Choice
Lumipas ang sunday kaya monday nanaman ngayon, tamad akong bumangon para gawin ang mga morning rituals ko. Si Khristalv ay tulog pa din dahil naririnig ko pa siya kagabi na parang nakikipag talo sa tamang formula sa math na gagamitin, may kausap yata siya sa phone kagabi, hays napuyat.. Nagbihis na ko saka nagpaalam kay mamsi
"Mamsi, alis na po ako"sabi ko at mukahang napansin niyang di ko kasama si Khristalv
"Nasan kapatid mo?"tanong niya sakin at napatingin kami sa lalaking nagkukusot mata pa halatang bagong gising
"Ate sorry, di kita masasamahan"antok pa niyang sabi at lumapit nalang ako sakanya para yakapin siya saka naman niya ako hinalikan sa gilid ng ulo ko
"Ayos lang, wag ka lang magpupuyat uli a'ight?"sabi ko sabay bitaw sakanya at ngumiti siya sakin sabay salute, hinalikan ko na si mamsi sa noo saka nagpaalam uli at narinig ko pang sinesermonan niya si Khristalv kaya napailing ako haha aga naman
Pagdating ko sa classroom mga may sariling mundo ang kaklase ko at andun din nakatambay sila Joaquin, Kim at Ariel? Bat wala si Drew?
"Uy Waki, andyan na krass mo"sabi ni Ariel kay Joaquin na busy sa pangnagalikot ng phone niya, at dahil sa tabi niya lang ang available na upuan ay doon ako umupo..
"Ano yan?"tanong ko sakanya dahil wala akong makausap, si Rosas busy kay Kim at si Ariel may kausap na babae tas si Loch ay late nanaman, napatingin siya sakin at nagulat pa
"Hehe hi"nahihiya kong sabi at kinagat niya ang labi niya saka ngumiti
"Hello Zi"nakangiting bati din niya kaya napatingin nalang ako sa phone niya dahil ang kyot ng smile niya.. Haha ano connect diba?
"Ah wala, may sinusubukan lang"parang nahihiyang sabi niya sakin haha ang kyot
"Uy tol bat parang nahihiya ka?"natatawang tanong ng bagong dating na si Drew kaya napatingin kami sakanya
"Nakakatulong ba ko para makasama mo krass mo?"segunda naman ni Kim kaya natawa si Drew at Rosas
"T-Tumigil nga kayo"natawa naman si Ariel
"Kailan ka pa nauutal?"natatawang sabi ni Ariel at biglang tumayo si Joaquin sabay hila sa kwelyo ni Ariel at hinila ito, huminto pa siya habang si Ariel ay nagrereklamo
"Balik na kami sa room"paalam niya habang nakatingin sakin at tuluyan ng hinila si Ariel pabalik sa room nila
"Hays ambagal talaga non. Balik na ko don"sabi naman ni Drew habang nakangisi at natawa naman si Kim at Rosas
"HALA LATE NA BA KO?"napatingin kami kay Loch na hingal na hingal pa at pumasok sa classroom
"Oo may assignment nga eh"sabi ni Josh na kaklase naman, haha totoo ba?
"Oo nga tas may pinagawang activity sayang taas ng points mo dapat dun eh"pagsakay naman ni Nielsen sa trip ni Josh kaya napahawak sa dibdib si Loch, napailing ako habang pinipigilang tumawa dahil naniniwala si Loch sakanila
"Atsaka be may recitation kanina"nakisakay na sabi ni Rosas at napasabunot si Loch sa buhok niya
"Hala gagi! Grades din yon amputs-"
"Joke lang hahaha"bawi nung mga kaklase ko kaya namula sa inis si Loch saka sasapukin sana si Josh pero tumakbo na ito kaya napatingin ito kay Kim na katabi ni Rosas na busy sa paglalaro ng kamay nito, yun nalang sinapok niya dahil malapit siya
YOU ARE READING
Joaquin's Regret (Regret Series 1)
Fanfiction"She loved me, she gave me the feeling of heaven but I tortured her by giving her the feeling of hell. Now she is gone, my angel left me now. Will she give me a chance if I already showed her the hell she did not deserve?"-Joaquin Zane Mendoza