Episode 11......

202 6 0
                                    

Anne's P.O.V:

---- Ilang linggo pa ang lumipas at nagiging maganda ang progress ni Vhong..... I mean ni Ney...... In fairness ha! Lahat ng sinet kong characteristic nya as may A.I.R ay nagagawa nya. Sweet, mabait, caring...... lahat na 😍 😚 Feeling ko ang haba ng hair ko. 😊

At katulad ng plano pinakilala si Vhong bilang Head ng advertising company ng one of affiliate ng Cloud Corporation na nakabase sa Sydney. Unti unti na rin syang kumikilos ng parang normal. Kahit na minsan parang naghahang sya dahil parang natutulala sya ng ilang minuto bago magresponse sa mga tanong or di kaya sa command ko. Sabi ni Secretary Kim, normal lang daw un dahil sa nagscan pa ito ng data pero winowork out nila ni Dave na mapababa sa seconds ang scanning at pagprocess ng data na nagagather nito para mas mabilis and accurate ang response ni Vhong.

And I think I should start the show 😉......... The show that I've been waiting for.

Kailangan ko na ipakita sa lahat that I have a perfect Boyfriend. Nang makarating ang balita sa Ivan na un na nakamove on na ako at may kapalit na sya.

- Phone Ringing-

Vhong: Hi Ney....... Goodmorning.......

Anne: Hi Ney......... Nasa unit ka ba ngayon?

Vhong: Yes....... Why miss me?

Anne: Ahmmmm....... sort of...... naisip ko kasi na since weekend naman and hindi ka busy so can I spend this day with you?

Vhong: Sure....... I'll be there after an hour. I'll pick you up. I love you........

---- So let's begin the true dry run. I should appear in public together with my boyfriend. Pupunta ako sa public place para naman pakita sa lahat na kaya kong mag move on agad at pagsisisihan ng Ivan na un ang iniwan nya ako. So I have to impress everybody since ito ang magiging unang public appearance ko with my Ney .......... But I have to look natural so I choose to wear short and sleeveless white shirt. Fix my hair and of course light make up. Foundation and lipstick ok na. Maya maya pa ay kumatok sa kwarto ko si Secretary Kim to inform me na andyan na si Vhong. Just another look at the mirror kailangan mapawow siya kapag nakita ako.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si Vhong na nakatalikod at nakatingin sa garden. Agad ko siyang tinawag at lumingon agad sya sa akin at ngumiti. Pero imbis na sya ang matulala sa look ko bakit parang ako yata ang natulala sa kanya.........

He is wearing a longsleeve shirt, pants and sneakers which fits him well. Hindi halata ang body base at ang green indicator ng scanner nya sa suot nya. And those hairstyle makes him look hot............... Bakit parang araw araw eh pagwapo ng pagwapo sya sa paningin ko..........

Vhong: Wow ang ganda talaga ng Ney ko. Flowers for the most beautiful girl who is standing in front of me.

Anne: Thank you .......... Ney..........

Vhong: So saan mo gusto pumunta? And ano gusto mo gawin?

Anne: Ahmmmmm......... ano .......... ahhhhh.........

Vhong: Ok........ ako na bahala.......... Just hold my hand and I'll make your day complete .........

------ Hinawakan nya ang kamay ko at nagpaalam sya kay Secretary Kim bago kami umalis. Kasabay ng paglalakad namin papunta sa kotse nya , ang pagbilis naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa bilis namin maglakad kaya ganito kabilis tibok ng puso ko o dahil sa hawak na naman nya ang kamay ko. Ito na naman sya!!! Naasar na ako. Nang makarating kami kung saan nakapark ang kotse nya ay agad nyang binuksan ang pinto para sa akin. Pwede ba kumalma ka lang! Bakit ang bilis ba ng tibom ng puso ko? Pumasok ako agad sa loob ng kotse at baka kung ano pa mangyari. Di ko magawang tumingin sa kanya hanggang sa makasakay na rin sya sa kotse. Napansin ko na parang nakatingin lang sya sa akin. Parang kasi kapag lumingon ako sa kanya makikita ko na naman ung ngiti nya na nakakatunaw!

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon