"You need to get this too." Napasimangot nalang ako dahil sa mga pinagbibili ni Seven.
Nasabi ko kase sa kanya kanina, na kailangan kong umuwi sa amin bukas. Nagulat nalang ako ng hilahin niya ako at pumunta kami dito sa department store. Bibilhan niya daw ako ng pampa salubong, muntik na nga kaming mag-away kanina dahil hindi ako pumapayag sa gusto niya.
In the end, wala parin akong nagawa. Binigyan nanaman niya kase ako ng "i don't need your opinion" look niya.
Napabuntong hininga nalang ako, ng makita ko ang sandamak mak na paper bags sa harap ko.
Nilagay namin lahat sa backseat ng kotse ni Seven ang lahat, bago kami pumunta sa isang park. Hindi ko alam pero kahit hindi namin sabihin sa isat-isa, gusto naming sulitin ang araw nato ng magkasama.
Hawak kamay kaming naglalakad, habang nakatingin sa mga pamilya na masayang naglalaro. Umiwas ako ng tingin, ng makita ko sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya ngayon.
Ang saya nila eh. Parang family day pa ngayon dito, sa sobrang dami ng magkakapamilya.
"Ayoko na dito!" Seven exclaimed. Kaya napadako ang tingin ko sa kanya.
"H.huh? Bakit?"
"Ang childish ng dating. Let's go somewhere else." Kibit balikat niyang sagot sa akin, bago ako hinila pabalik sa kotse niya. Wala namang kaso sa akin kung aalis kami dito, okay nga yun eh.
Iwas drama.
Kumunot ang noo ko ng tumigil kami sa harap ng isang--
L. O. V. E. P A R K
"L..love park???" Hindi ko na mapigilan ang mapatawa dahil sa pinuntahan namin. Kaya pala ayaw niya sa pang childish na lugar, kase mas bet niya ang pang romantic. Hayyyy!
"Don't laugh!" Inis na singhal niya sa akin bago niya ako pagbuksan ng pinto. Napailing nalang ako sa inasta niya. Kunyari pa tong lokong to! May pagka sweet bones din pala.
"So, bat mo naman naisipang dito pumunta, huh?" Nagpipigil tawa kong tanong sa kanya, habang pumipila kami para bumili ng ticket.
Hindi ko nga lang alam kung magkano, yung atm kase ni Seven ibinigay niya eh.
Tsaka kailangan daw ng ticket, kase may iba't-ibang palaro daw dito para sa mga lovebirds na bisita. Siyempre, hindi ko din maiwasang maexcite!
Hindi man kami lovebirds, pero at least mukha kaming lovebirds.
Gaaa' ano daw?
Ano kaya ang mga pakulo nila dito?
"Frey recommended this dating park to me." Kinabahan agad ako pagkasabi niya sa pangalan ni Frey.
Nakuuuu! Wala talaga akong tiwala basta si Frey, ang may idea eh.
Pagkapasok namin sa park, ay sobrang namangha ako dahil-- gaaa'may mga rides din pala silaaaaa.
Not bad. Akala ko, kung ano ano ng nandito, since ang babaerong at may pagka addict sa ano, si Frey -- nagulat ako ng may mga naaninag akong ibat ibang klaseng rooms na parang Booth's at may building pa akong nakita.
Inakbayan ako ni Seven, at sabay kaming naglakad papalapit sa mga Booth's-- well mas malaki sila kesa sa normal na Booth's, pero Booth's nalang itaawag ko hehe. Bawat room/Booth's nayun ay may pangalang nakapaskil sa taas. May picture booth, kissing booth, marriage, sweet eatery, yung building na nakita ko ay dating building na hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga lovebirds na pumapasok doon, at marami pang iba. Pero hindi siya yung pang ordinary booths lang kase, ang gara ng dating ng mga Booth's dito.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_