Chapter 9: REVELATION

138 8 1
                                    

MISHA

Mabilis na umorder ng pagkain si Sab sa counter pagdating ng lunch break at naupo kami sa vacant seat sa cafeteria.

"Misha, mamamatay na ako kanina pa kakahintay sa lunch break para lang makausap ka. You know, I'm freaking dying to know! Sino si Gray?"

She set the food aside at puno ng curiosity na nakatingin sa akin at medyo naka-lean.

"Eto na nga, excited ka eh, 'no? Pero 'wag mong ipagkakalat ha?"

Tumango lang siya ng ilang ulit.

"Ako lang ang nakakakita kay Gray." maikling pag-eexplain ko.

"Huh? Is this some horror film? I mean, totoo ba 'yong mga ganyan? 'Yong may mga taong hindi nakikita ng iba? Ano siya, may super powers? Invisible?"

"Kaya nga! Hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakakakita at nakakarinig sa kanya."

"Nandito ba siya ngayon?"

Pinaikot ko ang mga mata ko sa buong cafeteria.

"Wala pa siya pero susunod naman siya dito sabi niya."

"Teka lang, girl. Have you tried to see a psychiatrist?"

"Sabrina naman! Sabi ko nga sa'yo, diba? Hindi ako baliw. Hindi ko din alam kung bakit nangyayari 'to."

"Baka kasi, you know, imaginary friend mo lang. Ang hirap kaya paniwalaan ng ganyan. Are you stressed?"

"No, I'm not! I'm perfectly fine! Duh?"

"So.." 'yong mata ni Sab na kanina ay pinapakita ang curiosity, ngayon naman ay napalitan ng pang-aasar. "Pogi ba?"

Palihim ko ulit nilibot ang paningin ko sa buong cafeteria at nang makumpirma ko na wala pa nga si Gray, tumango ako sa tanong ni Sab.

"As in? Mas gwapo pa kay Xavier?"

"Uhm.. pwede walang mas? They're both handsome."

"Mabait ba siya? Sweet? Saan siya tumutuloy ngayon? Ano'ng tawag niya sa'yo? How did you know each other?"

"Ang daming tanong?" natatawa tawa na sagot ko sa kanya. "Okay, so.. he's nice. Nung una, tinawag niya ako ng Miya Shannel pero sinabi ko na mas preferred ko kung tatawagin niya akong Misha. Nakilala ko langー"

"So, you're talking about me?"

Napatigil ako nang marinig ang boses ni Gray na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Paanong hindi ko naramdaman na dumating na pala siya?

Right. Because he's a ghost.

"Nandito na siya, Sab." pabulong na sabi ko sa kaibigan ko.

Naalarma naman siya at sinubukan hanapin sa paligid ang tinutukoy ko.

"Naririnig niya ba ako?" tanong niya na medyo may halong takot ang boses.

"Of course, silly! Uhm, Gray.." humarap ako sa kanya. "I told her everything about you. Siya nga pala si Sabrina, best friend ko. Sab, si Grayson..err.. invisible friend ko?"

"Hi, Sabrina." Gray said while smiling kahit aware naman siya na ako lang ang nakakakita ng magandang ngiti na 'yon.

"He said hi."

"Uh.. h-hello?" alangan na sagot ni Sab habang nakatingin sa gawi ni Gray at halatang sinusundan lang ang tinitingnan ko.

"Alam mo, feeling ko hindi ka pa din naniniwala sa akin." medyo may pagtatampo na sabi ko kay Sabrina, kasi naman halata pa din sa mukha niya na sinasakyan niya lang ang mga sinasabi ko.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon