Episode 2......

368 9 2
                                    

Vhong's P.O.V:

Kale: Kuya busog na po ako.

Vhong: Kaunti na lang ayaw mo pa ubusin. Sige ka lalo ka magtatagal dito.

Kale: Ayoko na po eh.

Dave: Dapat nakikinig ka sa Kuya Vhong mo.

Kale: Kuyakoy........

Dave: Musta na? May pasalubong ako sayo. Ubas.... Seedless yan.

Kale: Wow salamat po.

Vhong: Nag abala ka pa salamat ha....... Kale dahan dahan ha.

Dave: Ano na sagot mo?

Vhong: Saan?

Dave: Doon sa offer ko?

Vhong: Ha? Un ba.........

Dave: Pre look malaki makukuha mo dito. At saka malamang pwede ka pa makapagdemand kasi lahat nakasalalay sayo.

Vhong: Pre para kasing.........

Dave: Isipin mo na lang kalagayan ni Kale. Look pwede mo hilingin na mapagamot si Kale sa ibang bansa at suportahan sya. Rare case ang congenital heart disease ni Kale. At di ba sabi ng doctor hanggat maaga pa at bata mas maganda na maoperahan?

Vhong: Pero sabi 50 50 chances un. Rare case ang congenital heart disease nya. Si Kale na lang natitira sa akin. Sa akin sya hinabilin nina Tatay at nanay bago sila mamatay kaya ayokong isaalang alang ang buhay nya. Baka maekspirementuhan lang sya dahil sa condition nya.

Dave: Ano ka ba naman ? Doctor na mismo nagsabi sayo na mas maganda mapagamot sya sa ibang bansa dahil mas advance ang technology doon kaysa dito sa Pinas. Pwera lang kung pangarap mo pa rin na ikaw mismo ang gagamot kay Kale.

Vhong: Hindi ako nakapag enroll. Di ako nakaabot sa enrollment at saka lumalaki gastos ngayon. Madalas kasi maconfine si Kale. Kailangan din minsan na magpalaboratory para sa checking ng condition nya. CBC, plate counting, 2d echo...... Buti nga nakapasok kami sa class d category ng ospital. Kaso kulang pa rin. Kaya dinodoble ko na lang trabaho ko. Minsan binibilin ko na lang sya sa nurse eh o kaya sayo minsan. Next sem na lang ulit try ko ituloy syempre iba na pagdegree holder at pangarap ko talaga maging doctor eh. Wala din kasi magbabantay at mag aasikaso kay Kale eh kaya blessing in disguise na rin siguro na di ako nakapag enroll. At saka kung tatanggapin ko offer mo sino magbabantay at mag aalaga kay Kale?

Dave: Ako bahala. Tanggapin mo lang ang offer ko. Lahat ng problema mo sigurado solve. Ikaw una ko naisip dahil alam ko kailangan na kailangan mo. Mapapagamot mo na kapatid mo , mapapagpatuloy mo pa pag aaral mo.

Vhong: Pero di ba sabi mo lahat makakalimutan ko. Ibig sabihin pati si Kale?

Dave: Saglit lang un. After naman matapos ung project at kung ano man papagawa sayo eh pwede naman na sabihin natin if pwede ibalik ang memory mo sa dati para makabalik ka na rin sa normal mong buhay. Sabihin mo un sa terms and condition mo. Sabi ko nga pwede ka magdemand dahil ikaw gagamitin para sa testing.

Vhong: Paano ung bayad?

Dave: Sabi ko nga sayo walang problema sa bayad. Pwede ka pa nga magdemand. Gusto mo ang idemand mo mapadala si Kale sa ibang bansa at ipagamot. Isupport ang pagpapaopera hanggang recovery stage ni Kale. Ganito bibigyan pa kita ng buong gabi mag isip. Ilista mo lahat ng condition mo kapag pumayag ka. Bukas babalik ako para sa final answer mo. Isipin mo si Kale .......Pre.... Kale alis na ako dalaw na lang ulit si Kuyakoy ha busy kasi. Ano gusto mo na pasalubong ha?

Kale: Laruan po. Thank you Kuyakoy..... Kuya kain ka masarap.

Vhong: Ok na naman pakiramdam ng bunso namin ha!

Kale: Kuya bukas ba lalabas na tayo?

Vhong: Depende pag sinabi ng doctor.

------ Baka nga tama si Dave. Bestfriend ko si Dave. Sabay kami lumaki kaya kilalang kilala namin ang isa't isa. Alam nya lahat pati problema na pinagdadaanan ko. Gusto ko sana patulan ung offer nya kaso sino mag aalaga kay Kale.

Si Kale ay tinuturing kong blessing sa pamilya namin. Nag iisa ko lang syang kapatid at sya ang pinakadahilan ko ngayon kaya nagsisikap ako. Siya na lang kasi naiiwang alaala nina Nanay at Tatay kaya kayamanan kung ituring ko sya. May congenital Heart disease si Kale, tetralogy of fallot ang tawag sa case ng congenital heart disease niya. Kailangan maoperahan na sya hanggat maaga pa. As per doctor, ito ang tamang edad na maoperahan si Kale. Di na pwede patagalin pa dahil mas magiging kumplekado at mahihirapan si Kale. Gusto ko maging doctor para ako mismo gagamot kay Kale kaso mukhang di na nya mahihintay. Nastop muna ako kasi mas kailangan ng pera at atensyon ngayon ni bunso.

Di ko alam kung saan ako kukuha ng pera pang paopera kay Kale. Malaki ang gagastusin sa operasyon hanggang makarecover si Kale. Kaya nung lumapit sa akin si Dave at nag offer ng tulong gusto ko na sana igrab ang opportunity kaso............ isipin ko pa lang ang kapalit parang di ko kakayanin. Buhay ng kapatid ko kapalit ng pagbura ng alaala ko sa kanila. Pero sa tuwing nakikita ko si Kale na nahihirapan sa tuwing kinukuhanan sya ng dugo at kung minsan ay hinihingal dahil sa pagod sa kahit kaunting kilos , parang mas nanaisin ko pa ipagpalit ang sarili ko kaysa mawala sya. Mas nanaisin ko pa na mabuhay sya kapalit ng buhay ko. Kung un lang ang paraan madugtungan lang ang buhay nya gagawin ko.

Vhong: Hello...... Dave ........ San ka na? Payag na ako kailan ba natin sya pwede kausapin?

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon