Anne's P.O.V:
---- Di ako masyado nakatulog dahil sa nangyari........ Naglalaro pa rin sa isipan ko ang boses na narinig ko. Pilit kong inaalala kung paano nangyari un pero parang imposible........ Na maaring baka posible dahil nawalan ako ng malay pero paano?
Nakarating na ako sa office pero di ko magawa pumasok sa loob ng building. Isang oras at kalahati na ako nakaupo sa loob ng kotse at hindi bumababa. Parang di ako matatahimik sa dami ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Kaya nagdecide ako na ipacancel lahat ng appointments ko at hanapin ang sagot sa lahat ng tanong ko. Chineck ko ang tracker pero ang nakakapagtaka bakit di ko matrack kung nasan si Vhong? Ang sabi ng kausap ni Vhong kagabi ay magkita sila sa lab ng umaga. Pero saan ang lab?
Minsan tadhana na rin ang gagawa ng paraan para masagot ang tanong natin. Katulad ngayon, kitang kita ko si Vhong na naglalakad sa loob ng parking papasok ng building. Di ba sya pupunta sa lab? Ang sabi may appointment sya. Tahimik ko syang sinundan papasok ng building. Sumakay sya sa last elevator. Syempre di ko sinabayan at baka mamaya eh makita ako noh! Huminto ang elevator sa 7th floor. Teka bakit doon? Ang alam ko under renovation ung area na iyon? Doon ang ginawa ung testing sa kanya.......... OMG!!!!
Kaya naman nag elevator ako from basement 3 to 5th floor at saka ako umakyat ng hagdan from 5th to 7th floor kahit nakatakong ako. Ang alam ko hindi humihinto ang elevator sa 7th floor pero bakit napahinto nya doon. Pagdating ko sa 7th floor...........
Syempre hinihingal ako eh........ Mataas eh tapos nakatakong pa ako masakit sa paa...... Tapos OMG !! pinagpawisan ako........
Anyway........ dahan dahan kong binuksan ang pinto. Medyo madilim sa area kasi alam ko under renovation pa ito. Naglakad ako ng dahan dahan hanggang sa marinig ko ang boses ni Vhong at may kausap siya. Kaboses ng kausap nya ang tumawag sa kanya kagabi kaya naman nagtago ako at nakinig sa kanilang usapan.........
Vhong: Pasensya na po hindi po ako nakakasagot ng tawag or message. May inaasikaso po kasi ako pero ginagawa ko pa rin naman ung trabaho ko sa office at pati na rin ung responsibilidad ko kay Anne........
Secretary Kim: Vhong alam mo naman na di mo dapat pinuputol man lang ang communication pati ang system check namin sayo. Delikado yan sayo. Ano ba nangyari? kumusta pakiramdam mo?
Vhong: Ahmmmm...... Ok naman po ung scanner and vision ko. Lahat ng sinasabi ni Anne nareregister din sa akin kaya nafifilter ko po agad at nareregister ko ung command pati ung additional command nya na inadd nyo sa akin last time. Kaya naman madali ako matrigger kapag may mali sa ginagawa ko or nastop ung speech settings ko kapag di na dapat sumagot or may mali na akong sasabihin. Pero baka pwede nyo pabilisin ung data loading ko kasi last time marami kami kausap ni Anne sa party may times na nagloloading ako kahit nung kausap ko Daddy ni Anne eh. Ayoko mapahiya si Anne.
Dave: Mapahiya ka dyan? Ano ka ba naimpress mo nga daw pati Daddy ni Anne....... Ang sabihin mo gusto mo humanga si Anne sayo.
Secretary Kim: Masyado mo yata ginagamit ang Memory storage mo ano ba itong mga dinownload mo na data.
Vhong: Ahmmmm......... Ano po........ Ahmmmm.......
Secretary Kim: Vhong hindi kaya yan dahilan kung bakit mabilis ka malowbat ngayon or nagiging absent minded? Baka mamaya habang nasa gitna ka ng meeting eh puro downloading ka ha....... Kaya ka may Eye screener para mabilis mong mabasa ung kailangan na response at ung nakaprogram sayo hindi ung magdodownload ka pa.
Vhong: Hindi po ha! For additional input lang po yan at saka may hinahanda po kasi ako para kay Anne...... Pero alam nyo po sa tuwing may bago kayong command, input, changes sa settings ko or may additional info ako about kay Anne bigla po ako nahihilo tapos napapansin ko sumasakit po ng bahagya ung ulo ko.
BINABASA MO ANG
A.I. (Artificially Inlove)
Ciencia FicciónSa panahon natin ngayon lahat pwede na magawa in just a click of a button....... Pero paano kung puso na ang usapan........ Magagawa nga ba kontrollin ng isang tab card ang puso? Magagawa bang baguhin ng isang tab card ang dinidikta ng puso?