Episode 50.......

235 11 7
                                    

Anne's P.O.V:

------ Anong oras na pero tulog pa rin sya! Late ko na nga sya pinuntahan eh ! Pagdating ko di pa rin sya gising! Buti talaga hindi ko pa binabalik duplicate key ng unit ni Vhong kay Baste eh!

Pagpasok ko sa unit ni Vhong dumiretso ako agad sa kwarto nya at kinatok ko pinto ng kwarto nya......

Anne: Ney gising na! Vhong? Labas ka na dyan! Mamimili tayo at magprepare pa ........ Dapat 4p.m. nasa bahay na tayo kasi magluluto pa and....... Ney! Naririnig mo ba ako? Ney?

---- Dahan-dahan ako pumasok sa kwarto nya......

Haist! Naku! Itong lalaking ito talaga! Nakakulakbong pa ng kumot!

Anne: Ney! Gising na ! Anong oras na!

Vhong: 😩 Goodmorning....... 😪

Anne: Uy! Bangon na!

Vhong: 5 minutes......

Anne: 5 minutes ka pa dyan! Vhong naman marami pa tayo gagawin...... Mamayang gabi na dating nina Kale.....

Vhong: 😩 Ok......

Anne: 😨

Vhong: Bakit?

Anne: Magbihis ka nga! 😖

Vhong: Papasok pasok ka dito tapos ganyan ka ........ 🙄

Anne: Bakit ba kasi nakaganyan ka eh ang lamig lamig kagabi! Kaya ka nagkakasakit akala mo naman ang taba-taba mo! 😖

Vhong: Eh bakit ba nakakumot naman ako ha? Masama bang matulog ng shirless at boxers lang! Mainit kaya kagabi!

Anne: Ayusin mo sarili mo ha! 30 minutes! 😡 Hihintayin kita sa labas.......

----- Kaya nasusumpit ng lamig eh! Lakas ng loob magshirtless sa pagtulog!

Ngayon ang dating nina Kale at Daddy....... Sa wakas magkikita na ulit sila.... Alam ko excited si Vhong pero mas excited ako para kay Kale...... Iniisip ko pa lang reaksyon ni Kale natutuwa na ako..... 😊

Anne: Oh bakit ganyan ka? Kanina ka pa tahimik......

Vhong: Wala naman...... Nilalamig lang ako.... 😐

Anne: May sakit ka na naman ba? 😯 Napapadalas ata pagiging sakitin mo.........

Vhong: 😊 Wag ka mag-alala ok lang ako..... Parang ang dami ata nating binili? 🤔 Di ba iilan lang tayo? Lulutuin yan lahat? Sino magluluto?

Anne: Ikaw! 😄

Vhong: 😖 Prito at torta ba ang lulutuin?

Anne: Syempre ako at sina Yaya Matilde...... 😊 Ngayon lang ulit kayo magkikita ni Kale kaya dapat isang masaya at bonggang dinner..... 😊

Vhong: Makakausap ko pa rin ba kapatid ko?

Anne: Bakit?

Vhong: Lagi sya kasama ng Daddy mo..... Kung saan saan na sya nakakarating baka mamaya English speaking na sya...... Naku magkakasakit lalo ako! 😟

Anne: Un talaga inintindi mo eh noh! Yan andito na tayo...... 😊 Baba na.....

----- Sinalubong kami nina Secretary Kim pagdating sa bahay....... Tumulong ako sa pagpreprepare ng pagkain habang si Vhong naman ay umakyat sa kwarto ni Kale......

Pagkatapos namin maghanda ng pagkain ay inayo ko naman ang sarili ko..... 😊

Kanina pa hindi bumababa si Vhong , bakit kaya? 🤔 Sinilip ko si Vhong sa kwarto ni Kale at nakita ko sya na nakaupo sa gilid ng kama..... Nakatingin sa phone nya at tila malalim ang iniisip..... Nung mapansin nya na papalapit ako agad nyang tinago ung phone nya..... Nagtaka ako kung bakit pero hindi ko sya nagawang tanungin.......

A.I. (Artificially Inlove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon