MISHA
"Bakit naman sa dami ng maiisip mo, monopoly pa?"
Ilang beses ako humingi ng tawad kay Gray habang nasa biyahe kami pauwi hanggang makarating kami ng bahay, sorry pa din ako ng sorry sa kanya.
Buti na nga lang at may nakita kaming toy store nang mapatigil ang bus sa crossing dahil sa stop light at bumaba kami para bumili ng monopoly.
Kailangan ko makabawi sa kanya kasi hindi ko naman talaga inexpect na magtatagal kami ni Xavier sa coffee shop.
Hindi na din naman nagtanong si nanay kung saan ako nanggaling at ginabi ako kasi nagtext na ako sa kanya habang nasa bus na kasama ko si Sab kanina.
Tapos na ako kumain at ngayon ay nakatambay na lang kami ni Gray sa kwarto habang sineset up ang monopoly game niya.
"I don't know. Gusto ko lang maglaro, ayaw mo ba?" napatigil pa siya sa ginawang pag-aayos sa board game.
"Okay lang naman, matagal na din ako hindi nakakapaglaro nito, eh!" tsaka kailangan ko din bumawi sa kanya.
Lihim na napatingin ako kay Gray, hanggang ngayon nakokonsensya pa din ako lalo na't bumabalik balik sa isip ko ang itsura niya habang umiiyak sa isang tabi.
"Okay, ganito na lang..." maya maya ay sabi ko. "Alam ko kasi na mabobored ka na naman mamayang gabi dahil hindi tayo nakabili ng libro mo, hindi ako matutulog magdamag."
"Huh? Why?" nagtaka naman si Gray.
"Para makabawi ako sa'yo. Tsaka isa pa, wala naman akong klase bukas kaya makakapaglaro tayo magdamag." ngumiti ako ng napakatamis.
"Sabi mo 'yan, ah!"
"Promise!"
Naihanda na namin ang mga kailangan para sa monopoly board game na ito. Nakapili na din kami ng token at nilagay namin sa GO, nakalagay na din sa isang gilid ang dalawang dice na gagamitin namin at maayos na namin nai-partition ang pera sa isa't isa at sa... banker?
"Wait lang, Gray. Wala pala tayong banker. Sino hahawak ng natitirang pera, title deed cards, houses and hotels tsaka mga auction?"
"Let's just pretend that we have a banker, we'll set it aside at parang honesty store, kukunin na lang natin 'yong title deed cards kada may mabibili tayong property."
"Hmm, weird pero sige."
"But let's have some twist." nag smirk pa sa akin si Gray.
"Anong twist ang sinasabi mo diyan?"
"For every unowned property we get, we'll have question and answer portion. Kung sino ang nakakuha ng propert, siya ang magtatanong. Deal?"
Umayos ako ng upo mula sa pagkakasalampak namin sa sahig.
"Eh di sana nag spin the bottle na lang tayo, bakit kailangan mag monopoly pa?"
"Come on, this will be fun. Another thing, kung sino ang mananalo sa game na 'to... may authority para ipagawa ang lahat ng gusto niya ipagawa for the whole day."
Napaisip naman ako. Kung ako mananalo, mauutusan ko si Gray buong araw? Ohh... so pwede niya ako matulungan sa pagpapalit bukas ng bed sheet, pagtiklop ng mga damit at pagpapalit ng kurtina sa kwarto?
Sounds good.
"Sige, deal." nag shake hands pa kami para may proof na nagkaintindihan kaming dalawa.
Nag decide kami ni Gray na matapos ang laro after an hour at kung sino ang may hawak na mas malaking pera ay siya ang mananalo. Medyo na-excite din naman ako sa kalalabasan ng laro namin na 'to.
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualeSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...