Happy and broken
Pagkagising ko ay napabangon agad ako dahil naalala kong di na ako nakakain ng paborito kong ulam huhu, nag ayos na ko saka naisipang lumabas at saktong kakalabas lang ni Khristalv
"May sinigang pa ba?"bungad ko sakanya at natawa siya kaya napanguso ako, huhu kasi naman peyborit ko yun eh!
"Meron pa, initin ko ba? Para yun kainin mo?"tanong niya sakin at agad akong tumango at agad naman siyang bumaba para siguro pumunta sa kusina, napangiti ako pero naalala ko na nag usap pala sila na Joaquin kahapon.. Ano kayang nangyari? Tinawagan ko si Joaquin at ilang ring palang sinagot na niya
[Hello Zi, mamaya nalang pwede? Nag seserve kasi ako sa simbahan ngayon, I'll text kapag tapos na. Ingat ka]
*Toot toot*
Nag seserve? Sakristan siya? Linggo pala ngayon kaya siguradong may misa, may nalaman ako sakanya na di kapani-paniwala..
Pagpunta ko sa kusina ay naamoy ko na ang bango ng sinigang kaya excited akong tinulungan sila mamsi na maghain, natawa naman sakin si mamsi dahil nakita niyang excited talaga ako huhu..
"Good morning mamsi"bati ko sakanya at nilagay na niya ang peyborit ko at agad kaming umupo ni Khristalv at kumuha na ko ng kanin
"Dahan dahan lang ate"natatawang sabi ni Talv pero di ko lang yun pinansin saka kumuha ako ng maliit na mangkok para paglagyan ng sabaw at platito para lagyan ng patis at sili..
"Uy te penge sawsawan"sabi ni Talv at nilapit ko sakanya yung sawsawan at dinurog niya ang sili at naamoy namin ang anghang non
"Jusko kayong magkapatid talaga masarap panoorin"nakangiting sabi ni mamsi samin at ngumiti lang kami saka lumamon na ko, oo! Lamon bakit?! Angal?!
Joaquin's POV
Pagkatapos ng misa ay nag ayos na ko saka umuwi kaagad dahil darating si Rhea Jane, ang isa ko pang kapatid na babae... Siya ang bunso"Magluto ka na"sabi ni papa at sumunod nalang ako at si kuya naman ang naglinis ng kwarto namin dahil di kami mayaman para magkaroon ng sariling mga kwarto
"Waki, sino yung pinuntahan niyo kahapon?"napatingin ako sa tanong ni kuya, andun siya sa kwarto niya naglilinis eh kaya di ko kita itsura niya, pampam talaga
"Nililigawan ko"at dahil don napatingin sakin si papa, nagluluto lang ako at di siya pinansin
"Naks naman, lagot ka kay ate"napairap ako sa sinabi ni kuya Ely dahil pake ko naman, ipapakilala ko rin naman sakanilang lahat.. Soon..
"Tapos na kong magluto"sabi ko saka naghubad ng pantaas dahil mainit at lumabas muna ng bahay pero di ko inaasahang makikita ko si Zi na nakasakay ng tricycle at napatingin pa siya sakin saka nanlaki ang mata, shte nakahubad pala ako! Ngumiti din siya ng matamis hanggang sa di ko na maaninag yun dahil lumagpas na sila
"Siya ba?"napatingin ako kay papa na biglang nagsalita pero di lang ako nagsalita at pumunta nalang sa kwarto ko para makaiwas sakanya
"Joaquin?"napatingin ako sa pinto nung bigla itong bumukas, si kuya Ely lang naman kaya napairap ako
"Pwede ba tayong mag usap?"tanong niya sakin at di lang ako nagsalita, wala naman kasi akong magagawa kung gusto niyang makipag usap sakin
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza