Choice
Khristalv's POV
Nitong mga nakaraang araw nahahalata kong iniiwasan ni mamsi si ate, kasi naman ako na ang pinapasama niya sa pamamalengke at hindi na si ate.. kaya minabuti ko ng tanungin siya"Mamsi"tawag ko sakanya at huminton siya sa paglalakad saka tumingin ng fresh na gulay
"Bakit? May nakalimutan ba tayo?"tanong niya sakin at tinitigan ko siya ng maigi
"May problema po ba kayo ni ate?"tanong ko sakanya at napaiwas siya ng tingin sakin, napabuga ako ng hangin.. hays sabi na nga ba eh
"Eh kasi yang ate mo ayaw makinig sakin!"sabi naman niya at napakunot ang noo ko
"Ayaw pong sumunod saan?"tanong ko at tinignan niya ako kaya pinakiramdaman ko siya saka siya bumuga ng hangin
Khriziara's POV
Naiiyak akong binasa ang convo namin ni Waki na tinapos ko lang kanina, ayaw ko na nag aaway kami ni mamsi dahil lang sa ganto.. Ilang sandali pa ay may kumatok kaya agad kong binuksan yon at bumungad sakin si Khristalv saka siya ngumiti"Magluluto na si mamsi, tulong tayo sakanya?"nakangiti niyang sabi at nag dalawang isip ako dahil baka mawalan ng gana si mamsi na magluto dahil sakin
"Wag kang mag alala ate, miss ka na ni mamsi haba lika naa"sabi niya sabay hila sakin at naiwan ko sa kama ang phone ko pero hayaan mo na haha naka block na siya sakin kaya di na niya ako machachat..
Pagdating namin sa kusina ay agad akong sinalubong ni mamsi ng yakap at napatingin ako kay Talv na nasa gilid ni mamsi na nakangiti samin, agad ko ding niyakap pabalik si mamsi at naiyak ako
"Mamsi akala ko matitiis mo na talaga ako"sabi ko sakanya at tinulak niya ako ng mahina at saka bunatukan
"Tulungan niyo na ko, baliw ka"sabi niya at binatukan pa ko ng isang beses at ako ang naghiwa ng gagamiting sangkap tas si Talv ang taga nood?
"Mamsi, bat si Talv nood lang?"at nagulat ako nung binato ni mamsi si talv ng bawang kaya natawa ako
"KUMILOS KA ABA"sigaw ni mamsi at napatayo si Talv sabay martsa papunta samin
"Videohan ko nalang kayo"sabi pa niya at natawa kami ni mamsi dahil sa itsura niya
"Oo na, kunin mo phone ko sa kwarto"sabi ko at parang bata siyang tuwang tuwa kasi ligtas siya hayst..
"ATE"napayuko ako dahil baka nakita na niya ang chat namin ni Waki dahil di ko yun na-exit nung hinila niya ko, nakita ko na siyang tulala habang papunta samin
"Bakit ate.."di niya matuloy dahil nabigla siguro siya, hindi ko naman ipagpipilitan yung relasyon namin kung kapalit naman yung relasyon ko sa mamsi ko
"Bakit ba ganyan ka maka-arte Khristalv?"tanong ni mamsi at kinuha ko sakanya ang phone saka pinindot ang camera app at pinalitan ko sa video. Kaya wala siyang nagawa kundi kuhanan nalang kami ni mamsi na masayang nagluluto
Joaquin's POV
Gusto kong puntahan si Zi pero baka magalit lang siya, ang sakit.. Bakit lagi nalang niya ko iiwan sa ere? Ganun ba ko kadaling iwan?
"Hoy Joaquin"napatingin ako kay kuya na nakapamaywang pa, napairap ako dahil wala ako sa mood
"Ano nanaman?"inis kong sabi at binatukan niya ako at inabot sakin yung susi ng motor
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fiksi Penggemar"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza