Chapter 72

4K 88 0
                                    

Ericka's POV

Naawa na talaga ako ng sobra sa mga pinsan ko..nung una si Akira ang nakuha nung mga bwiset at walang hiyang kalaban tapos ngayon si Gail na naman....anong klaseng buhay na ba ang gusto iparanas samin at puro nalang kamalasan ang dumarating??kakagaleng ko lang ng states...dun ako naatasan para bantayan at hintayin ang resulta ng lahat ng mga test na ginawa kina Alleah at Akira para na rin makahanap ng panlaban sa drogang tinurok sa kanila...at yun na nga nakahanap na ng panlaban...and im happy for that pero nang malaman ko ngayon lang na nawawala si Gail...di ko na alam kung ano ang mangyayari sa kanya...baka pag nalaman din ito ni lola ay atakihin na naman sya...

"Okay ka lang??"napatingin ako kay Elaina...

"I'm fine...di ko lang talaga kayang maniwala na nawawala si Gail..na nagawa syang kunin ng kalaban ng wala man lang kalaban laban..."sabi ko...

"You know what??let's just say that Gail was always be Gail...di nya kayang may masasaktan kaya mas minamabuti nyang magsakripisyo...lalo na pagdating sa mga kaibigan nya..."sabi naman ni Elaina...yeah I know that...sinabi na yan sakin nung Mina kanina..sya daw ang kapalit ni Gail...pinakawalan sya kapalit ni Shan but Gail insist to go with them para lang maligtas si Shan at pati na rin si Mina...

"Kaya nga nakakatampo eh...excited pa na man akong makausap sya ngayong oras na to...pero nung malaman ko yun.."huminga ako ng malalim.."pero ng mabalitaan kong nakuha sya ng mga kalaban...pakiramdam ko napakaselfish ko......im happy kasi sa wakas nagkita na kami ni mama...alam mo akala ko talaga patay na sya....pero buhay sya Elaina...gustong gusto kong sina Shan at Gail ang unang makakaalam nun pero di ko masabi dahil wrong timing eh..."sabi ko pa....

Buong buhay ko...sila ang naging pamilya ko...nasabi ko na ba na kinupkop ako nina tita Rackle..ang kumopkop sakin....namatay sina mom and dad dahil sa nangyaring pagsabog sa laboratory kung saan sila kasali sa isang experimento na pinangungunahan ni lola...nasa pilipinas nun si lola dahil may importante syang meeting kaya sina mama at papa ang namahala sa laboratory....at may nangyari daw nun at biglang sumabog ang laboratory marami ang namatay...buong akala din ni lola namatay sila mama at papa dahil nasunog ang buong building but thankfully buhay si mama pero di naligtas si papa....at ngayon nagkita kami....ansaya ko pero sina Shan ang nagsusuffer dahil nag aalala sila sa bawat oras na di namin nababawi si Gail...pwede nilang gamitin ito laban samin....at alam kong di na yun kakayanin ni Shan...super close sya kay Gail at lahat ng desisyon nya kay Gail nya sinasabi....at kung magkataon nga na mangyari yung mga iniisip ko...ay masasaktan si Shan at pwede nya itong ikabagsak....kung dati ay halos mamatay sya dahil sa sunod sunod na pagkawala nina Gail at Akira...pano pa ngayon na pati si lola ay nasa medyo kritikal na sitwasyon at bawal syang mastress??si Shan ang magdadala ng lahat ng problema....

"Alam mo Ericka??wala ka namang dapat ikabahala dahil lang sa nakita mo ang nanay mo at nalaman mong buhay sya....wala naman yung kinalaman sa pagkawala ni Gail...nagkataon lang ang lahat"sabi ni Elaina...

"Nakita mo ang mommy mo??"napatingin kami sa pinto...andun si Quenie

"Quenie Andyan ka pala...tinatawag na ba ako nina tita Rackle sa baba??"tanong ko...

Nakatingin siya sakin habanag naglalakad ito palapit samin...

"I'm asking Ericka...nakita mo mama mo??buhay sya??"tanong nya muli at seryoso sya..

"Ang weird mo Quenie"sabi ni Elaina...

"Shut up di ikaw kausap ko"nabigla ako sa sinabi niya....sinigawan niya si Elaina??this is not her??

"Hey Quenie "saway ko sa kanya...

"Just answer me Ericka..."sabi niyang muli

"Yup...my mother and I have seen each other again..."sabi ko...

Natahimik siya at tumingin ng diretso sa mata ko...

"That's nice"sabi niya at ngumiti...ngumiti din ako bilang tugon...

May kakaiba sa kanya..parang nagbago sya...

"Tayo na they need us right there...Kailangan tayo ni Shan dahil inatake na naman si lola and tita Rackle go to Empires hospital..."nabigla ako sa sinabi niya...inatake na naman si lola???lumabas ng kwarto si Quenie tapos ay sumunod si Elaina

Tumayo na ako at sumunod sa kanila...i can't believe this is really happening to our family...

"She is fine right??di naman sya malubha...napagod lang sya dahil sa stress pero di sya inatake last time pero bakit ngayon??"sabi ko habang naglalakad kami papunta sa ceremony hall

"Huminahon ka Ericka the Empress will be fine...."sabi naman ni elaina...

I hope...I really hope so...

Gail's POV

Nasa isang lugar kami na hindi ko alam...una dahil di naman nila sinasabi at pangalawa nakablind fold ako at wala akong kaalam alam kung anong meron dito...kanina pa kaming nandito...nasa isang kwarto yata kami at nakaupo lang ako sa kama...

"Itayo nyo na sya...pupunta na tayo dun...at bago ang lahat isuot nyo to sa kanya pagdumating na kayo doon.."rinig kong sabi ni Stella...boses nya yun..ano bang nangyari sa kanya??kinokontrol na naman ba sya??

"T-teka...san nyo ko dadalhin"tanong ko ng bigla nalang may humawak sakin sa braso at tinayo ako sabay hila papalabas nung kwarto...

Pero walang may sumagot...hindi ako makalis sa kanila dahil may mga tali ang kamay ko...

"Kunin nyo ang piring nyan at ipasuot nyo yung eye mask bilis..."rinig kong utos ni Stella sa mga may hawak sakin....kinuha naman nila ang piring ko at ngayon naaninag ko na ang paligid....teka...bakit nasa Empire kami...anong ginagawa namin dito??ceremony...tama ngayon na yung ceremony...sinabi yun ni Shan kaninang umaga nang magkita kaming lahat...nilagay ng isang babae sa mukha ko ang eye mask...kulay itim ito na may red feather sa gilid...

"Tayo na...malapit na mag simula...Itali nyo na yan dun sa likod at ayusin nyo ang camera...dapat kitang kita sya..."sabi naman ni Stella...

"Oh..ayus na ba lahat??kumusta ka Gail??excited kana bang makita ang pamilya mong sumira sa pamilya ko??"sinamaan ko sya ng tingin...di niya man ito nakikita pero ginawa ko parin...di ko talaga maintindihan kung bakit ganyan nalang ang galit nya samin...

"Napakasama mo talaga.....bat ba naging ganyan ka ha??"tanong sigaw ko...

"Hmm hahahahahahaha....don't ya worry Gail...malalaman mo rin...sasabihin yun sayo ng napakabait mong lola..."sarcastic nyang sabi...

Tapos ay umalis na sya..
Naiyukom ko nalang ang mga kamay ko...di ko na alam ang gagawin ko..pakiramdam.ko sasabog na ako sa dami ng kinakaharap namin ngayon...tapos may isa pa akong problema...di ko maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay....ang naaalala ko lang ay nawalan ako ng malay nung nasa kotse na kami dahil may pinagtatalunan kami nung babaeng nagdala sakin dito..pero bago nangyari yun..yung nasa school pa kami nung kunin nila ako ay di ko maalala..sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng mga pwedeng nangyari habang wala akong malay at kung ano yung pinagtatalunan namin nung babae sa kotse...maraming pumapasok sa isip ko na pwedeng mangyayari...nag aalala ako na baka naturukan na nila ako ng di ko man lang nalalaman...

Natatakot ako na baka totoo tong mga iniisip ko at di ko makilala sina Shan...natatakot ako na baka masaktan ko sila na di ko man lang nalalaman dahil wala ako sa sarili...takot na takot ako...di ko na alam pa ang gagawin ko.. Di ko na alam at nanghihina na ako napapago.. Kailan pa ba matatapos tong problemang to.. Di ko yata kaya kapag may mangyari na naman samin ng Pamilya ko dahil sa kagagawan niya..

Continue....


The Empress of the Gangsters  [Season 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon