A/N; Sorry sa hindi pag-uupdate. Wala kaseng signal sa pinuntahan namin eh. So heto na nga ang DB 44.
ENJOY READING BB.☺️
------
"Shut up!!"
"Wow! English yun ah?"
Kinurot ko ang kamay ko at umiling. Timpi lang Reign! Kapatid yan ng mayor dito.
Huminga ako ng malalim, at pinilit na huwag pansinin ang bwisit na taong nasa tabi ko.
It's been a week simula ng nandito ako, at isang linggo na din akong hindi tinatantanan ng taong to. Simula din ng malaman ni Nanay na kapatid siya ng Mayor, ay todo tulak na siya sa akin papalapit kay Li.
Wala din naman akong magawa dahil, kahit nasa harapan namin ang taong to ay napapagalitan parin talaga ako ni Nanay. Sa buong linggong din yon, ay lagi lang siyang nasa tabi ko kahit saan ako magpunta. Maliban siyempre sa kwarto ko.
Kasama ko rin siya palagi sa pagtitinda, at hinahayaan ko nalang siyang makialam sa mga paninda. Kapag kase pinansin ko pa ang mg ginagawa niya, ay mas lalo lang magtatagal ang usapan namin at yun ang iniiwasan ko. Kapag alam ko ng masyado ng tumatagal ang asaran namin, ay umiiwas na ako.
"Magkano po tong talong." Pabebeng tanong ng isang dalagita kay Li, pero hindi ko nalang sila pinansin. Medyo nasasanay na din ako sa pakikitungo ng mga babaeng bumibili dito, kapag si Li ang nagtitinda. Matanda man, bata o dalaga ay ganyan sa kanya. Kaya nga palagi nalang ubos ang paninda ko dahil sa kanya. Pero hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya, at hindi ko alam kung magpapasalamat pa ba ako?
Hindi ko naman hiningi ang tulong niya, dahil kaya ko namang magtinda ng mag-isa. Sanay na ako sa mga ganitong trabaho, pero hindi ko maitatanggi na dahil sa kanya medyo nababawasan ang mga trabaho ko. Kaya kahit hindi ko hiningi ang tulong niya, ay magpapasalamat parin ako.
Pero hindi muna sa ngayon.
Gaya ng dati, mabilis natinda ang mga gulay kaya ngayon ay nagliligpit na ako ng mga kagamitan. Napatingin ako sa pawisang si Li na nakaupo, malapit sa akin. May kausap siyang dalawang dalaga, at ang isa ay pinupunasan pa siya kaya napailing nalang ako.
Sana sila nalang ang nilapitan, at tinutulungan nitong lalakeng to. Hindi yung sakin niya pinagbubuntungan ang pagkabored niya.
"Oh? Aalis na tayo?" Tanong niya sa akin ng dumaan ako sa harapan nila, pero hindi ko siya sinagot. Alam ko din namang susunod yan.
"Hindi mo nanaman ba ako sasagutin?"
"Sinasagot kita."
"Talaga?" Hindi nanaman ako sumagot sa tanong niya. Kinuha niya ang basket na hawak ko tsaka ako inakbayan.
"So tayo na." Mahihimigan ang saya sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit ang saya niya sa simpleng sinabi ko.
Tumango nalang ako sa sinabi niya, na siyang kinatigil niya. Kaya napatigil din ako.
Bakit? Anong meron? Aalis naman na talaga kami diba?
Kumunot ang noo ko ng may napagtanto ako. Don't tell me--
"Seriously Re--" inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin.
"Iba ang pagkakaintindi mo sa mga sinagot ko."
Nawala ang ngiti niya, at bahagya pang sumimangot. Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Naramdaman ko naman agad ang pagsunod niya, at pagtabi sa akin.
"Paasa ka. You're a bad girl. I mean-- lady?" Inakbayan niya ulit ako pero this time, hinayaan ko nalang dahil kahit alisin ko yan ibabalik at ibabalik niya parin.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_
