa kanila ni Seven. Nahintatakutan naman si manong guard.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon