Episode 5......

242 8 0
                                    

Vhong's P.O.V:

Secretary Kim: Bilang new member of Cloud Corporation ireregister kita para makapasok at makalabas ka sa building.

Vhong: Tataas ko lang po ba ang kamay ko ng ganito.

Secretary Kim: Wag kang masyado O.A. kapag papasok ka dito.

Vhong: Sorry po. Ganito po ba?

Secretary Kim: Ok na yan. Ito pirmahan mo ito.

Vhong: Ito na po ba ung contract?

Secretary Kim: Yes and you can start today .

Vhong: Ok po. Ahmmm. Wait po may salary rin po ako?

Secretary Kim: Oo naman syempre. Payag ka ba na libre na lang service mo?

Vhong: Di naman po. Akala ko po kasi ung medical support po ng kapatid ko ang magiging payment sa akin. Ang laki po ng nakalagay kasi na salary offer.

Secretary Kim: Part of benefits mo ang medical support kay Kale. Sabi nga sayo ni Ms. Anne special case ang sayo. Since pumayag ka na mag undergo ka ng testing and ikaw ang unang A.I.R special ang treatment sayo. Bukod sa salary at medical support kay Kale, magkakaroon ka rin ng sarili mong condo unit with complete appliances and service car. Simula ngayon un na ang gagamitin mo hanggang matapos ang contract mo sa A.I.R. and aside from that may food allowance plus clothing allowance ka rin. Gusto ni Ms. Anne na maging presentable ka sa lahat kapag kasama mo sya although presentable ka naman ngayon. Pero syempre kapag nagsimula na ang testing mas magiging presentable ka in public and as we all know Ms. Anne is a very popular so di ka dapat magmukhang boy pag kasama mo sya. So if titingnan natin parang wala ka na ngang gagastusin dahil sagot ng Cloud Corporation ang lahat. Pwede mo na nga lang ipunin sahod mo , ipadepost mo muna sa bank account mo if meron ka. Lahat ng iyon ay nakalagay dyan sa contract mo.

Vhong: Depende naman un sa magiging settings nyo sa akin di ba?

Jade: Pero syempre before ka namin iprogram dapat masanay ka na kumilos base sa millionaire life. Di kasi basta basta ang target market ng project A.I.R. Kaya dapat sanay na ang katawan mo at normal sayo ang pagkilos pero di masyado halata na program lahat sayo.

Vhong: Teka if temporary na delete ang memory ko edi makakalimutan ko rin yan.

Jade: Pero if naging habit at nakasanayan mo na un gawin hindi sya mawawala sayo. Ang idedelete lang for the meantime sa memory is your identity not the usual things that you are doing.

Secretary Kim: Parang body clock, kapag nasanay ka gumising sa ganung oras ang katawan mo mismo ang magtritrigger na magising ka ng ganung oras kahit na antok na antok ka. Ang tawag doon ay procedural memory. Ang katawan mo ay magfufunction base sa mga bagay na nakasanayan mong gawin. Kaya iuundergo ka ng training muna bago gawin ang testing ng actual program. Ang tatanggalin lang naman sayo for the meantime ay ang autobiographical memory mo pero syempre selective part dahil need iretain sayo ang identity ng kapatid mo.

Vhong: Ibig sabihin babaguhin nyo lifestyle ko kahit na di nyo pa ako naprogram para once na naset nyo na ako , sanay na ang katawan ko sa new identity and lifestyle na iuunder go sa akin.

Jade: Exactly. Isipin mo na lang nasa part ka ng training period ng application mo.

Secretary Kim: Sign na dito after mo mag sign follow me.

---- Dinala ako ni Secretary Kim sa Research and development area nila. Pagdating namin sa area pinapasok nya ako sa isang room na may glass table sa gitna at napapalibutan ng upuan.

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon