No one
Binilisan ko ang kilos ko dahil andito si Rosas para hintayin ako dahil gusto daw niyang sabay kaming tatlo ni Loch, sa totoo lang kulang ang tulog ko dahil nahirapan nanaman ako matulog kagabi dahil sa kakaiyak..
"Bilisan mo na"sabi ni mamsi kaya lalo akong nagmadali, tinago ko ang blade na ginamit ko kagabi dahil baka makita ni mamsi. Pinunasan ko muna ang dugo don saka ko nilagay sa sewing kit
"Mamsi, baon"sabi ko saka niya ako binigyan ng 100 at hinalikan ko na siya sa noo bago puntahan si Rosas para makalarga na kami, si Khristalv ay tulog pa dahil nakipuyat siya sakin kagabi para mabantayan ako at para patulugin ako. Kaming dalawa lang kasi ang nakakaalam sa sitwasyon ko at ewan ko ba pag kinakantahan niya ko kumakalma sistema ko at nakakatulog ako
"Si Loch naman ang susunduin natin hehe"sabi niya kaya napatango lang ako dahil antok pa ang diwa ko
Pagdating namin kila Loch ay tulog pa ito kaya naman dinaganan siya ni Rosas at ako ay naupo lang sa upuan na katapat ang kama ni Loch
"Ah Rosas wag.."natawa ako ng onti dahil sa sinabi ni Loch
"Gaga! Mag ayos ka na"sabi ni Rosas kaya tamad na umupo si Loch at nakapikit pa
"Anong oras palang Rosas"sabi ni Loch ay hihiga pa sana pero hinila ni Rosas ang kamay niya
"Ok na, gising na ko. Lumayas ka na sa harap ko at maliligo na ako"sabi ni Loch kaya umupo na sa tabi ko si Rosas
"Ano? Napalayas ka?"sabi ko at napatawa naman siya sakin
Rose's POV
Ilang oras na kaming nag hihintay kay Loch pero ala padin, naliligo pa din siya kaya etong si Zi ay nakatulog na. Mukhang puyat to eh tapos may nakita akong parang tulo ng dugo sa may pants niya, sa bandang binti hanggang sa maging pahaba.."Teka ano to?"tanong ko sa sarili ko saka nilapitan ang binti niya
"Ano to? Sugat?"tanong ko pa din sa sarili ko kahit alam kong walang sasagot, hahawakan ko sana kaso dumating na si Loch
"Woi! Anong ginagawa mo diyan?"tanong ni Loch at nakabihis na siya, magsusuklay na lang at sapatos
"Look, may dugo"sabi ko sabay turo sa part na may bakas ng dugo kaya tinignan din niya
"What the.."napatigil kami kasi gumalaw si Zi at tinignan kami ng nagtataka
"What are you doing?"tanong samin ni Zi at tinuro namin yung may bakas ng dugo at napatingin siya don
"Shte"sabi niya saka lumabas
"What the fck is that?"nasabi namin ni Loch na may halong pag aalala
Wag sanang tama hinala ko, I know she is a great girl.
Joaquin's POV
Pagdating ni Rosas kasama sila Loch at Khriziara ay parang wala siya sa sarili niya, she looks like bothered.."Nag away ba kayo ni Rosas?"tanong ko kay Kim at napakunot ang noo niya
"No, I think dahil yan sa mga assignments at project"sabi niya at tinignan ko si Loch at ganun din ang itsura niya katulad kay Rosas, nakita kong parang nagpaalam si Rosas sakanila nung nakita niya kami. Tumango ang dalawa at pumasok na sila sa classroom
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza