Isn't she lovely
Andito na kami sa bahay, masyadong nakakailang kasi kanina pa kami tahimik mula sa daan hanggang dito. Naglakad lang kami kasi malapit lang naman hehe... Si Joaquin hindi makatingin sakin kaya natawa ako...
"Alam mo curious ako.."napatingin na ako sakanya dahil nagsalita na siya, nakatingin siya sa isang litrato na nakakalungkot tignan
"Bakit?"tanong ko sakanya pero di ko alam kung kaya ko bang masagot yung tatanungin niya kung meron man
"Is that your father?"tanong niya sakin kaya ngumiti ako ng tipid
"Yeah"sagot ko sabay tingin din sa picture ni papsi na nakatawa at ako na nakakandong sakanya na may ice cream sa bibig na makalat dahil tunaw na ito
"Where is he?"tanong niya kaya napakagat ako ng labi saka tumayo
"Ahmm wala ka na bang gagawin? hehe di ka ba papagalitan ng papa mo?"napakunot yung noo niya sa sinambit ko at lumipat ako ng pwesto yung medyo malayo sakanya, yung di niya mababasa ang lungkot saking mukha
"Seryoso ka ba? Ako papagalitan?"natatawa niya ng sabi kaya napakamot ako sa pisngi ko
"Hehe kasi mag fa-5 na"sabi ko kaya agad siyang napatingin sa relo niya at napabuntong hininga
"Mapapagalitan nga ako, kailangan ko pang nagsaing eh"natatawa niyang sabi kaya napangiti ako kasi di ko inaasahang marunong siyang magsaing..
"Haha sige na, ingat"sabi ko at pinatayo siya, sumilip siya sa may kusina kung saan nakatambay si mamsi at Khristalv
"Tita, alis na po ko"sabi ni Joaquin at ngumiti silang dalawa
"Sige ingat ka"sabi ni mamsi pero nakatingin lang si Khristalv sakanya
"Sige po hehe"naiilng na sabi ni Joaquin sabay tingin sakin na parang nagpapaalam kaya naglakad na kaming dalawa papunta sa gate
"Bye Zi"paalam niya at ngumiti lang ako at umalis na siya.. Napahinga ako ng malalim at ramdam nanaman ang lungkot sa sistema ko..
"Pa, bakit mo ba talaga kami iniwan?"
Kim's POV
YOWN! MA ISHESHARE KO NA THOUGHTS KO! PUAHAHAHA ANDITO KAMI NILA DREW KILA WAKI.. Inaantay kasi namin siya upang makibalita, wow puahaha lalim non!"WOI! LUTANG KA NANAMAN"sabi ni Ariel sabay tawa naman ni Drew
"Pake mo ba?"naiirap kong tanong kaya lalong natawa si Drew, narinig na naming bumukas yung pinto kaya alam na naming andyan na si Waki.. Napatingin si Ariel sa orasan niya
"5 na, mukhang walang balak umuwi"sabi niya samin at di nalang namin siya pinansin, di naman kasi siya importante haha, nakita na namin si Waki na malawak ang ngiti
"So kamusta naman? Mukhang wala kang balak na umuwi ah? Kundi lang kita tinawagan baka dun ka na natulog!"saway ko sakanya kaya napatingin siya sakin at natawa
"Ikaw bata ka! Ilang beses ka na naming sinasabihan na wag kang malelate ng uwi! Ano? Andun ka nanaman sa barkada ko nakikipag inuman?"pagsakay ni Drew sa trip ko kaya lalong natawa si Waki at lumapit na kami na parang batang excited sa kwento ni lola basyang...
.
"Ano? Kamusta naman?"panimula ni Ariel at sinabunutan ko siya dahil ang lame ng tanong niya
"Bakit ba?"inis niyang tanong pero inirapan ko lang siya
"Ano? Kayo na ba?"binatukan naman ako ni Drew sa tanong ko, haha nasaktan ata si mokong! Krass niya rin yun eh!
"Masaya ka?"tanong niya at napatakip ng mukha si Waki at di maitago ang kilig..
'Yak! Di bagay kay Waki kiligin'
"Sobra"sabi niya sabay kagat sa labi dahil nagpipigil ng ngiti, ay shet iba nato! Hindi siya ganyan kay Freya!
"Hahaha alam mo yun tol, parang ayaw ko ng umuwi eh"sabi niya kaya natawa kami
"Eh bat umuwi?"pambabara ni Ariel pero hindi yun pinansin ni Joaquin dahil masaya siya...
"Pero may napansin ako sakanya.."sabi ni Joaquin kaya natahimik kami
"What's that?"tanong ni Drew at magsasalita na sana siya pero bigl ang nag ring ang phone niya, tinignan niya yon pero pinatay niya lang phone niya
"Sino yun tol?"tanong ko sakanya at umiling siya samin
"Si Freya"sagot niya samin at tumingin ako kila Drew at Ariel
"Bat di mo sinagot?"tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya
Joaquin's POV
Tumawag na si Freya kanina at alam kong nabasa na niya ang text ko sakanya, nakipag break ako sa text.. Sunod sunod ang vibration ng phone ko pero tinigtignan ko lang kung ano tinetext niyaFr: Freya
Bakit ka nakikipag break? Please baby don't do this to me..Fr: Freya
Malapit na ang birthday ko eto ba gift mo?Fr: Freya
Hey! Please talk to me..Fr: Freya
May nagawa ba kong mali? baby please tell me..Fr: Freya
JOAQUIN ZANE MENDOZA! WHY ARE YOU NOT REPLYING TO ME?!Fr: Freya
Masakit baby.. Hindi ko kaya na palayain ka, may iba na ba?Fr: Freya
D@MN IT! ANSWER MY D@MN QUESTION!To: Freya
I'm just tired understanding you Freya, please nasasakal na ko. Just forget me. Let me go.._______________________
Aww..Sorry for giving you a short update, babawi ako.. Promise yiiee! Just wish me luck, reporting namin mamaya jusko.. Haha la lang, share ko lang uli puahahaha 😂 Wuvyu all <3
Keep supporting and Enjoy reading~
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza