Christmas Party
Nag aayos na ako dahil christmas party na namin mamaya, si Khristalv? Nakabihis na siya at apaka gwapo niya ngayon. Sinuot ko yung crop top na gray tsaka pinatungan ng blue na polo, saka nagsuot ako ng short, christmas party naman kaya pwede tong suot ko.. Lumabas na ko saka kumunot ang noo ni Talv, ayaw niya kasi na nagsusuot ako ng ganito eh
"Magbihis ka nga ate"iritableng sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay saka dere-deretsong pumunta kay mama kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod sakin, humalik na ko kay mama pati na din siya
"Ang ganda ng suot mo nak"puri ni mama sakin at ngumiti ako ng matamis
"Salamat mama"sabi ko saka niyakap siya at si Talv naman nakasimangot at napansin yon ni mama
"Bat nakasimangot yan?"tanong nito sakin at nginuso si Talv
"Ayaw niya daw po ng suot ko"natawa si mama sa sagot ko saka napailing
"Sige na, larga na"sabi niya kaya humalik uli ako sakanya sa noo saka ako lumabas at ganon din ang ginawa ni Talv, habang naglalakad kami ay sobrang dami ng nakatingin na lalaki kaya lumalapit ako kay Talv saka nakikita ko si Talv na masama tingin sa mga lalaki
"Hays, lika na"sabi niya sabay hila sakin patakbo kaya agad kaming nakarating sa school, madami na ding students. Pagpasok ko sa classroom ay napatingin yung mga classmates kong lalaki sakin
"Kung di ka lang nililigawan ni Waki eh"biglang sabi ni Nico, yung isa sa mga honors sa section namin
"Tigilan niyo yan ah"narinig kong sabi ni Kim na busy sa pag cecellphone kaya agad din akong tinigilan nung mga lalaki, nakita ko si Lochell na nakapwesto doon sa may videoke kasama si Leesandro kaya napailing nalang ako
"Hi bb"napatingin ako sa bumati sakin, si Rosas na busy sa paghahanda ng pagkain kaya agad naman akong tumulong, pagkatapos namin ay agad naman akong hinila ni Rosas sa may videoke, si Lochell na kumakanta pero si Leesandro nakatitig lang sakanya
"Di naman halatang inlove ka kay Loch noh?"pang aasar ni Rosas kay Leesandro kaya napaiwas ito ng tingin at natawa nalang kami
"Kanina ka pa hinahanap ni Waki"sabi naman ni Leesandro kaya napatingin ako sa labas at nakita ko don si Waki na parang may hinahantay sa gate
"Labasin mo don, baka umiyak yan pag di ka nakita"natatawang sabi ni Leesandro kaya naiiling na lumabas ako sa classroom at gulat pa siya nung nakita ako
"Kanina ka pa?"tanong niya sabay lapit sakin
"Medyo kakarating lang, bat mo ko hanap?"sabi ko at ngumisi siya
"Ang ganda ng suot mo"napangiti ako kasi akala ko papagalitan niya ako
"Akala ko magagalit ka"sabi ko at natawa siya
"Bakit naman? Eh kung ganyan yung style mo wala naman akong magagawa, support lang. Kaya ko naman makipag suntukan"hinamapas ko siya sa braso kaya natawa siya
"May regalo ako para sayo"sabi niya saka binigay sakin yung paper bag na dala niya
"Salamat, mamaya ko na bubuksan"nakangiti kong sabi saka tumango siya
"Maya ka na umuwi ah? Ihahatid kita"nakangiti niyang sabi kaya tumango nalang ako saka siya nagpaalam na bumalik sa room nila, nakangisi akong bumalik kila Rosas dahil may plano ako
Joaquin's POV
Kakatapos lang namin kumain tsaka nagsipuntahan yung iba kong kaklase sa room nila Zi dahil makikivideoke sila, mamaya pa kami pupunta don"Yung suot ni Zi, ayos lang sayo?"tanong ni Ariel sakin at napabuntong hininga ako
"Wala naman akong magagawa kung ganon style niya, ayoko namang pagbawalan siya"sabi ko at tumango si Drew
"Tama si Waki, wala namang magagawa kung magagalit pa siya diba? Nasuot na niya tsaka kaya naman niyang makipag suntukan"natawa ako sa sinabi ni Drew, nagkwentuhan pa kami saka napag desisyunan na naming puntahan si Zi. Pag punta namin don, andun si Loch sa may pinto
"Umuwi na si Zi"napasimangot ako sa bungad niya kasi nagsabi pa ko kay Zi na wag siya muna uuwi, nakita kong napangisi si Drew saka tinapik balikat ko
"Iniwan ka na non tol"sabi niya, kung di ko to kaibigan baka nasuntok ko na to, badtrip na nga ako eh tangna naman
"Bakit daw siya umuwi? Sabi ko sakanya na wag muna uuwi"inis kong sabi tas biglang may nag piring sakin at naramdaman kong pinasok ako sa isang room pero wala akong marinig na ingay, napakatahimik
"Loch? Ikaw ba to?"tanong ko sa may hawak sakin at ginagabayan ako papunta sa kung saan, walang sumagot sakin at huminto na kami sa paglalakad
Would you dance, if I ask you to dance
Would you run and never look back
Would you cry, if you saw me crying
Would you save my soul, tonightNarinig ko ang boses ng isang babae na nakapag pabadtrip sakin kanina lang, may naramdaman ako sa harap ko na tinatanggal ang piring ko
Would you tremble if I touch your lips
Would lie, oh please tell me this
Or would you die, for the one you lovePagtanggal ng piring ko, si Zi ang bumungad sakin at napangiti ako. Shet, nakakatunaw ginagawa niya sakin ngayon
Will be here in your arms, tonight.
Napangiti ako saka napaluha, kasi taena pers taym may gumawa sakin ng ganto. Ang saya pala, ang sweet.
I can be your hero, baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my breath awayPagtapos mg linya niya ay agad ko siyang niyakap at napapikit, naramdaman ko na nahulog na ko lalo sakanya pero wala na akong pake.
"Sorry kung sinabi kong umuwi na ko, I just want to surprise you"hinigpitan ko ang yakap ko sakanya nung pagkatapos niyang magsalita
"I have a present for you"bulong niya kaya bumitaw siya sa yakap saka may binigay sakin na paper bag, nakatitig lang ako sakanya..
'Hinding-hindi ko na to pakakawalan'
"Thank you, Zi. Thank you for coming into my life"napangiti siya sa sinabi ko tsaka hinalikan ako sa noo, taena may mas sweet pa ba sa anghel na to?
"Thank you for welcoming me, thank you for letting me enter your life"
__________________________
Sorry for the slow update, I am just being in the dark this past few weeks and I can't write, but I am ok now. Namiss ko kayoo, sana namiss niyo din ako tsaka si Zi and Waki.. Hehe labyu allKeep supporting and Enjoy reading~
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fiksi Penggemar"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza