I felt him stiffened. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Inalis niya naman ang mga kamay niya sa mukha ko, at hinawakan ang balikat ko."L..let me explain Reign." Nagsusumamo ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, kaya tumingin nalang ulit ako sa mga kamay kong nakahawak sa baso. Tumango ako at hindi na muling umimik.
Kailangan kong malaman ang mga dahilan niya. Ito naman ang gusto ko eh. Kase ito lang ang tanging paraan para masagot na yung mga bumabagabag sa akin.
"I was so happy that I finally found you. But then nung kukunin na sana kita, something happened. Hindi pa alam ni mom noon na nahanap na kita dahil gusto ko sana siyang sorpresahin. One time ready na ako na puntahan ka pero tumawag yung private nurse niya and she said that mom wants to talk to me. She's so disappointed kase dahil sa kapabayaan ko sa company, unti unti itong napabayaan and my mom really need money that time, because she had been hospitalized since you'd gone. The only thing I could do is to raise my company again. Wala akong ibang maaasahan noon, dahil busy din ang mga kaibigan at kamag-anak ko. I don't want to beg money to them if I can provide my own for mom."
"I..I decided not to get you from Mainn-- dahil alam ko na hindi naman niya kayang pumatay ng bata, and I was sure that time kase may sinend akong agent to look after you. Galit ako kay Mainn-- oo, dahil kung hindi niya ginawa 'yon sana buhay pa ngayon ang mommy mo, at buo pa tayo. But then whenever I think of putting her in a jail, that scene that I killed our baby, makes me want to think that this is all my karma. This were all happened because of my sins."
"Every month, pumupunta ako sa inyo para bisitahin ka kahit nasa malayo lang ako. Sa school niyo dati, isa yung principal mo sa mga naging look out ko. Kahit malayo ka anak hindi kita pinabayaan, pwera nalang minsan sa mga pananakit sayo ng Nanay mo. I'm sorry wala akong nagawa noon. I'm so sorry."
"Years past when you are already 9 year's old, sinabi sa akin ng Principal mo na may camping kayo, kaya sumunod din ako sa inyo. Naligaw kapanga noon eh, and sinadya kong pumunta sa kinatatayuan mo noon yung cat na natagpuan din namin mismo doon, noong nag hiking kami. And you were so happy way back then." S..si ranger? Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya.
"Yes you called him Ranger." He chuckled, doon ay napangiti na din ako. Naalala ko nga na sobrang saya ko noon, dahil sa kanya.
"Dumaan nanaman ang ilang year's. Malaki kana noon at yung agent na tumitingin sa'yo na pinagkakatiwalaan ko ay kailangang mag leave ng dalawang buwan. Yung may-ari ng agency na'yon ay kaibigan ko din. But he promised me to send his son para tignan ka and that was Severn."
Napalunok ako sa sinabi niya at tuluyan nang nawala ang ngiti ko. T..this is it! Malalaman ko nadin laahat-- Kung coincidence lang ba ang pagkikita namin, o lahat ng ito ay planado.
"Gusto ng kaibigan ko na hasain noon si Severn kaya siya ang pinaki-usap niya sa akin. At first nag-alinlangan pa ako dahil hindi siya skilled, pero dahil sa kita ko ang determinasyon sa mata niya noon, napa oo nalang din ako. Months after when he came back, sinabi niya n..na muntik ka nang marape ng asawa noon ni Mainn--" kumabog ng malaks ang dibdib ko.
S.. siya--
"Yes Reign, he saved you and I was so thankful that time because he knows what he was doing. Pinakulong ko agad ang asawa ng Nanay nanayan mo, at doon sinigurado kong hindi na siya makakabalik pa. Hindi ko alam pero, palagi ng naglagi doon si Severn. Hanggang sa isang araw, sinabi niya sa akin na umalis nadaw kayo sa lugar niyo, at hindi niya kayo nasundan dahil biglaan lang daw."
"U..umalis?" I asked him, he nodded. Pero, wala akong matandaan na umalis kami doon. Doon na ako lumaki at never kaming lumipat ng bahay o lugar.
"I was so disappointed to him that time, gusto ko sana siyang kausapin pero naisugod si mom sa America. Pinagpaliban ko muna ang pakikipag-usap sa kanya, at lumuwas ako para bisitahin ang Lola mo. But when I came back, wala na akong nabalitaan kay Severn. He's not answering my phone, and his parents even doesn't know where he is. That's why I hired a detective again, to look where Severn is and you." Tumingin siya sa akin ng deretso sa mata.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_