Anne's P.O.V:
---- So pwede ko subukan if totoo nga sinasabi nina Secretary Kim and this time hindi na nila ako maiisahan. Pero asan kaya sya? Nakaoff ung tracker nya...... Dapat ata sa susunod lalagyan ko na ng tali o kadena ung paa nun eh para di lumalayo o kaya lagyan ko sya ng alarm settings na kapag more than 5 meters na sya sa akin bigla na lang sya mag aalarm.
Pero asan kaya sya? Teka nga muna bakit parang ako pa ang naghahabol sa kanya. Dapat nga sya ang guilty eh hindi ako. Nagsinungaling sya sa akin eh! Kaya bahala sya!
Pumunta ako sa ospital kung saan nakaconfine si Kale. Teka ha........ si Kale ang pinunta ko hindi para magbaka sakali na andun siya. At kung andun sya di ko sya papansinin.
Pagdating ko sa room ni Kale, naabutan ko si Kale na pinapakain ng isang medyo may edad na babae. Nakangiti ito sa akin kaya sinuklian ko rin ng ngiti ito. Siguro sya si Yaya Matilde. Tuwang tuwa si Kale na makita ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Vhong na nakahiga at natutulog. Eh ano ngayon? Si Kale ang pinunta ko dito.
Nakipaglaro ako kay Kale at ako na rin nagpatulog kay Kale pero hindi pa rin nagigising si Vhong. Nagtutulog tulugan ba sya at bakit di sya magising sa ingay namin ni Kale.
Yaya Matilde: Lagi na lang sya ganyan sa tuwing pumupunta sya dito parang parating pagod. Nakikipaglaro lang kay Kale at kwentuhan sandali sa akin mamaya tulog na.
Anne: Kayo po ba si Yaya Matilde? Ngayon ko lang po kayo nakita sa personal.
Yaya Matilde: Opo Ms. Anne......... Ako po ay tiyahin ni Dave at nagtratrabaho po ako dati sa isa sa factory po ng Cloud Corporation. Nang sinabi ni Dave na naghahanap po kayo ng pwede mag alaga kay Kale eh agad po ako nagprisenta, tutal kaya pa naman ng katawan ko magtrabaho.
Anne: Salamat po. Hindi po ba kayo nahihirapan mag alaga dito sa baby namin.
Yaya Matilde: Naku hindi po. Mabait po si Kale katulad ng Kuya nya.
Anne: Gabi gabi po ba dito natutulog si Vhong?
Yaya Matilde: Opo...... aalis lang po ng maaga dahil kailangan nya pa raw po maghanda sa pagpasok. Nung isang gabi nga po naawa ako ng dumating sya para po kasing pagod na pagod. Ginawa nya tuloy pantulog ung maganda nyang damit.
Anne: Para po ba syang galing sa party?
Yaya Matilde: Opo.......
---- Kung ganun di talaga sya nakatulog sa parking kundi dito sa ospital sya nakatulog. Lumabas muna saglit si Yaya Matilde para bumili ng kailangan ni Kale. Naiwan kaming tatlo sa loob ng kwarto. Ako lang gising nung mga oras na iyon. Mahimbing na natutulog si Vhong at Kale. In fairness magkapatid nga talaga sila dahil pareho sila ng position matulog. Kung paano sila nakatulog wala nang galawan hanggang magising. Inilipat ko ung upuan malapit sa sofa kung saan nakahiga si Vhong. Cute pa rin sya kahit tulog. Nakatago sa loob ng damit nya ang lightning indicator nya. Hindi pala minsan halata ung lightning indicator ng body base nya. Red kaya ang kulay ng indicator nya habang natutulog sya para magcharge? Lumapit ako lalo sa kanya para silipin ang indicator nya sa loob ng damit nya. Baka kasi mamaya hindi na pala connected ung body base nya at nagpapanggap lang sya. Pero kagabi nakita ko na habang nagdadata search sya ng data ay nakablue ang indicator ng scanner nya kaya ibig sabihin connected ung body base nya sa kanya o baka natatanggal nya?
Vhong: Ney masyado ka naman close.........
Anne: Vhong........
Vhong: Ano ginagawa mo? Akala ko ba Sex is something that is done after the wedding. In short no premarital sex. Bakit parang may gagawin ka sa akin na di maganda?
BINABASA MO ANG
A.I. (Artificially Inlove)
Science FictionSa panahon natin ngayon lahat pwede na magawa in just a click of a button....... Pero paano kung puso na ang usapan........ Magagawa nga ba kontrollin ng isang tab card ang puso? Magagawa bang baguhin ng isang tab card ang dinidikta ng puso?