Dedicated to arixxnity and MaryD_28 thank you so much for voting and reading my story.☺️💙😘 Hope you like it.
--"Wanna play, chasing the cat? If you win then I'll give you the favor, but if you lose-- give me back my flower."
I gritted my teeth as I read his threat! No! I will never ever let him get my princess! She's mine! If being selfish is my only choice again, then so be it. I'd rather be called a greedy man, than to let her go.
-----------
Sinalpak ko ang earphone ko sa tenga ko at sumandal sa kinauupuan ko. Wala akong katabi ngayon dito sa bus, kaya solong solo ko ang upuan. Tumingin ako sa labas at pinanood ang bawat bahay na madadaanan namin.
Naalala ko nanaman yung pangyayaring yun kagabi. I asked Seven if that is a threat, pero umiling lang siya. Sobra akong nangamba dahil hindi ko alam kung para kanino yun, kung sa akin ba o sa kanya. Pwede naman nilang ilagay yun sa room ko o room ni Seven, pero hindi eh. Sa gitna pa nila nilagay.
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may hindi magandang mangyayari. Kitang kita ko kung paano galit na galit na ibinato yun ni Seven. Pero sabi niya magiging okay lang daw ang lahat, basta huwag daw akong masyadong magtitiwala sa ibang tao. Hinatid niya pa nga ako sa airport kanina, for my safety daw. He even make me promise to trust him, pero kahit naman hindi niya sabihin yun. Magtitiwala parin ako sa kanya.
Wala akong alam kung sino ang pwedeng nagbigay nun sa amin, dahil wala pa naman akong nabalitaan na nasangkot si Seven sa gulo, o dikay napaaway. Pero sana naman prank lang yun.
Pinikit ko ang mga mata ko ng makaramdam na ako ng ng konting pagod. Inaantok panga ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi.
"Sta. Cala! Sta. Cala!" Napadilat ako ng marinig ko ang malakas na boses ng driver. Kahit na inaantok ay kinuha ko agad ang mga gamit ko, pati na ang binili ni Seven na pampasalubong ko.
Pumara ako ng isang trycicle, dahil medyo may kalayuan pa dito ang bahay namin. Natuon ang pansin ko sa mga bahay dito, ng karamihan sa kanila ay nabago na. May nakikita na din akong mga bagong tayong tindahan.
Pitong buwan palang akong hindi napunta dito, ang dami na agad ang nabago.
I smiled at that thought.
"Bayad po."
"Salamat langga." (Langga -ineng) Ngumiti ako sa kanya, at kinuha ang mga dala ko.
"Walang anuman po."
Linanghap ko ang sariwang hangin dito. Nakakamiss talaga ang katahimikan ng lugar na to.
Pero dahil yata andito ako, magiging maingay nanaman dahil palagi akong bubungangaan ng Nanay ko. Sa sobrang ayaw niya sa akin.
"Maayo kay nia naka!" (Translation: Mabuti naman at nandito kana.) Napadako agad ang tingin ko sa babaeng nakapamewang sa labas ng katamtamang laki ng bahay, at may hawak hawak na walis.
"N..nay--" Sinalubong ko siya ng may ngiti sa labi. Kahit papaano naman ay namiss ko siya.
"Ano to?" Nawala agad ang ngiti ko ng hindi niya manlang ako binati, dahil ang una niyang napansin ay ang hawak kong pasalubong.
"Abaaa-- at san ka kumuha ng perang pinambili mo ng mga ito?" Kinuha niya ang supot at pumasok sa bahay namin.
Okay. Mas mahalaga ang pagkain eh.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_