GRAYSON
Kanina ko pa iniisip 'yong mga sinabi ni Sabrina about sa astral projection. May possibility nga kaya na ganon ang nangyayari ngayon sa akin? At kung totoo man iyon, nasaan ang physical body ko?
Habang tumatagal, lalo nagiging weird ang mga nangyayari. I don't know anyone... hindi ko kilala si Misha, si Sabrina, si Xavier or kahit ang professor nila na si Sir Paul. I just know myself. Pero ano nga ba ang itsura ko? Sino nga ba talaga ako?
I want to go back to my original life at kung patay na ako, I want to go to heaven and have a peaceful after life.
"Gray, napapagod na ako!!"
Nawala lahat ng iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Misha sa likod ko. For now, she's the only reason behind my weak smiles.
"I'm the winner, right? Sundin mo na lang lahat ng sasabihin ko." bahagyang tiningnan ko siya sa likod ko at ngumiti.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa book store malapit sa Rutherford University. Hindi ako pumayag na sumakay kami ng bus kaya nilalakad lang namin papunta doon.
Simply because, I want to see the world. For these past few days, palagi na lang kami sa bahay ni Misha at sa university kaya I want to explore.
May mga nadaanan kaming playground kung saan maraming bata ang naglalaro sa umaga kasama ang mga magulang nila. May park din kung saan may pailan ilan na nagjojogging at nag eexercise.
"Sobra ka naman kasi, pinaglakad mo pa talaga ako! Pwede naman mag bus, eh." wala pa din siyang tigil sa pagrereklamo.
Natatawa na lang ako sa inaasal niya ngayon. Para siyang bata na inagawan ng lollipop.
"Mama, may baliw oh!"
Sabay kami napalingon sa batang nagsalita sa isang tabi habang nakaturo kay Misha. Kasama nito ang tinawag niyang Mama at nakahawak sa kamay nito.
"Shhh. 'Wag ka maingay." sinaway naman siya ng nanay niya at hinila na palayo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Misha at hindi ko na napigilan ay tinawanan ko na siya. Ang tingin nga pala ng ibang tao ay naglalakad at nagsasalita siya mag isa. Namula naman ang mukha niya sa hiya, which I find so cute, at nagmadaling nilagpasan ako para mauna sa paglalakad.
"Hey, wait for me." sinundan ko na lang siya habang natatawa tawa pa din dahil sa padabog na paglalakad niya.
Hindi na niya ulit ako kinausap, siguro ay iniiwasan din na mapagkamalan pa siya ng ibang tao na baliw katulad ng bata kanina. Narating na namin ang book store kung saan ako iniwan ni Misha kahapon.
Dahil maaga pa, kami pa lang ni Misha ang customer ng book store.
"Miss, saan po dito 'yong mga libro ng greek mythology?" tanong niya sa babae na nasa counter.
Nakalimutan ko pala sabihin sa kanya na alam ko na kung saan. Agad na pumunta si Misha sa section ng greek mythology habang nakasunod ako, which is sa dulong bahagi ng book store.
"Misha, ayoko na ng greek mythology."
She look at me, surprised.
"Akala ko eto ang gusto mo?" pabulong na sagot niya. "Ano na lang ang bibilhin natin?"
"Let's buy books for your finals."
"Finals?" nakakunot noo na tanong niya.
Unbelievable. Ako ba 'yong nag aaral sa university niya o siya? Hindi ba siya nakikinig or kahit magbasa man lang ng announcements sa bulletin board?
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...