Chapter 10

771 15 2
                                    

Invisible




Nagising ako dahil sa isang panaginip, panaginip na gabi-gabi na hindi nagpapatulog sakin, minsan lang ako magkaroon ng magandang tulog pag pinatulog ako ni Khristalv o kaya pag katabi ko siya at minsan lang talaga yun mangyari hays... Pawis na pawis akong bumaba para pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig






"Nightmare again?"muntik ko ng mabitawan ang baso ko dahil sa pagsulpot ni Khristalv






"Ano ba, ginulat mo naman ako eh"saway ko sakanya at tumingin siya sa glow in the dark na orasan






"It's 1 am"sabi niya at uminom lang ako ng tubig para pakalmahin ang sarili, napapikit ako dahil naalala ko ang panaginip ko..






"Napanaginipan mo nanaman si papsi"tahimik akong tumango, I can't forget that time na pinili niya yung kabit niya kesa samin at hindi manlang siya nahiya na pumili siya habang andun pa kami ni Khristalv






"Forget him ate, he forgot about us"sabi niya saka iniwan ako na iniisip lahat ng katarantaduhan ng tatay ko hanggang sa bumalik ako sa kwarto at nagpatugtog umaasang makakatulog ako hays.. May pasok pa naman huhu pano na?! Ayokong maging zombie mamaya









Joaquin's POV
Naawa ako kay Freya, she always telling me take her back but I always tell her na ayoko and then sasabihin niya na magbabago na siya just for me to come back.. I know it's my fault, dahil ako ang lumapit sakanya telling her that I like her pero nawala yun dahil sa ugali niya and na fall ako sa isang babae na parang wala namang pakielam sa nararamdaman ko o di lang talaga siya aware? it's 2 am in the morning and I can't fckin sleep because of guilt, hindi ko na alam ang gagawin ko or kung tama ba ang ginawa ko kasi may nasasaktan ako. Napaayos ako ng upo nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si kuya Ely






"Tol, pwedeng tabi tayo?"napakagat ako ng labi dahil pinipigilan kong matawa sakanya buti nalang talaga madilim kaya di niya kita






"Bakit? Nabakla ka na sakin kuya?"pang aasar ko sakanya at binato niya ako ng unan na yakap niya kaya natamaan ako sa mukha





"Ogag, alam kong nauna ka kaya pinagbibigyan kitang makatabi ako"sabi niya kaya binato ko sakanya pabalik yung unang binato niya sakin






"Tumabi ka na, daming satsat"sabi ko kaya agad siya humiga sa tabi ko at natalikod siya sakin kaya di ko alam kung tulog siya o hindi..





"Tol, pwedeng magtanong?"biglang sabi ni kuya kaya napairap ako







"Nagtatanong ka na obobs"sabi ko at humarap siya sakin at hindi pinansin yung huling sinabi ko







"Napansin ko kasing ilag ka kay papa, bakit?"tanong niya sakin at naalala ko yung mga nangyari dati nung bata pa kami, ako kasi pag nagkamali sinisikmuraan ako ni papa pero pag si kuya Ely pagsasabihan lang niya.. Yun ang napapansin ko kay papa dati kaya kesa makagawa ako ng mali iniiwasan ko nalang siya, pati si kuya kaya siguro naging ganto kami






"Kasi paborito ka niya kuya."napatingin siya sakin, akala niya pantay lang kami sa mata ni papa pero di niya nakikita yung pananakit sakin ni papa dati, alam kong nagsisisi si papa ngayon pero ang hirap kalimutan nung ginawa niya.. Pinaramdam niya sakin na si kuya Ely lang ang anak niya






"Walang paborito si papa"sabi niya at natawa ako ng sarcastic sakanya






"Wala ka kasing alam"sabi ko at napakunot ang noo niya at bago pa siya magtanong uli ay minabuti ko ng humiga at tumalikod sakanya





Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now