Chapter 26: OFFICIAL

126 8 2
                                    

MISHA

Here I am, again.

May dala dalang sandwiches na sinadya ko pa gawin bago magising sila nanay at tatay dahil baka tanungin nila ako kung para kanino ito at hindi ako makasagot.

Nakatayo lang ako sa harapan ng pinto ng room 409 at nagdadalawang isip kung susundin ko na naman ba ang puso ko o ang utak ko. Part of me, takot na makarinig ulit ng masasakit na salita and the other half wants to see him. Obviously, nanalo ang puso ko.

Tapos na siguro ang daily check up ng nurse kasi mas late ako nakarating ngayon unlike kahapon na sobrang aga. Ilang buntong hininga at paglunok ng laway ang ginawa ko bago ko tuluyang buksan ang pinto ng kwarto na ito.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita kong natutulog si Gray at mukhang hindi nagising sa pagdating ko. Dahan dahan kong isinara ang pinto nang makapasok ako.

"Nandito ulit ako." mahinang sabi ko kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig.

Naupo ako sa upuan katabi ng kama at tinitigan kong mabuti ang natutulog na mukha niya. Come to think of it, ngayon ko lang siya nakitang natulog dahil noong isa lang siyang spirit, hindi siya natutulog.

Pinagmasdan ko ang minsang pagkunot ng noo niya at iniisip ko kung ano kaya ang napapanaginipan niya ngayon. He really looks so good. Kahit magsungit pa siya or maging grumpy pa siya pagdating sa akin, I hate to admit it pero gusto ko pa din siya.

How many sleepless nights, unforgettable memories, nightmares, sweet dreams, endless thoughts... just because of him. Ano ba ang ginawa niya at binago niya ng ganon na lang ang buhay ko? Parang dumating lang siya para saktan ako pero hindi ko pa din maipagkakait sa sarili ko na sobra niya naman akong napasaya sa mga araw na kasama ko siya.

Siguro, ganito nga talaga ang nagmamahal. Bitter sweet. May times na masaya, may times din na malungkot. Kailangan balance, we're not allowed to be happy everyday dahil hindi magkakaroon ng rainbow without a little rain. I hope, this rain will be done soon at makita ko na ang rainbow. I just don't know when at kung posible nga ba pero I'm hoping that Gray will come back to me kahit hindi naman talaga siya sa akin, in the first place.

"You look so good." dahan dahan kong hinawakan ang pisngi niya.

It's warm and soft. Parang gusto ko siya hawakan forever. Bigla ko naman naalala ang napag usapan namin noon, ang sabi niya ang una niyang gagawin pag nagising siya is to hold my hand. I guess, it will never happen. We even made a pinky promise na magiging magkaibigan forever, so it's also will never happen. This is too sad.

Love is very unpredictable. When you love someone more than they deserve, surely they will hurt you more than you deserve. At ito na nga ang nararamdaman ko ngayon. I love him too much na umabot na ako sa point na hindi ko siya magawang bitawan sa kabila ng ugaling pinapakita niya.

Still, I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's alright, act like it's all perfect, even though inside it really hurts. Ako ang may gusto nito, eh! Ako ang nagdesisyon na hindi lumayo so I need to face these consequences.

Pero nakakapagod na.

Nilapag ko ang ginawa kong mga sandwiches sa table, as I wiped my tears away. I don't think I can do this anymore.

"I love you, Grayson." napapikit ako at sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko.

There's no any million words that will make him come back to me, because I tried. Pero walang nangyari. There's also no million tears will change his mind, because I cried.

Together with all the pain and grief, I left.

Dumiretso ako ng university para sa last day ng clearance and then after, bakasyon na din sa wakas. Tapos na ang freshman year ko sa Rutherford University at magiging sophomore na ako.

I need to move on with my life. Hindi habang buhay magiging ganito ako, I have to let go of the things that making me suffer like this. I have to let him go and move on.

Hindi ko nakita si Sab sa university kaya dumiretso na ako sa professor's office at pinapirma ang clearance form na hawak ko. Everything was all set and I'm completely cleared for this school year.

Dinala na lang ako ng mga paa ko sa garden ng university. Imbes na maupo sa bench, tumayo lang ako sa gitna ng pathway na napapaligiran ng mga damo, halaman at iba't ibang klase ng bulaklak. Tumingala ako sa langit.

So, kailangan nakikisabay sa drama ko ang panahon? Nagdidilim at mukhang nagbabadyang umulan. Habang nakatingin ako sa langit, unti unting lumabo ang paningin ko at naramdaman na naman ang mga luha na tumulo sa pisngi ko.

Ang pinaka masakit na mararanasan ko sa buhay ko ay ang hindi ko pa naririnig ang salitang goodbye pero nararamdaman na ng puso ko. Ayoko na. Hindi ko na kaya magpakatanga.

May pumatak na kung ano sa mukha ko, hanggang sa dumami na ito at tuluyan na akong nabasa ng ulan. Pero diba mas okay na 'yong umiyak habang nasa ulan, dahil walang ibang makakaalam na umiiyak ka?

Ilang minuto ang nakalipas na nasa ilalim ako ng ulan nang may maramdaman akong payong na nag cover ng ulan na pumapatak sa akin, napalingon ako sa likod ko.

I awkwardly smiled at him.

"What do you think you're doing?" Xavier... my saviour.

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakangiti sa kanya na feeling ko ang creepy na. He stared at me na parang hindi alam ang gagawin but he still did something.

He hugged me. He hugged me so tight na lalong nakapagpalabas sa lahat ng sakit na nararamdaman ko, lahat ng luha na hanggang ngayon nakatago pa din sa likod ng mga mata ko. What can I do? Mas lalo akong naiiyak kapag may nagcocomfort sa'kin?

I hugged him back and cry on his shoulders. Bakit nga ba hindi si Xavier na lang ulit? Bakit kailangan pa tumibok ng puso ko sa iba? Kung kailan nandito na si Xavier, saka naman nagbago ang lahat.

Ilang minuto din kami sa ganong ayos nang yayain na ako ni Xavier sumilong. Dinala niya ako sa changing room ng baseball club at pinahiram ng oversized tshirt para makapagpalit.

Pinaupo niya ako sa mahabang bench at naglabas siya ng towel para punasan ang buhok ko. Nakatayo siya ngayon sa likod ko at dahil may salamin sa harapan ko, nakikita ko pa din siya.

Hindi kami nag uusap simula pa kanina, tahimik lang kaming dalawa at hindi namin alam kung ano ang dapat sabihin sa isa't isa. Maybe, because of what happened to us last time, naging awkward na. I guess, I need to apologize.

"Xavier, I'mー"

"I'm sorry." naunahan niya ako humingi ng tawad at nagkatinginan sa salamin sa harapan. "Pinagsisisihan ko ang nagawa ko, I'm so stupid and I feel thatー"

"Xavier..." putol ko sa sinasabi niya, he looks so sincere so I can't help myself but to feel bad. "I'm sorry."

"No, Misha, you don't have to say sorry. This is all my fault and I've been anー"

"Do you still want to date me?" I asked, without thinking.

"W-What? Of... of course. I want to date you. I mean, s-sinabi ko na sa'yo before that I like you and..."

Halatang naguguluhan si Xavier sa mga tanong ko dahil na din sa pag-stutter niya. We remain silent for a couple of minutes bago ako magsalita ulit. I'm not going to regret this and I promise to accept all the aftermath.

"Then from now on, we're officialy dating."


••• To be continued •••

Author's note:
Hi sa besty ko na alam kong mapapatay ako after mabasa ang chapter na 'to. Labyu. 🤗

Thank you for your votes and comments! ❤

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon