Prologue

396 14 0
                                    

"Siri, I don't want to argue about this thing anymore pero bakit paulit ulit na lang tayo?"

"Gray, ikaw lang ang nagpapalaki ng gulo na ito. Wala kaming masamang ginagawa ni Lucas. Why can't you trust me?"

Serenity, my girlfriend, is making me completely mad. We've been together for almost 2 years now pero hindi pa din mawawala ang pagseselos ko sa best friend niya na si Lucas.

I mean, they're childhood friends and I'm so jealous dahil na din siguro sa fact na mas kilala ni Lucas si Siri not as much as I know her.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela while I'm driving. Masisisi ba nila ako kung nakita ko ang girlfriend ko na nakikipag candle light dinner with her bestfriend?

That's just so damn romantic. Candle light dinner is for couples, for Pete's sake.

"Hindi mo ba nahahalata? I'm jealous. I'M FVCKING JEALOUS!"

"Don't shout at me, Grayson, dahil wala akong ginagawang masama. We're just friends, ano ba!? I have a boyfriend and Lucas knows how much I love you. Did I do something wrong before para hindi mo ako pagkatiwalaan?"

Napapabilis na ang pagmamaneho ko dahil na din siguro sa galit na nararamdaman ko. Nakaka ilang over take na din ako sa mga nakakasabayan ko na sasakyan.

"I trust you pero wala akong tiwala sa Lucas na 'yan. Siri, lalaki ako, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya and I can see how he look at you. May gusto siya sa'yo, ganyan ka ba kamanhid!?"

I heard her sighed at isinandal ang katawan.

"Tama na 'tong drama na 'to, Gray. Nakakapagod na 'yang ugali mo. You're always like this. Groupmates ko sa thesis, partner ko sa laboratory, anak ng amiga ni mommy and now, my bestfriend?"

Mas lalo humigpit ang hawak ko sa manibela.

"Tama na, pagod na pagod na 'ko. Pagod na ako na araw araw mayroon kang pinagseselosan kahit halos ipagsigawan ko na sa mundo na ikaw ang boyfriend ko and you're still so insecure. I'm tired."

"Siri.. hindi lang ikaw ang napapagod."

"Then why don't we just break up?"

A lone tear fell out from my eye. Biglang lumabo ang paningin ko and..

*BEEEEEEEEEEP*

●●●

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon