Chapter 1

2.2K 31 2
                                    

The Arrival






Kakalapag lang ng eroplano namin papuntang Aklan, sabi kasi ni mamsi taga dito si lola kaya dito kami mag stay. Nakita na namin si papa Tyron na naka-abang samin kaya lumapit na kami sakanya, si Tyron ay kapatid ni mamsi kaya tito namin siya ni Khristalv pero papa ang tawag namin sakanya. Pagkalapit namin sakanya ay nag bless kami ni Khristalv




"Siraulo talaga yang asawa mo! Sabi ko na nga ba walang magandang gagawin yan para sa pamilya mo!"nilagay ko sa tenga yung headset na nakasabit kanina pa sa leeg ko para di ko namarinig ang sasabihin ni papa.. Nakita kong naglagay ng shades yung kapatid ko, hays ang gwapo...




Naglakad na sila kaya sumunod na ako pero nasa huli lang ako, lumapit ako may mamsi para magpaalam




"Mamsi pa-load lang ako"paalam ko sakanya dahil kailangan kong sabihan yung bestfriend kong si Trixie na andito na ko




"Sige, andun lang kami ah? Bilisan mo"sabi ni mamsi kaya tumango ako't lumapit na sa malapit na tindahan




"May pa-loadan kayo?"tanong ko kay ale at tumango siya, agad akong kumuha ng pera at binigay niya sakin ang phone niya




"Type mo yung number mo"kaya agaran kong tinype ang number ko





"Penge ako ng number niya te pagkatapos"biglang sulpot ng isang lalaki sa tabi ko, I looked at him and ang liit niya atsaka mukha siyang panget..




"No, eto po bayad"sabi ko at iniwan sana siya don pero nakita ko siyang kinukulit yung tindera pero umiiling lang yung tindera





"WOI SABON! BUMALIK KA RITO"napatingin kami sa sumigaw, gwapo siya at matured tignan dahil sa katawan




"TUMAHIMIK KA DREW! DI KA IMPORTANTE"sabi nung lalaking maliit kanina, Drew pala pangalan nun




"Joaquin di na daw siya sasama, di naman daw siya importante"pagbabaliktad ni Drew sa sinabi nung maliit na lalaki kaya natawa ako, agad namang lumapit yung lalaki kanina





"WOI DREW WAG KANG PEYK NEWS!"natawa naman sila sa sinabi nung lalaki at binatukan si Drew at nag wretlingan na silang dalawa, iling-iling akong bumalik kila mamsi..





"Mamsi si ate may boyprend na!"agad kong tinakpan ang bibig ni Khristalv kaya natawa siya kasi naka earphones pala si mamsi kaya di niya maririnig kaya binatukan ko siya...





"Siraulo ka"sabi ko sabay upo sa tabi niya dahil nasa tabi ni papa Tyron si mamsi nung nakita ni papa Tyron na andito na ko ay umalis na kami










Joaquin's POV
Hinihintay namin si ate dahil magbabakasyon daw siya dito ng 5 days lang... Andito na kami nila ate sa isang restaurant kasama sila Kim, Drew at Ariel




"Kamusta naman sila tita?"pagbasag ni Drew sa katahimikan kaya napatingin sakin si ate pero di ko lang siya pinansin, di talaga kasi kami close ni mama




"Ok naman sila, gusto nga nilang sumama dahil namimiss na daw nila si Joaquin"napairap ako sa sinabi ni ate


'Baka si kuya Ely ang tinutukoy mo ate'


Gusto kong sabihin yan pero baka mag away pa kami kaya nanahimik nalang ako. Si kuya Elijah ang kuya ko, sumunod siya kay ate.. Ely ang palayaw niya




"Kamusta naman lovelife? May nahanap ka na?"tanong naman ni ate kay Drew, natawa siya saka umiling..




"Hala bakit? Gwapo ka naman"sabi ni ate at naangiti si loko





"Alam ko te, gwapo talaga ako"umakto kaming naduduwal nila Kim kaya napatingin sila samin




"Excuse pre, ako talaga ang mas gwapo"sabat ni Ariel kaya nabatukan siya ni Kim




"Mas gwapo ako, tignan niyo! Walang makakatalo sa mukhang to!"pagyayabang ni Kim at napainom nalang ako ng tubig





'Pota! Mga sinungaling!'





"Ikaw Kim, kamusta na pala kayo ni Rosas?"napangiti naman si Kim nung binanggit yung girlfriend niya kaya napairap kami




'Adik amputspa'




"Ok kami ate, masaya naman kahit busy ako dahil sa basketball training"sagot ni Kim, siya kasi ang nag tetrain sa mga bago dahil siya ang captain..





"Ah mabuti naman, 3 yrs na kayo noh?"sabi ni ate at masayang tumango si kumag





"Wow antagal niyo na!"amazed na sabi ni ate, napatingin naman si ate kay Ariel




"Single yan te, fafa kasi hanap eh"napatawa kami sa sinabi ni Drew




"Awts haha ako nanaman ba fafa Drew?"pambaklang sabi ni Ariel kaya natawa na din si ate





"Ang kukulit niyo padin"sabi ni ate kaya natawa uli kami, well kaya masaya ang barkada namin!





"May girlfriend na ba si Joaquin?"at dun natahimik kami




"Wala te, wala pang nagkakamali haha"natatawang sabi ni Kim kaya nailing ako





"Wala pa te, no worries"sabi ko dahil M.U lang naman kami ni Freya at nagkwentuhan lang kami pero pinapahiya talaga ako nila Drew kay ate hanggang sa pag uwi..





'Hays.. Ako nalang talaga matino sa barkada'










Khriziara's POV
Pagkauwi namin ay nakatulog kami at ako ay nagising lang dahil sa masakit na panaginip, kung paano kami iniwan ni papsi.. Umupo ako at niyakap ang tuhod ko habang umiiyak, hindi ako makahinga, namamanhid ang buong katawan ko.. Ganito ako simula nung iwan kami ni papsi, naghanap ako ng pawala ng manhid at pumunta ako sa cr





"You are my escape"sabi ko habang nakatingin sa blade na hawak ko
















___________________________
Sorry for this chapter, wag niyo pong gagayahin si Khriziara ok? :) You are wonderful 😘


Loveyah all!

Keep supporting and Enjoy reading~

Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now