DB THIRTY THREE

467 28 0
                                    


Napatulala ako sa sinabi niya.

A..ano?? All this time... S..sina seven pala may-ari nun?

Kumirot ang dibdib ko sa narinig ko. H..hindi niya ba kayang magtiwala sa akin? Anong mawawala sa kanya kung sinabi niya nalang?

"Tsaka alam mo bang ang mahal ng bili ng condo nila? 4.5 million. Buti nalang si Dad bumili sa condo ko talaga ngayon kung hindi, naku!! Nagastos ko na ang pero ko sa bank ko."

Nanlalaki Ang mga mata ko sa sinabi niya. 4.5 m.. million?!!

"A..ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Pero 100,000 ang p..pagbili ko nung s..saken!

"Sabi ko--" wala na akong narinig sa mga sinabi ni Lex sa akin. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang bag ko at tumayo.

"T..teka where are you going? Gutom pa ako eh." Pinigilan ko si Lex ng akma na rin siyang tatayo.

Sorry hindi ko muna pwedeng sabihin na wala akong kaalam alam sa mga pinagsasabi niya.

"K.. kailangan ko munang mapag-isa please." Nagtatakang tumingin siya sa akin.

"M..may nasabi ba ako? Reina namaaan." Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tumalikod.

Doon ko lang nailabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nagmukha nanaman akong tanga!

Ang sakit lang. Ayan kase eh! May pa condo condo pa akong nalalaman! Ni hindi ko nga alam ang presyo nun. Basta tinaggap ko nalang ng basta basta.

Ano bang malay ko sa mga condo nayan? Anak mahirap nga ako diba? Pero sana naman sinabi nalang sa akin nina Miss Juday na 4.5 million nalang ang halaga nun. Anong mapapala nila sa pagbaba ng presyo ng condo ko? P..pinagtitripan niya ba ako?!

Oh ayan na nga! Nagmukha na akong tanga!

Napadpad ako sa likod ng Fy Mall. Nakakagaan sana sa pakiramdam ang ganda ng garden nato kaso sa ngayon hindi muna eh. Umupo ako sa isang bench at tahimik na umiyak.

Naiinis na nagagalit din ako kay Seven. Bakit hindi niya nalang inamin sa akin na sa kanila pala yun? Pero anong karapatan kong magalit? Ano ngayon kung hindi niya sinabi? Hindi din naman ako nagtanong diba??!

Pero sana naman sinabi niya nalang ng kusa. Wala ba siyang tiwala sa akin? Bakit niya pa hiningi ang tiwala ko, kung siya nga walang tiwala sa akin?

Tinuring niya ba talaga akong kaibigan? Ano ba ako sa kanya? Dahil ba sa mahirap lang ako?

Ang dami kong gustong tanungin sa kanya. K..kaso may part sa akin nagsasabing , ano naman kung sila may-ari?

"Reign."

Hindi ako tumingin sa kanya. Nanatili lang akong nakupo at nakatungo. Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko.

Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito ang mukha! Aasarin nanaman niya ako.

Pinilit kong punasan and mga luha ko, pero bay ayaw maubos? Naiinis na ako ah! Bat ba ako umiiyak? Kase nasaktan ego ko? Kase nagmukha talaga akong tanga? O dahil sa narealize kong, hindi pa ako lubos na pinagkakatiwalaan no Seven?

"Ganda ganda ng mata mo, tapos sinisira mo sa kakaiyak mo?" Napatingin ako kay Kinsley dahil sa sinabi niya. Ayan nanaman ang mga luha ko! Bat ayaw kaseng tumigil eh!

"Sshh. Tahan na." Pinunasan niya ang mga luha ko kaya napatitig ako sa kanya. Salubong rin ang mga kilay niyang nakatingin sa akin.

"H..hindi mo naman ako kailangang patahanin. P..pwede ka ng umalis." I know I sounded rude para ipagtabuyan siya, sa kabila ng pagsama niya sa akin. Pero hindi pa ako handang mag kwento. Nahihiya rin ako sa kanya.

"Hindi mo bagay umiyak. Ang taray taray mo sakin tapos iyakin ka naman pala." Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Parang wala nga lang to sa kanya eh.

"Favorite spot ko to, alam mo yun?" Tumingin ako sa kanya ng may pagpapaumanhin.

"S.. sorry." Tumayo ako at kinuha ulit ang bag ko.

Hahanap ako ng lugar kung saan walang makakakita sa akin.

"San ka punta?" Parang batang tanong niya sa akin, ng pigilan niya ang kamay ko.

"Sa ibang lug--"

"Dito kana." Napaupo ako sa tabi niya ng hilahin niya ako at akbayan. Ang awkward sa feeling pero hindi din naman ako makalayo.

"Wag kang umiyak dito. Sabi ng kakilala ko, pumapangit din daw ang lugar nato pag may umiiyak." Pinunasan ko ang tumakas na luha sa kaliwang mata ko.

"K..kaya nga ako aalis nalang diba? Para hindi na magiging malungkot ang lugar nato. N..nakakahiya naman sa kakilala mo." Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko, kung bat siya tumawa nalang bigla. Pagkatapos ay sumeryoso siya.

"Pero alam mo ba yung isa pa niyang sinabi? Kaya daw ito nalulungkot dahil nakikisimpatya daw siya. Okay lang naman na umiyak ka dito, basta siguraduhin mo lang na pagkatapos mong umiyak. Ipapangako mo sa lugar na to na hindi kana iiyak."

Napahikbi nanaman ako sa sinabi niya.

I don't think I can make that. Hindi maiwasan ang umiyak, lalo na at hindi natin alam kung kelan dadating and mga problema natin sa buhay.

"Alam mo bang ang may-ari ng Mall nato ay ang first love ko, at first heartbreak narin at the same time." Napakurap ako sa sinabi niya.

"She's 5 years older than me." Grabe! Age doesn't matter talaga.
Tinitigan ko ang mukha ni Kinsley, he looks hurt and contented. Eh? C.. contented? Hurt? At the same time?

"It took years before I finally move on. Natanggap ko rin naman na hindi talaga kami para sa isat-isa. Narealize ko din na kung mahal mo, handa kang magparaya. Dadating din ang time na makikilala mo ang right one sayo." Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko alam pero namamangha ako sa mga pinagsasabi ngayon ni Kinsley. Hindi halata sa personality niya na ganito pala siya pagdating sa pag-ibig.

"Mahirap lalo na at mahal mo ang papakawalan mo, but masaya rin dahil pag naka move on kana, masasabi mo nalang balang araw na.. I'm proud of myself! Hindi ako nagpaka selfish, kaya ngayon masaya na muli ako." Inipit niya sa tenga ko ang buhok ko ng umihip ng malakas ang hangin.

"And so you are. Kung ano man ang problema mo ngayon, malalagpasan mo din yan. Just believe in yourself."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. We are both suffering in different situation, but we believe we can get through out of this pain.

"Thanks Kinsley." Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

"You're welcome."

Nagkwekwentuhan lang kami saglit ng may dumating na waiter galing dun sa fast-food, at may hawak na dalawang gallon ng ice cream.

Binigay niya ito kay Kinsley pagkatapos ay umalis din agad siya.

"Here." Nagtaka ako ng ilahad niya sa akin ang isang gallon na may choco flavor.

"Sabi ng kakilala ko, ice cream can lessen our pain so you should try it too." Nakangiting sabi niya sa akin.

Bukambibig niya ang kakilala niya kuno ah? Is she his first love? Mahal niya pa kaya? Kung hindi, bat lagi niyang sinasabi?

"Thanks." Ngumiti din ako sa kanya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kanya, dahil sa mga advise niya kanina. Alam kong pansamantala lang to, pero gusto ko munang sumaya kahit ngayon lang.

"Ubusin mo yan ah? Ang hindi mang-ubos, siya manlilibre next time."

Buong magdamag lang kaming nag kwentuhan, at kumakain ng ice cream doon ni Kinsley. Pero sa buong oras na iyon, hindi siya nagtanong kung bakit ako umiyak. Na siya namang pinag papasalamat ko.

•••••••••••
•••••••

adorableG

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon