Chapter 2

1.4K 28 0
                                    

Enrollment day












Nagmadali akong gawin ang morning rituals ko dahil ayaw kong maabutan ang nakakatakot na mahabang pila mamaya.






"Dala mo na yung NSO mo?"huh? Anong sabi ni mamsi? HALA YUNG NSO KO! BUTI PINAALALA NI MAMSI






"Hala wala pa!"sabi ko kay mamsi saka niya ko binatukan





"Nako! Buti nalang talaga at inayos ko na kagabi"sabi ni mamsi sabay kuha sa isang envelope at binigay sakin




"Salamat mamsi! Alis na po ako"paalam ko saka hinalikan siya sa noo, wala lang sanay akong ganun eh..





"Ingat ka"sabi ni mamsi saka naramdaman ko ang presensya ni Khristalv sa tabi ko at hinalikan ang gilid ng noo ko





"Ingat ate"sabi niya sakin at napangiti ako dahil ang sweet ng kapatid ko, naglakad na ko at humalik din si Khristalv kay mamsi sa noo saka sumunod sakin. Parehas pala kami ng school





"Sabihin mo sakin kung may mangungulit sayo dun, lagot sila sakin"sabi ni Talv kaya natawa ako.. 19 years old ako at si Talv naman ay 17 pero mas matangkad siya sakin





"Yeah, I will"sabi ko sabay pat niya sa ulo ko






"Good"hinawi ko ang kamay niya sa sinabi niya dahil para akong aso sa ginagawa niya





"Sorry te, liit mo kasi, pft haha"sabi niya sabay tawa at nauna na sakin sa paglalakad..






"HINDI AKO MALIIT! CUTE SIZE LANG"sigaw ko at nahabol ko siya kaya katabi ko siya uli maglakad






"Ok, sabi mo eh"sabi niya na parang di naniniwala huhu..













Nakarating kami sa Serene Academy, ang pangalan ng school.. Pagdating namin doon ay andaming babae na ang nakatitig kay Khristalv





"Pumunta ka na don babe"sabi ko ng malakas para marinig ng mga babaeng nakatitig sakanya, alam ko namang walang pake si Khristalv sa mga babae pero the fact na lalandiin siya ay ayaw ko. Di pa siya pwedeng mag girlfriend dahil bata pa siya.. Nagsiiwasan ng tingin yung mga babae sa sinabi ko kaya natawa si Khristalv





"Geh na babe, bilisan mo baka humaba pa pila"sabi niya na parang may iba pang ibig sabihin saka siya pumunta sa classroom nila para magpalista..



Pumunta na rin ako sa classroom ko para magpalista at masaya ako kasi wala pang masyadong pila, at yung nakita kong maliit na lalaki at yung parang matured na lalaki ay andun. Pumila na ko saka sinulat ang pangalan ko at dali na din akong lumabas dahil aayusin ko pa yung mga requirements namin..






Drew's POV
Naiinis ako kay Ariel dahil napakaingay niya pero parang nawala ang ingay niya nung may pumasok na babaeng maliit at morena na medyo mahaba ang buhok para magpalista at dahil walang pila ay agad siyang nakapag palista





"Swerte niya wala pa halos tao"sabi ni Ariel na parang kilala niya yung magandang babae kahit medyo chubby..






"Kilala mo?"tanong ko sakanya at tumango siya






"Siya yung babaeng kinukulit ko nung nasa airport tayo"napatango ako, krass ko na yung babaeng yun hehe ang kyot kasi






"Nasan na ba sila Joaquin at Kim?"tanong ko kay Ariel at nagkibit balikat ito






"Si Kim kasama si Rose syempre, ewan ko lang kay Joaquin baka naglalaro nanaman ng barbie"natawa ako sa sinabi ni Ariel, pag sinabi kasing naglalaro ng barbie si Joaquin ay may babae nanaman siyang pinaglalaruan






"Hays walang kasawa sawa. Magkakaroon din yan ng katapat"sabi ko at umiiling iling kaya natawa si Ariel





"Sana nga"sabi nito kaya napailing nalang ako





"WOI! LALIM INIISIP NIYO"sigaw ni Kim kaya napatingin kami sakanya





'Papansin talaga'






"Nasan si Rose?"tanong ni Ariel at umupo si Kim sa tapat namin





"Kasama si Seija"ah kapatid ko si Seija, may boyfriend na din hays naunahan pa ko. Kambal kami pero ako ang nauna kaya ako ang panganay..





"Si Joaquin?"tanong ko naman at nagkibit balikat siya at napasapo kami ng noo..





"Enrolled na tayo pero siya nalang ang hindi"sabi namin ni Ariel at nagkibit balikat lang sila









Joaquin's POV
Kasama ko ngayon si Freya kasi nangulit siya na mag date kami ngayon, nakakainis kasi di ako makaka enroll! Sinabi ko na sakanya na enrollment pero ayaw papigil, hays..





"Baby doon-"di ko alam kung bakit napatigil si Freya habang nakatingin sakin pero napansin kong ansama na ng titig ko sakanya





"Pagod na ko, ihahatid na kita"sabi ko sakanya at sumama din ang titig niya sakin





"MINSAN NGA LANG KITANG MAKAKASAMA TAS IPAGDADAMOT MO PA-"





"ANAK NG! ENROLLMENT NAMIN NGAYON PERO ANO?! ANDITO AKO DIBA?! PINAGDAMOT KO BA SAYO NA MAKASAMA KA?! PINAGDAMOT KO BA FREYA?!"natahimik siya sa sigaw ko, never ko siyang nasigawan pero eto na, sumabog ako sa inis sakanya..





"Pwede ba Freya, just let me walk you home"nasabi ko na lang ng malumanay kasi iiyak na siya anytime






"NO! UMUWI KA MAG ISA!"sabi niya sabay iwan sakin kaya napasapo ako sa noo dahil sa sobrang inis.. Mag eenroll nalang ako



Pagkadating ko sa school ay mahaba na ang pila at nasa tambayan sila Rose at Kim






"Tabi."sabi ko sa lalaking malapit ng makapagpalista at dahil takot sakin ay umatras siya saka ako pumila sa pwesto niya kanina at maya maya ay nakapagpalista na din ako... Pinuntahan ko sila Rose at Kim






"Woi"napatingin sila sakin at hinalikan ako ni Rose sa pisngi bilang pagbati at fistbump kay Kim





"Nakapag enroll ka na?"tanong ni Kim sakin





"Oo, singit lang"natatawa kong sabi at umupo ako sa tabi ni Rose saka niya ako binatukan






"Bakit nga pala wala ka kanina?"tanong nila sakin at naalala ko si Freya kaya agad akong nainis..





"Freya. Kinulit niya ako ng date"sabi ko at agad na sumimangot si Rose






"She is not good for you"sabi niya at tumatawa akong yumuko..





"I know"
















____________________________
Nako.... Hays sana nagustuhan niyo hihi labyou all <3

Keep supporting and Enjoy reading~

Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now