Chapter 30: STALKER

127 7 3
                                    

GRAYSON

"Have you already posted our OJT hiring?" nagmamadali kong kinuha ang mga clipboard sa ibabaw ng table at nag-input ng information sa computer.

"Yes, sir. I did it last week po at mayroon nang ini-interview ang HR ngayon. There's a total of 5 applicants so pinapatanong lang ni Ms. Sherry kung ilan daw po ang kailangan niyo?" tuloy tuloy na sabi ng secretary ko na si Jane.

"Uhm, just one. I need only one and make sure that that someone has a major in accounting kasi I need someone to help me on these pile of work. Then, 'yong ibang applicant... hmm... sa payroll department na lang siguro."

"Okay, sir. May itatanong pa po ba kayo?"

"Nope, nope. That's everything. Salamat, Jane. Tsaka pakidalhan na lang ako ng coffee."

"Okay po, sir."

Hindi ako magkandaugaga sa dami ng trabaho na iniwan ko at dahil matagal din ako naka-leave, tumambak na ito ng sobra. Tinutulungan naman ako ni Jane sa ibang gawain. After ko basahin lahat ng emails and updates sa company, doon ko nalaman lahat ng nakatambak na gawain ko na naghihintay sa akin. Pati tuloy ang mga staff ko, hindi din mapakali sa dami ng ginagawa namin. Ni hindi man lang sila kumuha kahit sinong replacement para pumalit muna sa akin.

Maya maya pa ay bumalik na si Jane na may dalang kape at nilapag ito sa kaunting space sa table ko.

"Sir, ito na po 'yung coffee niyo. Tsaka nga po pala, tumawag po 'yung receptionist sa baba, may naghahanap daw po sa inyo."

"Is it Siri?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa computer at tuloy lang sa pagta-type.

Kilala si Siri sa company dahil madalas din ito bumisita sa akin lalo pag ganitong malapit na ang lunch break. Pero these past few days, matapos ang pag-aaway namin about sa jacket thingy na 'yun, hindi na siya nagpupunta dito na parang siya pa ang galit. Parang kasalanan ko pa na nagpunta siya sa club while I'm at the hospital at nagpakalasing siya with her ex boyfriend. Wow.

She doesn't give me any text messages and calls either. Hindi naman lagi ako ang iintindi sa kanya and this time, it's not my fault so bakit ako ang magpapakumbaba? Hindi nga ako nakarinig ng kahit anong sorry sa kanya, eh. Well, whatever.

"No, sir. Hindi daw po si ma'am Siri. Uhm, Miya daw po ang pangalan niya."

"Miya?" napatingin ako sa secretary ko at napataas ang isang kilay ko. First time ko lang narinig ang pangalan na 'yun so I'm not sure kung kilala ko but since malapit na naman ang lunch break, sasaglitin ko na muna. "Alright, thank you Jane."

Lumabas na din agad si Jane at pinagpatuloy saglit ang ginagawa. Ininom ko na muna ang coffee at nang makalahati ko na ay lumabas na ako ng office para puntahan ang Miya na nasa baba daw at hinahanap ako. Sumakay ako ng elevator para makarating sa ground floor.

Nakalagay ang mga kamay ko sa bulsa nang maglakad ako papunta sa lobby at nakita ko ang babae na nakatalikod at kausap ang receptionist na si Alice.

"Matagal pa kaya siya?" mukhang kanina pa kinukulit ng babae si Alice dahil halata na sa itsura nito ang pagkairita.

At napakunot naman ang noo ko dahil parang familiar ang boses niya at narinig ko na before. Nagliwanag ang mukha ni Alice nang makita ako.

"Ma'am, nandyan na po si sir Grayson!" sabay turo sa akin at lumingon ang babae na kanina ay nakatalikod at ngayon ko lang din napansin na marami siyang bitbit na kung ano.

"Gray!!"

Bumagsak ang balikat ko nang makilala kung sino ang babaeng ito. I knew it. Dapat talaga inexpect ko na mangyayari ito kasi nga stalker siya, diba?

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon