DB FIFTY FOUR

379 18 0
                                    


Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ko ng may marinig akong kumakatok. I smiled at dad when I saw him with a glass of milk, and greeted him good evening. Tinanggap ko ang gatas na inilahad niya sa'kin.

"Pasok po muna kayo."

"Huwag na. Drink that before you sleep okay? Hindi na ako magtatagal, kase hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit ko. Anyway, mag-ayos kana din ng mga gamit mo kahit kaunti lang, don't bother to get all your clothes, we'll go shopping when we are already in Canada."

"S..sige po."

"Alright, goodnight sweetie." He kissed my forehead, and then he went off.

Isinara ko na ang pinto ko at kinamot ang batok ko habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng mga temporary clothes.

Binuksan ko ang pink na closet sa harap ko, at puro gamit pangbata ang nadoon.

Aissshhh!!!

Nanlulumo akong napa-upo sa kama ko. Yung mga gamit ko kase-- nasa condo! Oo nasa condooooo.

Tumayo ako agad at nag-ayos para magsuklay. Kinuha ko ang basong may gatas at ininom ito bago binitbit palabas. Wala na akong nadatnan na tao sa kusina pagkadating ko doon. Hindi nadin ako nag-abalang mag paalam dahil saglit lang naman ako doon. Pagkalabas ko sa bahay, nadaanan ko ang garage at sobrang nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang isang mountain bike, sa may gilid.

I'm sure dad wouldn't mind if I'll use it. Ipapaalam ko nalang mamayang pagbalik ko.

Inopen ko ang gate ng dahan dahan, para ilabas ang bike at dahan dahan ulit itong isinara. Mabuti nalang at hindi siya gumawa ng ingay. Pagkasarang pagkasara ko ay sumakay agad dito at mabilis na pinatakbo. Lahat ng mga nadadaanan kong bahay ay puro malalaki at walang mga maingay. Siguro nga ganyan talaga kapag mayaman, dahil sa sobrang busy nila sa mga take hoom works nila, o gadget's hindi na nila nagagawang magkaroon ng  bonding sa kanilang mga pamilya, kaya ni ingay o tawanan nila ay 'diko marinig.

Umiling lang ako sa naisip ko at dinahan dahan na ang pagpatakbo, ng malapit na ako sa may gate ng subdivision.

Ngumiti sa'kin ang guard at ngumiti din ako pabalik.

"Saan ho kayo Ma'am? Gabi na."

"May kukunin lang ako sa labas, hindi naman po ako magtatagal."

"Ganoon po ba ma'am? Mag-iingat po kayo, sana ay nag kotse nalang kayo." Nakangiti pero medyo naiilang na sagot niya sa'kin. Napakamot nalang ulit ako sa batok, at ngumiti sa kanya.

"Hindi ako marunong mag drive manong eh."

"May driver naman po yata kayo." Tingin ko, ganito na talaga ang guard na'to sa mga taga rito.

"Hinde okay lang. Sige po, mauuna na ako." Kumaway ako sa kanya bago ko ulit pinatakbo ang bike, at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Mahaba habang pag babike ang nangyari at habang papalapit ako sa condo, ay unti-unti ding nag sisink-in sa utak ko na sa condo ako nina Severn papunta.

Napapreno agad ako at hindi alam kung tutuloy paba o babalik nalang.

Hindi ko alam kung ang pagpunta ko ba jan, ay magkakaroon ng magandang dulot o hindi magandang pangyayari.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa hawakan ng bike, at mariing tumitig sa gate ng condominium.

Paano kung pagpasok na pagpasok ko, makikita ko siya agad? Ano kaya ang magiging pakiramdam ko kapag nakita ko na siya, pagkatapos ng lahat ng nalaman ko? Alam na kaya niya na alam kona? May pakialam paba siya? Mag-eexplain ba siya? Ano pang i-eexplain niya? Eh alam ko na lahat. Alam ko na nga ba? Eh, paano yung side niya? Wait-- importante pabang malaman ko 'yon? Paano kung lahat ng mga sasabihin niya puro nanaman kasinungalingan? Paano din kung hinde?

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon