Chapter 21

591 14 0
                                    

Only me


Ilang araw na din mula nung naging M.U ko si Waki, masaya siya kasama at nararamdaman ko talaga na mahalaga ako sakanya kaya nahuhulog na ko sakanya. Ihahatid niya ko, dadalhan niya ko ng hand written letters, ang saya basahin non kasi feeling ko special ako..



"Ano iniisip mo?"napatingin ako kay Waki na hawak padin ang kamay ko, ayaw na nga niya bitawan eh haha


"Wala, wag mo ko alahanin"sabi ko at nakangiti siyang tumayo, malapit na ang intrams pero parang wala lang sakanila



"Hindi ba kayo mag papraktis?"tanong ko sakanya at natawa naman siya sakin



"Mamaya pa kami magpapraktis mahal"sabi niya at namula ako dahil kinikilig ako pag tinatawag niya kong ganyan



"Ah ganun ba? Di ka ba nahihirapan sa pwesto natin?"tanong ko sakanya dahil nasa likod niya ko nakaupo at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa mga kamay ko..



"Ayos lang mahirapan basta wag ikaw"sabi niya at sumandal siya sakin, ang saya sa pakiramdam na andito siya sa tabi ko na parang sinasandal niya sakin ang puso niya



"Mahal, pwede ko bang isandal sayo ang puso ko?"tanong niya na nagpangiti sakin



"Oo naman, hindi ako aalis sa tabi mo"sabi ko na di ko napapansin at nakita ko siyang napangiti at pumikit


"Mahal, hinding hindi ako gagawa ng dahilan para umalis ka sa tabi ko"sabi niya kaya napayuko ako at hindi alam kung maniniwala ako sakanya


"Kasi hindi ko na kakayanin"dagdag pa niya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko


'Sana nga Joaquin, sana nga'







Rose's POV
Nakangiti akong pinapanood sila Zi at Waki, bagay sila at kitang kita ko kay Joaquin na masaya na siya




"Babe"napatingin ako may Kim na kakadating lang at may hawak na dalawang cornetto at binigay niya sakin ang isa



"Masaya ako"nakangiting sabi ko sakanya habang nakatingin kila Waki at Zi na parang nag aasaran na



"Ang saya ni Waki noh?"tanong niya at masaya akong tumango, bigla niya namang hinawakan ang kamay ko



"Hinding hindi ako bibitaw, sana ikaw din"napatitig ako sakanya dahil sa sinabi niya, sa totoo lang may problema kami ni Kim dahil sa nawawalan siya lagi ng oras sakin. Lagi nalang kasi siya busy sa paglalaro ng online games niya nitong mga nakaraang linggo kaya di kami masyadong nakakapag usap



"Nakagawa ka na ba ng dapat mong gawin? Yung projects?"tanong ko sakanya at dahan-dahan siyang umiling kaya napatayo ako sa inis



"SIGE PAGTUUNAN MO NALANG NG PANSIN YANG ML MO!"inis kong sigaw saka siya iniwan don na halatang nagulat din, napairap ako habang naglalakad. Maya-maya ay may humila sakin at nasubsob ako sa dubdib niya, kinulong ako sa braso niya na agad namang nagpatunaw sa inis ko


'RUPOK'


"Sorry na babe, gagawa na ko basta wag ka ng magalit"malambing na sabi ni Kim at napairap lang ako




"K"sabi ko at natawa siya sa inasta ko




"I miss you, sorry kung nawawalan ako ng time sayo. Babawi ako"sabi niya kaya niyakap ko na din siya pabalik at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin sabay kalas dito, nasa school kasi haha





Joaquin's POV
Masaya akong nakakasama ko si Zi, sakanya ko lang talaga naramdaman yung gantong saya. Siguro kung nakilala ko lang siya ng mas maaga edi sana dati palang natunaw na niya ang lungkot ko haha. She is the one who can make me a better person at siguro naman matutuwa sila ate pag nakilala siya



"Tol lalim ng iniisip mo ah?"sabi ni Ariel at napatingin ako sakanya



"Gusto ko ng ipakilala si Zi kila mama"sabi ko at napaatras siya at halatang gulat



"Waki, may sakit ka ba?"sabi niya ag may pahawak hawak pa sa noo at leeg ko na parang tinitignan kung may lagnat ako



"Tol seryoso ako kay Zi, gusto kong makilala siya nila papa"sabi ko at napangiti siya sakin




"Alam mo tol, di ko inexpect na magiging ganyan ka, dahil dati parang impoible na mag seryoso ka pero ngayon napaka tino mo na"sabi niya sakin kaya napangiti din ako




"At dahil yon kay Zi"sabi ko at napatango siya, napatingin ako sa kakalabas lang na si Zi na tumatawa pa habang nagsasalita si Lochell. Napaka ganda ni Zi at alam kong madami siyang naagaw na atensyon mula sa mga lalaki pero ramdam kong ako ang nakakuha ng atensyon niya. Pagdadamot man pero gusto ko akin lang siya kahit wala pang kami




"Ang laki ng pinagbago mo"nakangiting sabi niya sakin kaya tinapik ko siya sa likod niya ng malakas, i mean hampas kaya napahawak siya sa likod niya at tumakbo ako dahil alam kong hahabulin niya ko



"PARANG MGA BATA"sigaw ni Lochell samin at napahinto saglit si Ariel kaya napahinto din ako, nag flying kiss yung gunggong kaya napangiwi si Loch hahaha




"SI ZI ATA YUNG BATA, LIIT EH"kaninang tumatawa na mahal ko ngayon napaka sama ng tingin kaya napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang sarili kong matawa sa itsura niya



"OGAG KA SABON, LIKA DITO PALILIITIN KITA LALO"sigaw ko kaya napatakbo siya dahil alam niyang hahabulin ko siya, i will revenge for my bebe




Pagkatapos naming maghabulan ni Ariel ay may klase nanaman kaya di ko nanaman makikita si Zi hays.. Pero akala ko lang pala yun dahil bigla siyang pumasok sa room namin at parang biglang nagkaroon ng tb mga kaklase kong papansin dahil ubo sila ng ubo



"EHEM KELEG SI WAKI"




"EHEM NANGINGINIG SI WAKI"


"EHEM KELEG EGG BALLS NI WAKI"



'TAENA NIYO?'



"EHEM MAKAKAPATAY AKO"pagpaparinig ko kaya tumahimik sila at natawa ang magagaling kong tropa pero si Zi ah parang walang nararamdaman grr




"LA KA TOL, WALA KANG EPEKTO KAY MISS SALUDES"sigaw ng kulang sa aruga na si Ariel kaya natawa lahat ng kaklase ko




"Tahimik"sa wakas na sabi ni Zi kaya natameme lahat, nagsulat siya sa blackboard at mga equation yon.



"Dahil wala ang teacher niyo ngayon ako ang pinababantay niya sainyo. Sagutan niyo yan, you have 30 mins to finish your work. You can start now"may authority niyang sabi kaya sumunod lahat, wala ba siyang klase? Napaka tahimik namin kaya napailing ako



"Mr Joaquin wag kang petiks"sabi niya kaya agaran akong kumuha ng papel at nagsagot, nakita kong natawa lahat ng kaklase ko hays




"Finish"sabi nung top 1 namin sa klase na si Garfield. Weird ng pangalan diba? Kasing weird niya. Nakita ko namang namula siya nung nagtama ang kamay nila ng bebe ko ng pinasa niya ang papel niya



"Lumabas ka na pusa"inis kong sabi kaya agad siyang lumabas ng room at tinaasan ako ng kilay ni Zi, nagkibit balikat lang ako at napairap siya


'Sorry Zi, I'm territorial. And no one is allowed to touch you but me, only'















__________________________
Sorry for the slow update. Babawi ako promise, labyu all!

Keep supporting and Enjoy reading~

Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now