Chapter 7: BASEBALL

153 6 0
                                    

MISHA

"Okay! So, may nalaman na naman tayong isang bagay, naririnig ng ibang tao ang footsteps mo."

Kasalukuyan na nakasakay kami ni Gray sa bus papuntang school at kaya ko siya nakakausap ay dahil wala masiyadong pasahero ngayon at isa pa, sa dulo kami nakaupo kaya nasisiguro ko na hindi ako naririnig ng bus driver pati na ng konduktor.

"So does it mean I still exist? I mean.. buhay pa kaya ako?"

Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Feeling mo buhay ka pa? Eh hindi ka nga namin nahahawakan at hindi ka nga nakikita ng iba, eh."

He sighed.

"Okay, I'll do my best para malaman natin kung sino ka talaga or kung may nakakakilala sa'yo. But for now, mag behave ka okay? They can feel your presence."

"I know. I'll be careful."

"Bakit ka ba kasi palakad lakad sa kwarto ko ng dis oras ng gabi?"

"I told you, right? Hindi ako nakakaramdam ng antok and isa pa, I'm bored."

"Ah, so nakialam ka ng mga gamit ko? Ganon ba?"

"No, I didn't. Naghahanap din kasi ako ng books if meron para at least mawala 'yong pagka bored ko but there's none. Wala ka kahit isang libro."

Napaiwas ako ng tingin kasi medyo nahiya naman ako na wala akong libro sa kwarto kahit isa.

"Sige, ganito na lang. After class, pumunta tayo ng bookstore at ibibili kita ng isang libro. Isa lang, ah! Wala akong budget para sa mga libro."

He smiled widely which makes my heart giggled a little. Cute niya kasi talaga mag smile.

"Thank you." sincere na pagpapasalamat niya.

Tumingin lang ako sa ibang direksyon. I'm not used to this. Hindi naman kasi talaga ako sanay makipag usap sa mga lalaki ever since. I've never had a boyfriend or a boy space friend. Si Xavier lang ang lalaki sa buhay ko at hindi pa ako napapansin.

Pagdating naman sa university, hindi na ulit kami nag usap ni Gray at tahimik na lang na tinahak ang daan papunta sa classroom pero bago pa ako makatapak sa hallway, may humatak na bigla ng braso ko.

"Ano baー"

Napatigil lang ako sa balak kong pagsusungit nang makita ko ang humaltak sa braso ko. Si Sabrina.

"Girl, ano? Bakit ngayon ka lang? Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?" pagtataka na tanong ko.

"Shoot. Nakalimutan mo nga. Haller? Practice ng baseball ni Xavier ngayon!"

Napa-gasp naman ako nang maalala na Wednesday nga pala ngayon at every Wednesday at Friday ang schedule ng team ni Xavier para sa baseball practice.

Napatakbo agad kami ni Sab papunta sa baseball field at nakita ko naman na nakasunod lang sa amin si Gray habang mabagal na naglalakad kaya medyo naiiwan na namin siya.

Nang marating namin ang baseball field, agad kami naupo sa bleacher at naka pwesto kung saan kitang kita ang gwapong mukha ni Xavier.

"Hindi ka pa ba late?" narinig ko ang boses ni Gray sa tabi ko at nakaupo na din.

Katabi ko si Sab sa kaliwang side at si Gray naman sa kanan.

"Mahaba pa ang oras before mag start ang class." sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Xavier.

"Buti nga kahit papaano, medyo maaga aga ka pa din nakarating dito kahit nakalimutan mo na may baseball practice sila ngayon."

I just smiled. Smile na mukhang nababaliw na sa kakatitig sa ultimate crush ko.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon