Episode 40......

213 16 5
                                    

Anne's P.O.V:

Secretary Kim: Flowers at may gift pa. Anong laman nyan?

Anne: Wait! Basahin ko muna ung nasa card...... 😄

" To: Ms. Anne

I really enjoyed our conversation. Thank you sa time na ibinigay mo sa akin. Sana maulit ulit un. Sorry nga pala sa nangyari nung last time and thank you sa pag-assist sa akin.

P.S.

Kahapon nakita ko hawak mo itong book. Think of this as a simple gift to express my gratitude. Maganda ang story na ito! Hope you like it and sana katulad ng bida sa story na ito magawa sanang makabalik sayo ng taong mahal mo. Kung sakaling bumalik sya sana magawa mo na sabihin sa kanya kung gaano mo siya kamahal. "

- Conan-

Secretary Kim: Book? The Vow?

Anne: Yes! The Vow by Nicholas Sparks. Story ng couple na naaksidente then paggising nung girl wala syang maalala tungkol sa husband nya. Lahat ng tao na nasa paligid nya kilala nya except sa husband nya. Wala syang naaalala regarding sa kasal nila, regarding sa kung ano ang relasyon nila, lahat ng happy memories nila magkasama, lahat ng nang tungkol sa husband nya at lahat un nawala sa isang iglap. Ang last memory na meron sya ay ung memory nya nung college pa siya at ung first love nya. Pero hindi sumuko ung husband nya, sinubukan nya lahat para maalala sya ng asawa nya. Kahit mahirap at parang wala nang pag-asa ginawa nya lahat maalala lang siya ng wife nya. Hindi sya sumuko for the sake of their love and their vow sa isa't isa...... To fulfill their vow...... Sa huli hindi na talaga sya naaalala ng wife nya ....... Nagkahiwalay muna sila saglit. Hinanap ang landas na para sa kanila ng magkahiwalay. Pero alam nyo nagawa ng wife nya na makabalik sa kanya, parang nagstart ulit lahat. Nagkita ulit sila. Nagawa syang mahalin ng wife nya kahit hindi nito naaalala na naging sila talaga, ang tungkol sa kanila. Naging sila ulit at nagsimula ulit sila....... Tapos nagkaroon ng pamilya and they live happily ever after.....😊

Secretary Kim: Alam mo na pala story bakit gusto mo pa basahin?

Anne: Kasi hindi naman lahat naiipalabas may mga bagay na hindi naiisama. Deleted scenes....... Pero ung mga deleted scenes na iyon ang madalas na pinakamagagandang eksena na mas mabibigay kulay sa story...... Gusto ko malaman pa if paano nagawang makabalik nung wife sa husband nya kahit hindi nya ito maalala. Paano ang puso ang gumawa ng paraan para ituro ang tamang daan pabalik bagay na hindi nagawa ng isipan.......

Secretary Kim: Akala ko ba naging mystery shopper ka kahapon bakit naging mystery date pala ang naging peg mo?

Anne: It's not a date! 😄

Secretary Kim: Eh ano tawag doon?

Anne: A friendly conversation! 😄

Secretary Kim: Naks ! Lakas makateenager!

Anne: Ang bango naman ng flowers and take note....... Roses...... 😄

Secretary Kim: So anong gusto mo sabihin?

Anne: Alam nyo po may times na parang nagloloading sya lalo na kapag may binabanggit ako na parang familiar sya.

Secretary Kim: So?

Anne: 😁

Secretary Kim: Naku po binibigyan ng meaning paano kung mali ka sa interpretation mo?

Anne: I know Vhong a lot compared to her. 😉

Secretary Kim: Pero hindi natin alam if ano talaga ginawa sa kanya baka mamaya ginagamit sya against you kaya mag-ingat ka.

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon