Pagkapasok ko sa Starbucks, nakita ko agad si Hayden na kumakaway sa akin. Ngumiti ako at naglakad agad papalapit sa kanya. Dumeretso ako sa mesa niya, at umupo sa harapan niya."Sorry, masyado ba akong late?" He rolled his eyes.
"Yes." Alanganin akong ngumiti sa kanya, at humingi ng paumanhin.
"Pero ok lang, anubey! Kahit di mo sinasagot tawag ko kagabi! You even cancelled my last call." Parang nagtatampong sabi niya sa akin. Napakunot noo ako sa huling sinabi niya.
Cancelled? Eh hindi ko nga nahahawakan phone ko kagabi!
"Well, ang mahalaga andito kana. So gusto mo pa bang mag-order? O dederetso na tayo sa restaurant, para makapag practice kana?" Umiling agad ako, kakalunch lang namin ni Seven, kaya busog pa ako.
"Wag na. Busog pa naman ako eh."
"Ok then let's go."
Sumakay kami sa sasakyan niya at dumeretso agad sa Chinese restaurant, na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya.
T..teka ano nga bang pangalan nun?
Tatanungin ko na lang siguro si Sir Hayden mamaya.
Pumasok kami sa loob ng restaurant at sumakay sa elevator. Ngayon ko lang napagtanto na malaki pala ang restaurant nato. Dun sa first floor lang kase ako nakapasok noon. Tsaka Gabi nun eh, hindi ko rin napagtuunan ng pansin ang restaurant nato.
Tumingin ako kay Hayden ng pindutin niya ang 3rd floor.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa 3rd floor." Kibit balikat niyang sabi, kaya napangiwi ako.
Nagtatanong ako ng maayos eh.
Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya.
"Kidding! Sa music room." Sagot niya na kinagulat ko.
Ang sosyal!
Saktong bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at dumeretso sa isang pinto. Pagkabukas niya dito, napanganga ako dahil grabe! Ang laki ng music room nila. Complete instruments pa.
Umupo kami sa harap ng dalawang guitar at kinuha niya yung isa. Tsaka siya nagpatugtog ng medyo pamilyar na kanta.
"Pamilyar ka ba sa kantang to?" Tanong niya sa akin, pero umiling ako. Hindi ko matandaan, pero pamilyar talaga. Tumipa ulit siya, at nag hmm.
"I like you so much and you'll know it, ang title nito." Inabutan niya ako ng isang pirasong papel, kaya tinignan ko to. Napakunot noo ako ng mabasa ko ang lyrics. T..teka--
"Alam mo yung a love so beautiful na Chinese Movie? Eto yung team song nila." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Alam ko! Alam ko!" Agaran kong sagot sa kanya. Alam ko naman talaga kase isa ito sa mga paborito kong movie noon. Nakakainis lang dahil nakalimutan ko itong team song nila.
Kaya pala pamilyar sakin!
"Malamang pamilyar talaga sayo! Magtaka ako kung hindi, sikat na movie yan dito sa pinas noon eh. Nagtataka lang ako kung bakit di mo pa sinabi kanina na alam mo pala." Inirapan niya ako at umupo siya ng pambabae.
"N..nakalimutan ko kase." Mahina kong sagot sa kanya.
Sa dinami dami ng nasa isip ko ngayon, kaya siguro pati favorite kong movie nakalimutan ko ng very slight lang.
"O siya, total alam mo naman ang song nun. Basahin mo nalang muna yan,at subukan mong kantahin gaya ng tono nung ilike you so much din."
Tumango ako sa kanya at binasa ang lyrics, pag may hindi ako mabasa ay tinatanong ko sa kanya. Nang tuluyan ko na talaga siyang mabasa, pinakinggan ko muna ulit ang music nito sa cellphone ni Hayden.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomansaLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_