Nagshoshower si Seven kaya inayos ko muna ang higaan niya. Sabi niya kase may multo daw dito dito sa bahay nila, kaya dapat daw tabi kaming matulog. Pero as if namang maniniwala ako dun?
Natapos na akong magpalit ng damit kanina kaya humiga na ako sa kama. Pinahiraman ako ni Tita Kia ng undies, yung mga bago. At suot ko naman ang jogging pants at shirt ni Seven.
Napatili ako ng may mabalahibong tumalon sa akin.
"Meoow"
"Ranger!!" Niyakap ko si Ranger ng mapagtanto kong siya ang tumalon sa akin.
Namiss ko siya!
Ngayon ko lang kesa ulit siya nakita. Hinanap ko siya noon, kaso sabi ni Seven dito muna daw siya kina Tita Kia. Mahilig kase siya sa cats.
"Imissyou." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasa ganun akong sitawasyon, ng pumasok si Seven na nagpupunas ng buhok.
"Oh? Ranger?" Tumalon si Ranger pababa at pumunta kay Seven. Binuhat niya naman agad ito, at hinagod sa ulo. Dinilaan agad ni Ranger ang kamay niya.
"Miss your master?"
"Meoow!" Napatawa ako ng sumagot siya agad ng meow. Sumiksik pa siya kay Seven.
Nanood muna kami saglit ni Seven ng isang movie sa room niya, bago ako nagpaalam dahil inaantok na talaga ako. Napagdesisyonan ko kaseng sa ibang room ako matutulog.
Nakakahiya kase pag makita nilang magkatabing natutulog sa kama niya.
Buti nalang, hindi siya umangal.
"Goodnight." He kiss my forehead, bago niya lisanin ang guests room na kinaroroonan ko.
Matutulog na sana ako ng may mahagip akong picture frame na nasa likod ng babydoll, na nakapatong sa mesa. Hindi mo agad to mapapansin pag unang tingin, pero pag natitigan ay malalaman mong picture frame to. Dala narin ng pagka curious, nilapitan ko ito.
Dahan dahan ko siyang hinugot, at ng makuha ko na ay isang picture ng batang lalaki, at batang babae ang bumungad sa akin.
Noong una, hindi ko pa maklaro kung si Seven ba o si Ivo ang batang lalaki. Pero nalaman kong si Seven to ng makita ko ang pambatang sulat sa likod niya.
♥Even lab yne♥
Even? Probably seven, at ang yne siguro ang batang babae.
Nakangiti ang batang si Seven habang naka akbay sa batang babae, ang babae naman ay nakapulupot ang mga braso niya kay seven. Kay seven nakatingin ang batang babae at sa kamera naman nakatingin si Seven kaya hindi ko alam kung anong itsura ng babae.
May babae pa kayang kapatid si Seven? O.. baka childhood friend niya to?
Kung ganon bat diko na siya makita?
Nanikip ang dibdib ko ng bumalik ang tingin ko sa sulat sa likod. Sulat bata!
Pero kahit ganun, ramdam mo ang pagmamahal nila sa isat-isa kahit mga bata palang sila.Buhay pa kaya to? Pano pag bumalik na siya? Iiwan na ba ako ni Seven? Kakalimutan na niya ako?
Binalik ko din agad ang picture frame sa likod ng babydoll, bago pa kung anong maisip ko. Humiga agad ako sa kama at pinilit na makatulog.
--
"Bye Reign, bye seven hijo. Balik din kayo ah? Reign don't forget our date on Sunday." Niyakap ako ni Tita at humalik sa pisngi ko.
"S..sge po."
"Late na kami mom." Inip na sabi ni Seven. Kanina pa kase siya nagrereklamo na, keso daw ang tagal naming mag-usap ni Tita. Nauna na siyang naglakad papasok sa kotse kaya naiwan muna kaming dalawa ni Tita.
BINABASA MO ANG
Doormate Buddies
RomanceLife is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_