Chapter 23

521 11 2
                                    

Just..





Ilang linggo na mula nung nasaktan ni Waki ang feelings ko, I mean nung umamin siyang nahalikan niya si Freya. At dahil don ay iniiwasan ko siya kahit sinusubukan niya akong kausapin pero kahit mga barkada niya di siya hinahayaang makalapit sakin. Pagkalabas ko sa kwarto ay saktong kakabukas lang ng pinto ng kwarto ni Talv kaya napahinto siya




"Ate sorry.."naiiyak na niyang sabi kaya lumapit ako sakanya saka siya niyakap




"Sorry din"sabi ko at niyakap na din niya ko pabalik saka hinalikan niya ko sa tuktok ng ulo ko



"Sipain ko ba si Waki para sayo?"biglang tanong niya kaya naitulak ko siya at binatukan pero natawa lang siya




"Siraulo din kasi eh, alam niyang malakas tama sakanya nung Freya ginawa niya pa yung dare"natatawang sabi niya na kinakunot ng ulo ko at halatang nagtatanong sakanya dahil parang alam niya yung nangyari



"Kasi ate, dare lang sana niya is ilapit ang mukha niya sa mukha ni Freya pero di naman inaasahan ng kasama namin na lalapit din si Freya sakanya kaya ayon nagdikit labi nila"pah kwento niya at sinabunutan ko siya


"BAKIT KASI MAY DARE?! AT BAKIT MAGKAKASAMA KAYO HA?"inis kong sigaw para matawa siya na lalong nagpainis sakin dahil ampanget niya


"Magkasama kami dahil may sinamahan akong kaibigan don sa simbahan at di ko naman alam na andun din yung babae kaya ayun."paliwanag ni talv at napailing nalang ako saka tinulak siya


"Bumaba ka na don at mag ayos ka, sumama ka samin ni mamsi"sabi ko at natatawa siyang naunang bumaba para mag ayos







Joaquin's POV
Paglabas ko ng simbahan ay nakita kong naglalakad mag isa si Zi at may dalang mga plastik, gusto ko siyang lapitan pero parang bawal, baka masaktan ko nanaman siya. Bat kasi sinunod ko yung lintek na dare na yon? At bakit kasi ganon si Freya? Hays. Pag katapos nung nangyari ay lalong lumalapit sakin si Freya pero ako na ang umiiwas.

"Lapitan mo kaya, wag mong titigan"napatingin ako sa girlfriend ni Marlon na barkada din namin.. Si Ciara Manolo, siya lagi kasama namin sa mga inuman dahil ang ibang jowa ng barkada minsan lang pinapayagan


"Baka kasi masaktan ko siya lalo"sagot ko at napatingin din siya kay Zi na nakasunod lang sa mama niya


"Mukhang di naman"sabi niya habang nakatingin sa likod ko na nakangiti


"Waki"napatalon ako at napatingin sa likod ko saka ko nakita ang pinaka magandang anghel sa buhay ko



"Zi.."tawag ko sakanya at kumaway siya kay Ciara na ngiting ngiti naman na kumaway din pabalik


"Iwan ko muna kayo, ayusin mo Waki ah? Hihi byeee"sabi niya at tumakbo pabalik sa loob ng simbahan at natulala ako kay Zi na nakangiti sakin


"I knew what happened"sabi niya at napayuko ako dahil sa totoo lang nahihiya ako sakanya kasi kahit dare lang yon alam kong nasaktan ko siya


"I'm sorry Zi, sorry.. Di ko naman ginusto yon eh kasi ikaw lang talaga"sabi ko na parang nagmamakaawa at bigla niyang ginulo buhok ko


"Ok na, Talv explained it to me already"sabi niya at napangiti ako


"So ibig sabihin, bati na tayo?"tanong ko sakanya at tumango siya sakin habang nakangiti pa kaya napatalon ako sa tuwa

"Yeah, basta wag mong uulitin ok? Aalis na ko"sabi niya at iniwan na ko doon na sobrang ngiti

Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now