A.N; Yung Sta. Cala ay gawa gawa ko lang po. Baka kase magtaka kayo kung hindi niyo yan mahanap sa Cebu.
----
Napailing ako sa masayang papalayong si Nanay.
Gusto kong magalit, pero alam kong hindi dapat. Timpi lang Reign.
Maiintindihan naman siguro ni Seven, kapag nalaman niya na itininda ni Nanay ang pampasalubong niya.
Huminga ako ng malalim, at dumeretso na sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko.
Kailangan ko munang magpahangin sa labas.
"Reign." Paos na boses ni Seven agad ang bumungad sa akin, pagkasagot niya sa tawag ko. Umupo ako sa isang upuan na gawa sa kahoy, at tumingala.
"Inaantok kana ba?"
"Nope. I want to see you." Napangiti ako ng mahimigan ko, na may bahid ng pagtatampo ang boses niya. Gusto niya kase na mag FaceTime kami, kaso hindi kase malakas ang Cignal dito eh.
"Sorry na. A..ako din naman eh."
"Anong ikaw din? Hmm?" Napakagat labi ako sa tanong niya. Mang-aasar nanaman siya.
"N..na gusto din kitang makita." Pigil ang ngiting sagot ko sa kanya. I heard him chuckled, and then he sighed.
"Look up. Andaming bituin diba? Just imagine that I am the biggest star there, and I am watching you." Tumingin din ako sa langit at tama nga siya. Andaming bituin ngayon.
Meaning lang din niyan, na maganda ang araw bukas.
"Tapos ako yung medyo malaking star sa gilid mo, na anjan lang laji sa tabi mo."
Yung tipong kakayanin natin lahat, dahil sabay tayong lalaban.
Basta tiwala lang, at walang gagawa ng ikasisira natin sa isat-isa.
Can't help to smile at that thought.
"Hmm."
Wala ng umimik pagkatapos nun. Hindi namin pinatay ang tawag, kaya naririnig namin ang bawat pagbuntong hininga ng isat-isa. We stayed like that, but we didn't even feel bored. Yung parang kontento na kami sa ganung set up, habang nakatingin sa mga bituin sa langit.
--
"Nia naman lagi imong anak." (Andito na pala ang anak mo)
"Ka gwapa ba sa imong anak." (Ang ganda ng anak mo)
Ngumiti lang ako sa mga sinasabi ng mga kasama ni Nanay sa akin. Gaya nga ng sabi ko noon, hindi ako komportable sa mga papuri nila.
Sa mga papuri lang talaga ni Seven ako, komportable.
"Sus! Parang may nagbago naman sa kanya. O siya! San na nga ulit yung lakad natin?"
"Doon sa pwesto ni Mareng Klaring, balita ko andito na yung anak niyang galing abroad."
"Buti pa siya. Eh kung sana ay nag abroad nalang din sana tong palamuning batang to, eh di marami nadin sana akong pera ngayon." Nagtawan sila sa sinabi ni Inay pagkatapos ay umalis na sila.
Hindi manlang nila ako tinulungang bitbitin tong mga gulay na ipinapatinda nila sa akin.
Bumuntong hininga ako bago kinuha ang dalawang supot ng gulay. Siguro, kukunin ko nalang to mamaya.
Nilapag ko ang mga gulay sa pwesto ni Inay, at tatalikod na sana ako para kunin pa ang mga naiwan. Pero nagulat ako sa nakatayong lalake na nandito na ngayon sa harap ko. Bitbit niya ang mga naiwan kong supot na gulay kanina.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_