Episode 35...

196 13 7
                                    

Conan's P.O.V.:

Jewel: Sabi na nga ba at andito ka. 😊 Ang aga pa Babe ...... Di ba mamaya pa open ng store?

Conan: Well..... Let us say na inaaliw ko lang sarili ko and masaya ako sa tuwing ako mismo nag-aasikaso sa favorite nating unli dessert store. 😊 Wait may gusto ka ba?

Jewel: Don't worry about me..... 😊 Ok lang ako. Look at this place ang laki na ng pinagbago simula noong binili itong lugar. Mas marami ang pumupunta and nakikilala na itong place na ito.

Conan: And you are one of the reason kung bakit lalo naging attractive itong lugar. Kung hindi dahil sa mga magic art interior touches mo hindi magiging ganito kaganda ang store.

Jewel: Anything for you.

----- Binili ko itong unli dessert store mula sa dating may-ari na nagkataon kaibigan ng pamilya nina Jewel dahil ayokong tuluyang magsara. Malaking parte ang lugar na iyon sa kung anong relasyon meron kami ni Jewel ngayon. Dito ko sya noon dinadala kapag bad mood sya, kapag nagkakatampuhan kami. Dito ko din unang inamin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. Sabihin natin na binili ko itong lugar na ito not just for business but as a gift to us. For me kasi, itong lugar na ito ang naging witness kung paano naggrow ang relationship namin. 😊 Matagal na kami di nakakapunta sa lugar na ito kasi kailangan ko magpagamot sa ibang bansa. Akala nga daw ni Jewel di na ako magigising kaya naman tuwang tuwa sya nung dumilat ang mga mata ko. Under recovery pa ako nung nalaman ko sa kanya na ibinebenta itong unli dessert store pero agad kong binili ito para na rin sa kanya. 😊 At dahil napakasupportive ng girlfriend ko, sya ang nagpresenta na pagandahin pa lalo ang lugar kaya naman lalo itong naging special ang lugar na ito para sa akin.

Jewel: Babe remember 1 month lang tayo dito sa Pilipinas. Babalik na tayo next month sa Vancouver.

Conan: Bakit decided ka na ba talaga na hindi mo tatanggapin ung project?

Jewel: Ha?

Conan: Narinig ko sina Auntie nung isang gabi, ang gusto nila tanggapin mo ung project hindi lang para sa iyo kundi para sa bestfriend mo.

Jewel: Kailan ka pa natuto makinig sa usapan ng may usapan?

Conan: Marami ang may gusto na lumagay sa posisyon mo ngayon. As per my research di basta basta makapasok sa company na un dahil talagang mataas ang standard nila in terms of choosing their employees. Bakit ayaw mo munang itry? Besides bestfriend mo naman ung isa sa big boss so malamang magkakasundo kayo.

Jewel: We have plans right?

Conan: Wala naman akong sinabi na hindi natin itutuloy. 😊 The wedding, building our dream house, continuing our business, all of that. Lahat un itutuloy natin. Magkakaroon lang ng kaunting changes.

Jewel: Changes?

Conan: Instead sa Vancouver ang magiging garden wedding natin bakit hindi na lang dito sa Pilipinas para hindi na babyahe sina Auntie at saka andito ung mga malalapit sayo. At maiinvite na natin ung bestfriend mo. Bakit hindi sya ang gawin mong maid of honor mo? 😊

Jewel: Babe! Bakit ba parati mong ipipilit yang idea na yan?

Conan: 😯 Babe ..... Ikaw lang naman ang iniisip ko...... Ayoko naman na mastress ka sa pagtravel and sa pagprepare sa wedding natin lalo na sa kalagayan mo ngayon. At least if andito tayo sa Pilipinas pwede mo magawa ung bagay na gusto mo by accepting their offer and may magbabantay sayo dahil andito family mo habang inaayos ko ung business natin dito. Ayoko lang naman mahirapan ka. 😯 Naisip ko kasi if sa ibang bansa tayo magprepare at magplaplano para sa wedding natin baka lalong mastress ka at saka wala magbabantay sayo habang wala tayo. Wala ka kasama doon.

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon