Nagising ako ng mag-ingay yung alarm ng phone ko.
"MORNING BUDD! TIME TO COOK FOR OUR BREAKFAST!!"
"MORNING BUDD! TIME TO COOK FOR OUR BREAKFAST!!"
"MORNING BUDD! TIME TO COOK FOR OUR BREAKFAST!!"
Paulit-ulit lang na ganyan ang sinasabi.
"Severnnnnnn!!!!" Sigaw ko sa inis kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Boses niya ang nasa alarm ko, kaya siya rin panigurado ang nag set nito. Doon ko lang din napagtantong andito na ako sa kwarto ko.
Hinatid niya siguro ako kagabi.
Dahil di na ako makatulog, napagpasyahan kong bumangon na at maghilamos. Chineck ko pa kung anong oras na at 5:00 am palang.
Aish! Ang aga ng sungit at babaero nayun mambulabog!!!!
Sa kakasama ko sa kanilang magkakaibigan, doon ko din napagtantong may pagkababaero si seven. Pero di daw siya tumatanggap ng commitment. He only treat them as a sex flavor of the day kapag boring siya. Hindi sa palagi, na gaya ni Frey. Minsanan lang ang kanya.
Nagluto agad ako ng ham, fried rice, egg, hotdog at gumawa ng sandwich pagkadating ko dun. Ngunit naluto ko nat lahat di parin nagigising si Seven.
Kaya padabog akong pumunta sa room niya at ang mokong ang sarap pa ng tulog! Nakadapa siya at walang t-shirt. Kaya kitang-kita ko ang sexy niyang likod.
Nilibot ko ang paningin ko sa room niya, nagbabakasakaling may makita akong kalat pero wala. As in wala! Kung gaano kalinis ang sala niya double yun dito sa room niya.
Pero nung unang beses ko palang siyang pinatuloy sa unit ko, at sobrang dumi at kalat nun dahil sa pagwawala ko, sabi niya 'ok lang daw kase ganun din naman daw tong unit niya' tss tss sinungaling!
(Yan yung nasa chapter Seventeen)Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at sinundot ang pisngi niya para magising siya. Well gawain ko na to pag di siya nagigising. Ng magsawa ako kasusundot sa kanya. Pinisil ko gamit ang dalawa kong kamay ang magkabilang pisngi niya.
"Gisiiiiing----aray Seven!" Napatili ako ng hilain niya ako kaya napahiga ako sa tabi niya. Iniyakap niya ang isa niyang kamay sa bewang ko. Pero di parin siya nag chechange ng position. Ramdam ko rin ang normal na init ng katawan niya dahil nakalapat ang kamay ko dibdib niya.
"Oy! Gising!" Minulat niya ang isa niyang mata tsaka ngumiti. Pero di parin siya nag sasalita.
"Baka lumamig yung niluto ko! Bitaw na" nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Ayaw." Aish! Hardheaded!!!
"Bitaw!"
"No!" I sighed.
"Dy" maamo kong sabi.
"Budd?"
"Tsk! Seven!"
"Reign!" Abaaaat!!!
"Severnnnn!!!" Narinig ko siyang tumawa at tumama pa sa mukha ko. Amoy mint kahit kakagising palang.
"Tulog pa tayo Budd. Aga pa. 9 pa start klase natin hm?? Now sleep reign. I know you're still tired."
Hinigit niya ako lalo palapit sa kanya, kaya na napayakap ako sa leeg niya. Dala na rin siguro ng pagod ko pa kagabi ay nakatulog agad ako.
--
"What's up? Reign." Ngiting ngiti si Kinsley sa harap ko habang nakatingin sa akin, kita ko yun sa gilid ng mata ko. Habang natingin lang ako sa labas.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_