DB NINETEEN

577 28 1
                                    


Saturday na, at mamayang gabi na ang welcome party ng mama ni Frey. Buti nalang pumayag si Miss Juday na magshishift muna ako ng time pansamantala ngayong umaga.

"Hindi ka ba nahihirapan sa course mo prenn? Para sakin kase napaka hectic ng course mo, tapos nag woworking student ka pa." ngumiti ako kay Lianne.

Hindi ko siya masisisi, kase tama naman talaga siya eh. Ako nga nahihirapan, pero buti nalang andyan si Seven minsan para tumulong sa mga reports ko. Hindi madaling mag nursing, lalo nat kailangan ko pang I maintain ang grades ko. Alam niyo na, iskolar eh. Atsaka pumapasok ako sa ibat ibang trabaho para may ipambabayad na ako sa condo ko.

"Alam ko yun Lianne. Pero kailangan eh, at alam kong kakayanin ko to." nagulat ako ng hinampas niya ako. Gaaa' ang sakit niya manampas!

"Ehhh naman prenny eh! Nakakaasar ka! Napaka masinop mo. I'm so proud of you. Haha oh dba? English yun." psh! Baliw talaga tong babaeng to.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant, baka kase dumami na ang mga costumers ng hindi namin namamalayan. Nahagip ng paningin ko si Finn na nasa pinto ng kusina, at nakatitig sa akin. Ngingitian ko sana siya ng bumaling ang tingin niya sa legs ko.

Bumaling ulit sa akin ang tingin niya. Naaasiwa ako sa titig niya kaya nilihis ko ang titig ko. Umayos rin ako ng pag kakaupo. Hindi ko alam kung bakit ganun siya makatingin kanina. Hindi naman kase siya ganyan dati. Pero aaminin kong, ayoko nung titig niya. Naaalala ko lang ang step father ko.

"Prennnnn!! Nakatitig sakin si Finn." Natuon ang pansin ko kay Lianne dahil sa biglaan niyang pagtitili. Hindi ko nanaman naiwasang mapatingin sa pwesto ni Finn.

Ang lagkit niya parin tumitig sa a...akin. Umiwas nanaman ako ng tingin. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganyan dati ah!

"Feeling ko talaga may hidden desire yan sakin eh." napa hinga ako ng malalim sa sinabi ni Lianne.

"Umayos ka nga! Nakakahiya ka, mate turn off yan sayo. Sige ka!" pilit ang ngiti at boses pang-aasar ko sa kanya.

Baka naman, prank lang ni Finn yun. Kaibigan ko na siya kahit papaano. Kaya impossible tong mga maling naiisip ko sa kanya.

"Hala oo nga." at dali dali siyang umayos ng upo. Inayos niya rin ang buhok niya tsaka ngumiti ng pabebe kay Finn. Napailing nalang ako sa ginagawa niya at uminom sa moo ko.

Gaaa'. Nahawa na ako sa kaadikan ni Seven sa moo. And speaking of the Devil tumatawag siya, kaya sinagot ko agad.

"Come here."

"Sa-- nak ng! Pinatayan ako!"

Ano yun? Tumawag lang para papuntahin ako sa unit niya?! No way! Kaya tinext ko nalang siya.

"Wag kang istorbo! May trabaho pa ako."

Sent!

Bago pa makapag reply at magreklamo si Seven, inoff ko na ang cellphone ko.

"Sinetch?"

"Seven." umilag ako ng akmang babatukan nanaman niya ako.

"Boyfriend mo??! Akala ko ba aral muna?? Ano nangyari??." napairap nalang ako sa pagka exaggerated niya.

"Buddy ko."

"Sus!! Jan nagsimula yung mga tambay sa kanto namin nun eh." pang-aasar niya.

Pero imbes na pinatulan siya, inubos ko nalang ang moo ko. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

Tinignan ko ang oras ko quarter to 4 na pala, kaya pumunta na ako sa locker namin para mag palit.

Habang nagpapalit, kinilabutan ako dahil pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na.

"Lianne, una na ko." pag papaalam ko sa kanya, hanggang 5 pa kase siya.

"Sge, ingat prenn."

Pagkalabas ko sa kitchen, nakasalamuha ko si Finn.

"Aalis kana?" nakangiti niyang tanong, kaya tumango ako.

"Ingat ka Reign."

"Sge, kayo rin." nagpaalam agad ako sa kanya ng nakita kong tumatawag nanaman si Seven.

"Bakit?" kunot noong sagot ko sa kanya. Hindi naman halatang atat siyang makita ako no?

"Your makeup artist is already here."

"H..huh?" make up artist? Akala ko ako na mag-aayos sa sarili ko?.

"Psh. Just go home already. Faster." ayan nanaman siya. Atat talaga!

"Miss mo na agad ako?"

"Yes." Agad niyang sagot kaya napa 'huh' naaman ako.

"S..sge na nga! Eto na pauwi na nga eh."

"Take care." Saka niya ako pinatayan ng tawag.  Napasimangot nalang ako. Andaming nagsasabing mag-iingat daw ako. As if namang may kukuha sakin.

Dumeretso agad ako sa unit ko pagkaapak ko sa floor namin. Kailangan ko pa kaseng maligo. Pagkatapos kong naligo nagpalit agad ako, at lumabas ng unit ko. Nagulat ako ng nadatnan ko si Seven sa labas ng pinto ko. Nilapitan niya agad ako, pagkakita niya sa akin.

Tinitigan niya muna ako bago siya bumuntong hininga.

"Halika na." he then held my hand pero hindi ako kumilos.

"H..huh?" h.ha..halikan na??? Teka akala ko ba nagmamadali kami? Eh bat humihirit pa siya ng kiss??

"What?!"

"Kailangan ba talagang mag paalam ka pa?" kumunot ang noo niya. Huh? Anong mali sa tanong ko??

"What are you thinking?? I said let's go. Tss naughty girl." He chuckled.

Namula ako.

"Sa iba pagkakarinig ko eh! Linawan mo kase!" Singhal ko sa kanya.

Umiling iling lang siya. Nadatnan namin yung sinasabi niyang mag memake up daw sakin.

"Dun lang ako sa room mo. Gagamitin niyo kase ang room ko."

"Okay." Pinanuod ko si Seven na umalis, bago humarap sa mag memake up sakin.

"I'm Yrikah. Your makeup artist for today." ngumiti siya sakin.

"Nice meeting you too. Ako po si Reign."

"Haha yeah. I already know you. Kaibigan ko ang brother ni Severn." Pinagmasdan ko siya habang ngumingiti. Ang ganda niya naman. Dark brown eyes, maputi, medyo may kaliitan ang height pero sexy, mahaba din ang unat na unat ng black niyang buhok.

"Wow. Makeup artist talaga ang trabaho mo? Para ka kaseng artista." tumawa siya sa tinuran ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa kwarto ni Seven, andun kase yung malaking mirror eh.

"No. I'm a fashion designer, pero dahil maalam ako sa pag memake up ako na tinawagan ni Severn. Well, ok lang naman sakin yun, total parang kapatid ko narin yun kahit sobrang sungit." nagtawanan lang kami.

So fashion designer din pala siya, kung ganon bakit di siya yung kinuha ni seven na gumawa ng gown ko? Ah! Ex nga rin pala ng kuya niya yun, at close na din siguro sila.

"Anyway, yung gown mo nandito na. In fairness ang ganda ah? Pero bat dika sakin nagpagawa?" Tanong niya sa akin habang sinisimulan na niya akong ayusan. She even pouted.

"Hindi ko rin alam kay Seven eh."

"Kanino ba kayo nagpa gawa?"

"Kay Miss Park. Ex nung kuya ni Seven." Naramdaman ko ang saglit niyang pagtigil pagkabanggit ko kay Miss Park. Bakit kaya? Probably they are not in good terms?

"Ah. Is that so? Anyway ang ganda naman ng kutis mo." Paglilihis niya sa usapan, pero diko nalang yun pinansin.

"Hehe. Mas maganda ang sayo."  I can't say "thank you" to her. Pinupuri niya kase ako, at nahihiya akong mag thank you.

Nagkwentuhan lang kami habang inaayusan niya ako and believe me if I say this. Miss Yrikah is so fun to be with. Joker siya, kahit hindi halata sa mukha niya. And I really hope kung ano man ang mayroon sa kanila ni Miss Park, ay maaayos din nila.

•••••••••••••••
•••••••••

adorableG

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon