DB TWENTY EIGHT

476 26 0
                                    


Ilang minute muna akong nakatitig kay Kinsley na seryosong seryoso sa pagbabasa, bago ako umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi siguro pa ako iiwas kung hindi lang siya tumikhim at samaan ako ng tingin.

Ngayon ko lang kase siya makitang seryosong nag-aaral eh. Well, kung si Seven siguro siya, magpapakuha din siya ng tatlong moo sa akin.

Gaaa'! Anong connect?!

Tss.

Kinuha ko nalang ang loptop ni Shane, at sinimulan ng mag type at kumuha ng mga impormasyon pa sa Google. Kaso mas marami parin ang kinuha ko sa libro. Kaya rin siguro nandito si Kinsley, dahil mas gusto niya ring makuha ang mga ideas sa libro.

Marami rami narin akong nagawa ng may dumating na isang lalaki, at nag lapag ng pagkain sa harap namin ni Kinsley.

"Sir heto na yung pinakuha niyo."

"Thank you Kael."

Napalunok ako at napahawak sa tiyan ng maamoy ko ang burger sa harap ko.

Gaaa' sana kung may balak siyang mag meryenda wag sana dito sa harap ko!

Pinilit kong mag focus sa binabasa ko kahit nag wawala na ang tiyan ko sa gutom. Sinasabi ko na eh!

Nagulat ako ng mawala ang librong hawak ko at napalitan ito ng burger. Napatingin agad ako kay Kinsley.

"A..ano to?"

"Burger." Kibit balikat niyang sagot at kumagat na sa burger na hawak din niya.

"B..bakit? H..hindi naman ako gutom." Hindi makatinging sabi ko sa kanya. Gusto ko na talagang kainin to, kaso tinamaan nanaman ako ng hiya.

Wrong timing!! Bat ngayon pa ako nahiya!

"Stop lying and just eat the burger Reign. Halata masyadong gutom ka, naririnig ko ang tiyan mo." Nakangisi niyang sabi sa akin at inabutan niya pa ako ng shake. Wala na yung seryosong mukha niya kanina, bumalik nanaman ang mapang-asar niyang mukha.

Wala na din akong nagawa kaya inabot ko nalang ito.

"S..salamat."

Uminom muna ako ng shake bago ko kinain ang burger. Napatingin naman ako kay Kinsley ng tumikhim siya.

Oo nga pala! Di pa ako nakakapag sorry sa kanya.

"ah s..sorry nga pala kung hindi ko napaunlakan yung sayaw mo nung Sabado."

"Apology not accepted " napatingin ako sa kanya sa sinabi niya, pero nagkibit balikat lang siya.

"O.okay." Hindi ko alam pero napatawa ako sa reaction niya, dahil sa sinagot ko. Napangiwi kase siya at sinamaan pa ako ng tingin.

"What are you laughing at?" Nagkibit balikat din ako sa tanong niya, tsaka kumagat ulit sa burger na hawak ko. Hindi na ulit ako makaramdam ng hiya sa kanya.

Buti nalang!

"You'll make it out for me."  Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Have dinner with me."

Sus! yun lang pala. Basta ba libre niya.

Gaaa' malamang siya nagyaya eh!

"Basta wag muna mamaya, o bukas. Alam mo namang marami pa akong activities na kailangan gawin."

Siguro naman maiintindihan niya. Medicine din siya, at doctor pa. Mas busy siya kesa sakin.

Doormate BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon