DB FOURTEEN

722 44 0
                                    


Nakatingin ang lahat pati narin ako kay Kinsley na siyang naghihintay sa sagot niya, pero walang may gustong sumagot.

"Aren't you guys going to answer me?" taas kilay niyang tanong. At nagsipag-iwasan ng tingin ang mga estudyante. Para silang mga takot umamin at tignan ang galit na ngayong si Kinsley.

"What?!!! Now?"

Ngayon alam ko ng hindi lang sa pagyayabang magaling tong si Kinsley. Well, hindi naman siya magiging President ng Council kung hinde.

Tumingin ako kina seven at ayun saktong binitawan niya na ang collar ni Frey.

"I'm warning you Frey" huling sinabi niya bago siya lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko tsaka hinigit para umalis.

"Severn where are you going?! I'm not done here yet!" Sinulyapan ko si Seven pero deretso lang ang tingin niya. Wala siyang pake-alam kahit nagsusumigaw na si Kinsley sa pagtawag sa kanya.

"Severn come back here! You shit!!!" 

"Seveeeeeeern! Don't dare turn your back on me ! I'm your fcvkng President!!!"

"Severn!!!"

Derederetso lang ang lakad niya at wala akong magawa para mangontra, kahit nasasaktan na ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa wrist ko. Total kasalanan ko din naman kung bat nangyari yun.

Hindi ko narin nagawang magtanong ng napansin kong iba ang tinatahak naming daan. Umakyat kami say hagdan ng BAM building hanggang sa makarating kami sa isang pinto. Sinipa niya ito at dun ko lang napagtantong andito pala kami sa rooftop.

Napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang tignan siyang magalit. First time kong makita ang side niyang ganito at nakakahiya mang isipin na ako pa ang dahilan. Ako ang dahilan ng pag-aaway nilang magkakaibigan, at ako ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon.

"S..even I'..m sorry" hinging paumanhin ko sa kanya habang nakatungo. Hindi ko narin namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil naguguilty ako.

Severn lifted up my chin at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Look reign I'm so sorry if I hurted you" hinging paumanhin niya at dinikit ang noo niya sa noo ko. Our nose are almost touching. Nararamdaman at naamoy ko na din ang mabangong hininga niya.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry seven. Ako ang may kasalanan kaya kayo nagkaroon ng conflict nina Frey at Weyn sa isat isa." hindi ko namalayang pumatak nanaman ang luha ko. I just can't help it. Ako ang nasasaktan sa kalagayan nilang tatlo ngayon.

Kahit hindi man sabihin ni seven. He cares for his friends. Kita ko yun kahit palagi silang nag-aasaran. And now I think I just broked their friendship. What a shame! Wala akong kwentang buddy ni seven.

"Ssh! Wag na tayong magsisihan. It's not also your fault. We both don't like this." hinawakan niya ang dalawang kamay ko, and he was about to kiss my hand when I heard him gasped. He probably saw my wrist.

"R..reign? I..is this my fault?!" Tanong niya  at nagsisimula na siyang mag hysterical.

"Seven hindi mo naman si--"

"No! I dragged you and it's my fault. I should have noticed that you're already hurting."

"Pero malayo naman to sa bituka eh. Hindi naman ako nasaktan--"

"Yes you are!" hinawakan niya ang pisngi ko.

"You're hurt and I can't stand that fact! I'm so sorry." I sighed.

"Oo na! Pero di ka dapat sakin magsorry. Magsorry ka kina Weyn lalo na Kay Frey. Kaibigan mo parin sila, ayokong ako ang dahilan kung bat kayo ganito ngayon although ako naman talaga ang may kasalanan." This time ako naman ang humawak sa pisngi niya. Tinitigan ko ang mga magagandang mata niya at hindi ko mapigilang ngumiti.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon