DB FIFTY FIVE

388 19 0
                                    


Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Iniunat ko pa ang kamay ko bago umalis sa malambot na kama, at lumakad para isara ang bintana ng kwarto ko. Nang mahimasmasan, ay doon lang pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko, at doon ko lang napagtantong hindi ito ang kwarto ko sa condo, at sa bahay nina dad. Napalunok ako, at dali daling lumabas para tignan ang kasama ko.

Pero wala akong nakitang tao, sa sala at sa kusina.

"Nasaan ako?!" Nagpapanic kong tanong sa sarili ko. Bumalik agad ako sa kwarto kanina at kinuha ang bag pack ko, pati ang gitara ko at dali daling lumabas. Mabuti nalang at hindi naka lock ang mga pinto.

Pagkalabas ko, nanghina agad ang mga tuhod ko dahil hindi pamilyar ang lugar na ito sa'kin.

Nasaan ako? Isla ba 'to? Sa labas ng bahay, ay dagat agad ang mabubungaran mo. May mga punong niyog sa gilid. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at mahigpit kong hinawakan ang mga dala ko at patakbong lumayo sa bahay na'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam kolang sinusundan ko ang daan na una kong nakita. Hindi nagtagal may mga kaunting tao na akong nakikita, at mga bahay bahay. Nabuhayan ako ng loob, akala ko liblib ang lugar na'to.

Tumigil ako sa pagtakbo at sinigurado kung may sumusunod ba sa'kin pero wala na akong nakita. Dahil nadin sa hingal, dinahan dahan kong naglakad at napatigil ng may makita akong nagtitinda ng buko. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko at may nakapa akong 50 pesos. Makakaalis din ako dito, pero sa ngayon nag cecrave pa ako sa buko.

"Isa nga po kuya."

"Bente lang po." Ibinigay niya sa'kin ang sukli at isinilid ko agad ito sa bulsa ko baka kailanganin ko ulit mamaya. Wala pa naman akong dalang cellphone, hindi rin naman ako sigurado kung may cignal ba dito. Nang makita kong malapit na siya sa ginagawa niya ay naglakas na ako ng loob magtanong.

"Kuya, saan po ba 'tong lugar na'to?" Nagtataka naman siyang napatingin saakin. Bago kopa marinig ang sagot niya may bumuhat na agad sa akin ng parang sako, kaya nabitawan ko ang hawak kong gitara.

"Ano ba!!! TULOOOOONG!!!!!" Malakas na sigaw ko at pinagsusuntok ang likod ng taong bumuhat saakin. Hindi siya umimik, pero patuloy lang siya sa paglalakad, bitbit ng isang kamay niya ang gitara ko. Patuloy ako sa pagiging malikot, hanggang sa maramdaman ko ang pagtapik niya sa puwetan ko, na nakapag inis sa akin.

"GAGO!! ANG MANYAK MO!! BITAWAN MO AKO!!!!"

I heard him chuckled na nakapag patigil sa akin. Yung tawang yun, ang-- ang pamilyar na katawan na'to sa'kin.

"Oh why did you stop? Hmm?" Hindi agad ako nakasagot ng tuluyan ko ng marinig ang boses niya.

Hah!! I should have known! Sino paba ang pwedeng kumidnap sa'kin? Eh siya lang naman 'tong taong nasobrahan sa ka shelfisan!

Hindi na ako muli pang umimik, at hinayaan ko nalang siya kahit na nakakaramdam nanaman ako ng hilo. Kapag ba nag-ingay ako, ibababa niya ako? Hinde!

Napansin ko na ang nilalakaran niya ay ang dinaanan ko kanina, kaya hula kong pabalik na kami sa bahay na pinanggalingan ko. Pumikit ako at sinubukang mag-isip kung paano ako makakatakas sa kanya.

Naramdaman kong pinaupo niya ako sa isang malambot na sofa, pero hindi parin ako dumilat. Narinig ko siyang bumuntong hininga at umupo sa tabi ko, o sa harap ko. Hindi ko alam.

"I'm so sorry." Hindi ako umimik dahil kapag nangyari yun, baka kung ano lang ang masabi ko.

"Reign."

Ramdam ko ang titig niya sa'kin, at nakaramdam agad ako ng ilang. Hindi ko alam kung kailan noong huli niya akong tinitigan ng ganito kalapit, kaya ngayon naninibago nanaman ako.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon