Hashtag
Sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nahuhulog kay Joaquin, sa ginawa niya nung isang araw ay lalo pa siyang naging maalaga sakin.. Tulad ngayon.
"Ano gusto mo? Ako nalang magdadala ng bag mo?"tanong niya sakin habang naglalakad kami pauwi dahil magla-lunch kami
"No, no need"sabi ko pero dahil makulit siya ay kinuha niya ang bag ko at siya na nagdala non
"Ako na, ayokong nahihirapan ang mahal ko"inirapan ko siya pero patago akong napangiti dahil kinilig ako sa sinabi niya
"Ewan ko sayo"sabi ko sakanya at dahil malapit na kami sa bahay ay ginulo niya ang buhok ko kaya napatingin ako sakanya ng masama
"Sige na, umuwi ka na para maaga kang makapasok sa afternoon class natin"sabi ko at nakangiti siyang tumango at binuksan na niya yung gate
"Ingat ka mamaya"sabi niya sabay bigay sakin ng bag ko at kinuha ang kamay ko saka hinalikan ito, naglakad na siya paalis.
Hulog na.
Khristalv's POV
Andito lang ako room, nakita ko na din sila ate at Joaquin na umuwi.. Sana di siya magsawang protektahan si ate habang andito pa ko sa gang na to"Aalis lang ako"paalam ko sakanila peeo di ko na inantay p ang sumagot sila kasi umalis na ko
"Psst. Dito"pabulong na tawag sakin ni Joaquin, pinapunta ko siya dito dahil sasabihin ko sakanya ang pinaplano nila James kay ate, di ako pwedeng gumalaw ng masama dahil alam kong gagawin nila yon
"Waki"sabi ko nung nakalapit ako, nakatingin siya sakin at napakuyom ako ng kamao
"May problema ba Talv?"tanong niya sakin na mukhang nag aalala sa kinikilos ko
"Waki, kasali ako sa isang gang"pagsabi ko sakanya at nanlaki ang mata niya
"ANO?!"napasigaw niyang sabi kaya tinakpan ko ang bibig niya
"Hindi alam ni ate, wag kang maingay"pabulong kong sabi at tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya
"Bakit ka pumasok sa gang?"tanong niya sakin at napabuga ako ng hangin
"Di ko naman ginusto to eh, si James pinasok ako kasi nalaman ko yung gang nila"sagot ko sakanya at kumunot ang noo niya nung narinig niya ang pangalang James
"James Cuerva?"tanong niya at napatango ako
"Kaaway ko yan dati pa, barkada namin yan dati pero tinanggal siya ni Drew"pagsimula niya kaya nagtaka ako
"Bat siya tinanggal?"tanong ko kaai baka may malaman akong pwedeng gamitin laban sakanya
"Meron kasi siyang anger issue, and yung kapatid kasi ni Drew na si Seija ay girlfriend niya nung time na yun"pag kwento niya at iniisip niya pa kung ano ang sumunod na nangyari
"May nagkakagusto kasi kay Seija, kinausap si Seija nung lalaki at dahil seloso tong si ogag binubog niya yung lalaki"pag kwento niya at nag hintay lang ako ng susunod na sasabihin niya
"Pero dahil mabait si Seija ay sinusubukan niyang pigilan non si James pero dahil sobrang galit siya ay tinigilan niya yung lalaki pero sinampal niya ng malakas si Seija"di ako nakapag salita, ganun siya magalit?
"Kaya natanggal siya sa barkada"dugtong pa niya at napaisip ako
"Mahal niya ba si Seija dati?"tanong ko sakanya at napayuko siya
"Pagkatapos kasi nung nangyari, nakita niya yung sugat sa pisngi ni Seija ay bumalik siya sa katinuan pero huli na, takot na si Seija sakanya. He tried to get her back pero ayaw na ni Seija, he even cried and begged but Seija didn't accept him"sabi niya, so mahal nga niya...
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"tanong nito sakin at napatingin ako sakanya
"Si James kasi tinatakot ako na once na may nagawa akong di maganda, si ate ang babalikan niya"kumunot ang noo niya sa sinabi ko na parang naiinis siya sa lalaking pinag uusapan namin
"Alam mong wala akong sinusunod kundi sila ate lang diba?"tumango siya at nagets niya
"Don't worry, we will protect her"
Joaquin's POV
Nasa loob na ko room namin, kilala ko ang ibang kasama ni James sa gang niya dahil sinabi sakin ni Talv, nagulat nalang ako kasi hinatak ako ni Ariel papunta sa room nila Zi at nakita kong kinakausap nila Rosas si Zi na hindi maintindihan ang itsura haha"AYAN NA SI WAKI"nakita kong nanlaki ang mata ni Zi lalo na nung hinatak na siya nila Loch papunta sakin, para siyang natatae na ewan haha
"May sasabihin si bebe sayo"sabi ni Rosas sakin at tinulak siya sakin kaya agad din siyang umayos ng tayo at siniko si Rosas kaya natawa ito sakanya, namumula na siya haha ang cute!
"Teka nape-pressure si bebe, kalmahan natin haha"tawang tawa na sabi ni Lochell at natawa na din sila Kim
"Sabihin mo na Zi!"kantyaw naman ni Kim kaya nagtataka na ko, ano ba kasi sasabihin?
"Zi"napatingin siya sakin at nakatitig lang ako sakanya kaya napatakip siya ng mukha
"AYIIIEEE JOZIA FOR THE WIN"kantyaw ng barkada ko samin
"Waki"napatingin ako kay Zi na namumula na haha
"AYAN NA!"tili nila Rosas at Loch, napatingin naman ako kila Drew na nakangisi sakin
"Ano yun Zi?"tanong ko sakanya at tumitig siya sa mga mata ko
"Waki, gusto kita"parang nabingi ako sa sinabi niya at di ko na narinig ang tilian dahil ang naririnig ko lang ay ang puso ko na sobrang lakas at bilis ng tibok, ano daw? Mali ata narinig ko..
"A-Ano?"nauutal kong sabi dahil baka mali lang ang rinig ko
"HOHOY GUSTO IPAULIT"nang aasar ba sabi ni Ariel at natatawa lang si Drew
"Gusto kong linawin yung sinabi niya kaai baka mali ang rinig ko-"
"Gusto kita Waki"
_________________________
Ayan na! Hihi kiligin sana kayo hahaha!Sorry now lang nakapag update medyo naging busy kasi pero babawi ako sainyoo! Wuvyu all 😘
Keep supporting and Enjoy reading~
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza